Chapter 7: Girlfriend

3642 Words
Gusto ko na lang sumuko sa mga oras na iyon, hirap akong makuha ang atensyon ni Rohan. He is hard to please. Medyo na frustrate na ako sa pagkat kinulang yata ako sa pasensiya dahilan para bumalik na lang ako sa lamesa ni boss at ng pinsan kong disappointed sa akin. Wala na akong balak kausapin ang isang Rohan, dahil nawawala na ako sa sariling mundo. Nahiya ako bigla sa sarili ko, nauubusan ako ng sasabihin. "Paano ko makukuha ang atensyon niya? He is not interested with me?" Nagtaas ako ng kilay. Medyo naninibago ako sa sarili ko dahil lang sa pagsasalita ng english. Dapat ko na yatang sanayin ang sarili na magsalita ng ganito, dahil ito naman ang mga gawain sa mga yayaman lalo na't nagpanggap akong laki sa Spain. "Later... You can get his attention." Ngumisi si boss. Akala ko pagalitan niya ako dahil hindi mo nagawa ang plano na magpapansin kay Rohan pero hindi pala, mukhang may second plan pa siya. Napatingin na lang ako kay Rohan na may kausap na magandang babae, tumatawa ang babae habang hinahaplos siya sa braso. Medyo nagtagal ang titig ko sa kanilang dalawa dahil ang gaan ng tungo ni Rohan sa babae. I can't believe him... Ang choosy niya pala sa babae. Kaya niya naman pa lang makipag-usap ng maayos sa babae, kaya niya ring ngitian. Bakit sa akin? Hindi niya yata ako kayang pansinin. Maski tingnan ang mukha ko kanina hindi man lang niya ginawa. Napahilamos na lang ako sa mukha. Titig na titig ako sa babaeng kausap niya ngayon, dahil hindi ko maiwasang humanga sa kagandahan niya. Mapayat, matangkad, sexy ang katawan, maganda ang hulma ng mukha, makinis. May dimple rin ito, maganda siya, hindi ko ipagkakaila iyon. Ang lakas pa ng dating ng babae. Siguro mga ganyang type ng babae ang gusto niya, sa dami kasing babaeng pumapansin kay Rohan at gustong makuha ang atensyon niya sa babaeng lang iyan nakuha ang kanyang buong atensyon. Gusto ko na tuloy gayahin ang babang kausap niya ngayon. Nawala rin sila sa paningin ko kalaunan dahil pumunta sila sa harapang table at magkasama silang umupo doon. "Magsisimula na ang bidding boss," sabi ng pinsan ko. "Doon tayo umupo malapit kay Rohan nang sa ganoon mapansin niya tayo," utos niya na agad naming sinunod. Tatlong lamesa ang pagitan ng puwesto namin sa puwesto ni Rohan. Magkausap pa rin sila. Magkabulungan pa ri sila sa babaeng nasa harap. Nagtagis ang bagang ko sa pagkat naiinis ako nang makita kong nakangisi si Rohan sa babae habang may sinasabi ito. Bakit nakaramdam ako ngayon ng galit? Dahil ba hindi ako pinansin ni Rohan kanina? "Saka mo lang itaas ang number mo kapag nagtaas rin ng placard si Rohan, do you get me?" utos ni boss sa akin. "Copy sir Ramirez," I responded. Napatitig siya sa akin nang mariin, siguro naninibago dahil may tumawag sa kanyang apelyido. "You need to make the price higher than him so that he will notice you. Just watch our target closely," huling sabi niya bago siya nag-focus sa Master's of ceremony na nasa harapan namin. Nang magsimula ng mag-bidding ang announcer sa harapan, nagtaasan na ang ibang mga buyers ng kanilang mga placard at sinasabi nito ang presyo. "Alright... This cars is Lamborghini... It is high end production made from United States. This cost will start at 1 million pesos. Anyone wants to buy this sports car?" Sinabi ng mc bawat specs nito pagkatapos naghintay siya kung sino ang magbi-bid ng malaki pa sa 1 million. May umangking nito hangang 2 million kaya lumipat na siya sa ibang sasakyan. Bale mga sampung kotse na limited edition ang ginawan nila ng auction, pero sa limang na bili ng mga business man, hindi ko pa rin nakitaan si Rohan na nagtaas ng kanyang placard. "I don't think bibili siya boss," sabi ni Anna. "Kanina niya pa kausap iyong babae kay sa mag-focus sa mga sasakyan na benibenta." Actually, iyan din ang nasa isipan ko, iniisip ko rin na baka hindi bibili si Rohan sa kotse at gusto niya lang makausap itong babaeng kasama niya ngayon. They were busy talking about something, nagbulungan pa. Hindi na ako makapaghintay na magtaas siya ng placard niya. "This is the 7th car... We still have 3 more to go and we will close our auction," anunsiyo ng MC. Nakita kong tumigil na sa pakikipag-usap si Rohan sa babae at nakinig na lamang sa nagsasalita sa harapan. Nagtaas siya ng placard niya nang pang 7th car na itong in-endorso. Ngumisi naman ako. Finally! "I will buy that for 3 million," seryoso niyang sabi. Napatingin ako kay boss. Senenyasan niya ako na gawin na ang part ko. "For 4 million..." Nagtaas ako ng placard ko. Nakuha ni Rohan ang atensyon ko sa pagkat kaming dalawa lang naman ang nagtaas ng placard. Kumunot ang noo niya nang makita akong nakangisi sa kanya. Wala namang emosyon ang kanyang mga mata. Ano ka ngayon? Dito ko lang pala makuha ang atensyon mo, sa ganitong pagbi-bid. "I will buy that car for 5 million..." May isang tumayo. Naghintay ako kung tataasan pa ba ni Rohan ang presyo pero bumalik na siya sa pag-upo, hindi na rin ako nagtaas ng presyo sa pagkat siya lang naman ang hinintay kong makipag komptensiya sa akin. In-endorso na ulit ang pang 8th car, kaya may dalawa na lang na natira. Hindi tumingin si Rohan sa kanyang likuran kung na saan kami, siya lang talaga ang tinitingnan ko for the whole time na nasa loob kami ng Auction event. Nang dumating na sa 9th car, na nagkakahalaga ng 7 million pesos may nagbi-bid pa rin hangang sa umabot na ng 10 million. Nalula na ako sa laking pera na ginastos nila para lang sa sasakyan. Pagkatungtong ng 11 million... Tumayo si Rohan at nagtaas ng placard. "13 million for that car!" balewala niyang sabi. Mabilis ko namang kinuha ang placard number ko at sinabi rin ang bid ko sa sasakyan. "15 million!" Nakita ko ang paghawak ni pinsan sa akin, mukhang hindi inaasahan na agad akong nagdesisyon ng ganoong kalaki. Tumingin si boss sa akin. Mukhang pati siya hindi rin makapaniwala pero sa bandang huli, ngumisi na lang ito saka tumango. "I guess you get his attention already." Tumingin siya sa puwesto ni Rohan. Tumingin din ako sa harapan, kunot noo ang titig ni Rohan sa akin. Mabilis ko namang pinakita ang ngisi ko, siguro masiyadong hatala ang pagpapansin ko sa kanya. Dapat lang din na mapansin niya ako, nakakahiya kaya ang pang-iinsulto niya sa akin kanina. "You want to make the price higher?" tanong ko nito. Lahat ng mga mata sa amin nakatingin. Umiling si Rohan sabay upo. "I'm not interested with it anyway. I'll just get the 10th car." Siya naman ang nagtaas ng kilay. Umupo na ako pabalik sa upuan. Napatingin ako sa kasamahan sa lamesa. Napa-iling ang pinsan ko. "You make him pissed, Nathalia. Mukhang mas lalo kang mahirapan na magkalapit kayo," sabi ng pinsan ko. Ngumuso ako. Kung may mali man sa ginawa ko, well at least nakuha ko pa rin ang atensyon niya kahit galit siya. "I guess you can get back the 15 million once you get him right?" tanong naman ni boss. Nalaglag naman ang panga ko, tumigil yata ang mundo ko sa mga oras na iyon. "Teka? Ako ang magbabayad sa 15 million?" hindi makapaniwala kong sabi. Tumango lang siya. "Of course... Dahil ikaw ang gagamit sa sasakyan na 'yan. And I guess you are aware about the price? Ibabalik mo sa akin ang 15 million oras na nakuha mo na ang loob ni Rohan... So make him fall for you so that you can pay your debt." Debt? Ako pa ngayon ang may utang? "Sumusunod lang naman ako sa sinabi mo boss na taasan ko ang presyo ng kotse. Bakit ako pa ngayon ang magbabayad?" "Mabayaran mo naman ito kapag nakuha mo na ang tiwala ni Rohan. Trust me... He is rich than you thought, sobra pa sa 15 million ang makukuha mo sa kanya basta gawin mo lang ang lahat ng utos ko." Hindi na talaga ako makapahreklamo. Feeling ko tuloy na scam ako nang hindi ko nalalaman. Alam kong napakahirap bayaran ng 15 million, paano kung ebenta ko na lang kaya ang kotse kay Rohan? Gusto niya naman ito. "You can't sell the car... Unless your mission is already done." Nabasa niya yata ang nasa isipan ko kaya mas lalo akong hindi mapakali ngayon. Akala ko ako ang magkapera dito bakit mukhang ako pa yata ang lugi. "Paano ko makukuha ang isang Deon? E, isang araw pa lang ang misyon ko nahihirapan na ako, paano pa kaya sa susunod?" reklamo ko pa. "You can do it. Sa umpisa lang iyan mahirap, kapag alam mo na ang gagawin. Madali mo lang magawa ang lahat." Nang makauwi kami ni insan hindi pa rin ako makapaniwala sa sarili ko na nagawa kong pumasok sa isang sindakato na wala akong alam kung hangang saan. Hawak na namin ni insan ang perang hiniling namin kay boss pampa-opera kay Mama. Kahit papaano nakahinga na lamang ako ng malalim dahil hindi na ako maghihirap sa pera. "Kaya mo iyan, insan. Huwag kang basta-basta susuko, magagawa mo rin ang misyon mo. Kung puwede lang na ako na ang gagawa pero ayaw ni boss e." Napatitig na lang ako sa insan ko, pareho kaming pagod ngayon dahil lang doon sa auction event na wala namang patutunguhan, nagkaroon pa ako ng utang. Kahit yata isangla ko ang buhay ko hindi pa rin sapat na mabayaran ko ang 15 million. Kinabuksan agad na naming kinausap ang doctor para ma-operahan na si mama ngunit ang sabi nito hindi raw magiging madali ang lahat lalo na't wala pang heart donor. Maghahanap pa raw kami ng magdo-donate para sa operasyon ni Mama. Mas lalo akong na frustrate sa susunod na gagawin. May pera nga wala namang donor. Umiiyak na lamang ako sa labas ng hospital, nanalangin ako na sana may mabuting puso na magdo-donate. Kung puwede lang na ako na ang mag-donate, pero panigurado mas mahihirapan si Mama kung mawala man ako sa mundo. Sa gabi din na iyon pinatawag na naman kami ni boss para bihisan na naman daw ako. Ang sabi niya pupunta raw kami ng high end bar ngayon. Ang sabi niya nandoon raw kadalasan ang puntahan ni Rohan sa tuwing weekend. Alam kong magaling si boss magmanman dahil nalaman niya agad kung saan ang biktima ko. Ngunit hindi ko akalain na maski lakad ni Rohan alam niya. Pagkapasok pa lang namin sa loob ng bar marami ng nagsasayawang mga tao sa loob. Maingay ang stage at may usok pa. Medyo nalula ako sa lugar sa pagkat first time kong makapunta sa ganito. Ang ingay pala at hindi ako sanay. Dahil hindi ko naman kayang gumalaw na wala ang pinsan ko sinama namin siya. This time may mga bodyguards si boss na sinama. Umupo kami sa isang couch na pabilog. Sa unahan namin nakita ko agad si Rohan na kasama ang tatlo niyang kapatid na purong matatanda nag-iinoman sila doon. Wala man lang babaeng sumawsaw sa kanila. Napapansin kong lasing na si Rohan... Nakaupo lang siya sa couch habang kausap ang isang lalaki na kamukha niya ang hugis ng mukha. "That's his brother... The other side is Deon... And the other one is Harris, and the next one is Renz." Senenyas ni boss ang bawat puwesto ng magkakatapid. They were good looking, matured na rin ang pagmumukha ng mga ito, agaw atensyon sila sa mga babaeng sumasayaw. May lumapit pa nga na babae pero agad na nila itong inilingan. Napapansin kong sa kanilang apat si Rohan lang itong maypagka-soft ang mukha kapag ngumingiti. Pero kapag nagseryoso naman halos ayaw mo ng lapitan. Feeling mo mananakmal lang. Nag-uusap lang ang magkakapatid sa couch hangga't sa nagpaalam iyong Renz saka sila iniwan sa couch. "Let's wait until no one's around him," sabi ni boss Sinasabi niya sa akin ang dapat kong agawin, ang kailangan ko raw gawin ay samahan si Rohan sa kanyang lamesa saka ako makipag-usap sa kanya. Kailangan ko raw galingan ang pag-approach sa kanya. Pagka-alis ng dalawa niya pang kapatid na si Deon at Harris, mag-isa lang siya sa couch na umiinom. And this is my chance to be friendly with him. Kinakabahan ako habang naglalakad na palapit sa kanyang couch. Ang lakas ng t***k ng puso ko, feeling ko matatanggal na ang puso ko. May takot rin akong naramdaman sa kalooban ko sa pagkat takot akong ma-reject na naman at mainsulto niya. Siya ang pinaka-aroganteng lalaki na nakilala ko so far, kaya hirap akong makipag-usap sa kanya nang hindi kami nagka-initan. May lumalapit sa kanyang isang babae, mukhang niyaya siya pero agad itong umiling kaya umalis na ang babae. Halatang nahiya dahil hindi na gustuhan ng lalaki. Tahimik lang siyang nakatingin sa beer sa lamesa. Nag-isang lagok siya bago ito tumayo. Natigil ako sa paglapit. Sinundan ko siya ng tingin habang naglalakad siya palabas ng exit. Teka uuwi na ba siya?! Mabilis ko naman siyang sinundan ngunit natigilan ako nang may humarang sa kanyang babae. Maputi ito, balingkinitan ang katawan, matangos ang ilong at mukhang half american dahil sa blue na mata nito. Nakangiti siya kay Rohan... Habang nakikita ko naman ang lalaking hindi maka-imik sa kanyang presensiya. Lumapit ako hindi malayo sa kanila upang mapakinggan ko ang kanilang pag-uusap. "Hey... Long time no see?" Ngumisi ang babae. Hindi pa rin siya iniimikan ni Rohan. Nakatingin lang ang lalaki sa kanya, akmang lalagpasan niya ang babae ngunit hinarangan na naman siya. "Wait... Hindi mo ba ako namimiss?" Pinilit ng babaeng ngumisi. Hinarap siya ni Rohan. Hindi ko makita ang reaction nito sa pagkat nakatalikod siya sa puwesto ko, ang tanging nakita ko ang mukha ng babae na mukhang mala-anghel sa ganda. "Why would I miss you? After what you've done to me?" sindak ang boses ni Rohan. Natigilan ako nang nilagpasan na siya ng tuluyan ni Rohan at lumabas na nga ito ng bar. Mabilis namang sumunod ang babae sa kanya at tinawag pa rin ang pangalan nito. I smell something fishy. Mukhang may kakaiba sa dalawang iyon. Dahil kuryuso ako, sinundan ko sila hangang parking lot. Nawala na nga sa isipan ko na kasama ko nga pala si boss at si Anna. "Wait for me, Rohan! Let me explain please!" Umiiyak na sumunod ang babae. Nagtago naman ako sa madilim na parte para lang hindi nila ako mapansin. Siguro ako na yata ang pinaka 'marites' sa buhay ni Rohan. Nakikinig ako ng may buhay na may buhay. Masiyado kasing mysteryoso itong si Rohan, napapatanga na lamang ako sa tuwing may nire-reject siyang babae, animo'y allergy siya sa mga ito kapag kinakausap siya. Naiisip ko tuloy na baka bakla siya. Huminto silang dalawa sa itim na sasakyan, akmang bubuksan na ni Rohan ang kotse niya pero pinigilan siya ng babaeng humahabol sa kanya. "Please, hindi ko naman sinasadya. Lasing ako nun... I tried to stop of what we are doing—" "Shut up! I don't want to hear your damn explanation. Nakita kong nasasarapan ka sa ex mo...Two of you were naked on that damn bed. Tapos sasabin mong hindi mo sinasadya? I even heard your fvcking moan?" Dahil kita ko na ang pagmumukha ni Rohan mula rito sa puwesto ko, mababakas sa kanya ang pangalaiti sa galit. "I swear... Hindi ko talaga sinasad—" "Damn it! Stop chasing me! Wala na tayo!" Umawang ang labi ko, feeling ko ako ang sinabihan niya nun. Ang sakit siguro sa part ng babae na pinamukha sa kanya na wala na siyang pag-asa. "Patawarin mo ako please! Come back to me, Rohan... I'll change for the better. I still want you." Hinawakan siya noong babae. Halos lumuhod na ito para lang makuha ang simpatya ni Rohan. "For what, Jacky? Hindi kita kayang mapatawad. Ano pa ba ang gusto mo? After you change me? After you make me miserable? Tapos haharap ka sa akin ngayon at magmakaawa? The fvck are you doing? We already broke up for a month ago? I already move on! Stop now!" Napatakip ako sa bibig dahil sa nalaman. Ibig sabihin may girlfriend pala si Rohan pero niloko lang siya ng babaeng kausap niya ngayon. No wonder why he hate girls around him, mukhang malaking trauma ang ginawa noong Jacky sa kanya base on his reactions. "Hindi pa ako nakaka-move-on sa'yo. Gusto kong magbalikan tayo. Please come back to me. I will explain—" "Let me go!" Hinawakan noong Jacky ang braso ni Rohan ngunit agad lumayo ang lalaki sa kanya na para bang allergy siya nito. Nakita kong nasasaktan ang babae sa ginawa niyang pagtataboy. Masama ang tingin ni Rohan sa kanya. "It's too late now..." Tatlong salita na nagpapatigil sa babae. Humikbi ito at nanghihina ang mga tuhod. "W-what do you mean?" Napalunok ako ng laway. Kailangan kong gumawa ng paraan ngayon, hindi ko hahayaang makaalis si Rohan na hindi niya ako makikita. Kaya naman... "It's too late now, Jacky... Umalis ka na. I don't need you anymore." Binuksan ni Rohan ang kotse niya ang kaso pinigilan na naman siya ng kanyang ex-girlfriend. "Don't tell me may bago ka na? Ang bilis naman yata kung ganoon? Isang buwan pa lang tayong naghiwalay." "I have new girlfriend now. May pumalit na sa'yo, she's better than you. Hindi porket isang buwan pa lang simula noong niloko mo ako, hindi kita kayang palitan? Do you think I will stick with you?" Hinamon siya ni Rohan ng tingin. Iniling-iling ni Jacky ang ulo niya. Ilang sandali pa tumawa siya ng malakas, animo'y nagpapatawa si Rohan sa kanya. "It can't be... Ako ang unang girlfriend mo... you told me before that you hate girls. That's impossible, Rohan! Don't made a joke na may bago ka na dahil alam kong mahal na mahal mo ako at hindi mo ako kayang ipagpalit sa iba." Nakita kong hindi makasagot si Rohan, titig na titig siya sa babae. Malamig ang mga mata nito. "Don't be too confident, Jacky... You are not the only girl—" "Kung ganoon sino ang babaeng bago mo ngayon? Bakit hindi mo siya kasama? As far as I know... Kahit saan ka magpunta kasama mo ito, just like what you did to me before." Mas lalong walang masagot si Rohan... Ako na yata ang naawa sa kanya dahil alam kong apektado pa rin siya. Kahit tinitigan mo lang siya ngayon, tiklop siya dahil makikita mong mahal na mahal niya pa rin ang ex-girlfriend niya. "She's... Not with me because..." Hindi matapos-tapos ni Rohan ang sasabihin niya. Nag-cross arm ang Jacky at taas noong tiningnan si Rohan, mukhang na buhayan siya ng loob dahil tama ang sinabi nito na nagsisinungaling lang ang lalaki na may bago siyang girlfriend. "Because what, Rohan?" Mabilis akong lumabas sa pinagtataguan ko. Tumabi agad ako kay Rohan saka ako kumapit sa braso nito. Nawawala na yata ako sa sariling pag-iisip sa mga oras na iyon, gusto ko lang siyang isalba sa kahihiyan. "Hey baby... I'm sorry, I am late." Nakangiting sabi ko kay Rohan sabay halik sa labi niya nang mariin. Medyo natulala pa ako sa ginawa ko. Hindi ko in-expect na ganoon ang mangyayari sa pagkat wala naman iyon sa isipan ko na halikan na lang siya bigla. Nilayo ko ang mukha sa kanya saka pinisil ang pisnge nito. Nagkunwari along hindi apektado sa nangyari dahil gusto kong panindigan ang ginawa ko ngayon. "Ikaw talaga, alam mo namang hindi ako mahilig sa club... Ayan tuloy na pilitan na lang akong pumunta rito para makasama ka. I miss you." Nakatingin lang siya sa akin, halatang natigilan. Kumapit ako nang mariin sa kanyang braso saka siya kinindatan. Nanlamig na ako baka sigawan niya ako at sabihin na hindi niya ako kilala pero nakatingin lang siya sa akin ng seryoso. Tiningnan ko naman ang ex-girlfriend niya na mukhang nagulat sa presensiya ko. Umawang ang kanyang labi at tiningnan ako mula ulo hangang paa. "Oh... Sino siya?" Nag-iinarteng tanong ko sabay halakhak. "Nevermind... " pagbawi ko sabay iling ng ulo. "Aalis na pala kami ng boyfriend ko, kung ano man ang pinag-uusapan niyo. Maybe you can talk to that next time." Ako na ang nagbukas sa passenger seat para papasukin si Rohan na mukhang natulala na sa akin. "S-siya ang bagong girlfriend mo?" hindi makapaniwalang imik ni Jacky nang mahimasmasan. Hinarap ko siya ng nakangiti. Sasagot na sana ako pero agad na akong inaakbayan ni Rohan. "Yeah... She's my girlfriend... She's way better than you, she's more prettier than you too," sabi niya rito sabay pinagbuksan ako ng pintuan sa passenger seat. Mukhang ako na naman ngayon ang natulala sa pagkat sinabayan niya itong kagagawan ko. He look at me with no emotions on his eyes. Mukhang nagbabanta rin ang kanyang tingin sa akin. Bago ako pumasok sa loob ng kanyang magarang kotse tiningnan ko muna si Jacky na maluha-luha ang mata. "Mas gusto kong hindi kami rito sa club...Marami pa lang babaeng umaaligid sa boyfriend ko kapag nasa ganitong lugar kami. Maybe we can enjoy our night in a hotel. Let's go, Rohan..." Inaayos ko ang buhok, sinundan ako ng tingin ni Rohan ng tingin habang malagkit naman ang titig ko sa kanya bago ako pumasok. Nahugot ko ang paghinga nang makapasok sa loob, kanina pa pala ako hirap huminga habang katabi ko si Rohan. Namutla ako nang matauhan sa nagawa ko ngayon. Ilang sandali pa pumasok na rin siya sa loob ng kotse, nagkatinginan kami. Tinago ko ang pamumutla saka siya nginitian. Hindi man lang niya sinuklian ang ngiti ko basta niya lang pinaandar ang kotse ng mabilis na walang sinasabi. Now... Where are we going? I felt nervous right now. I couldn't even move my mouth just to speak. "I don't know what you were playing, kailangan mong panagutan ang nasimulan mo," seryoso niyang sabi saka pinaharurut ang kotse ng mabilis.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD