Madilim na sa labas nang marating ni Mark ang townhouse kung saan pansamantalang naninirahan si Candy. Sa tulong ng private investigator niya ay sa wakas nalaman niya na kung nasaan ang walanghiya niyang asawa. Sa kaniyang isipan, tama nga ang hinala niya. Si Alessandro nga ang nagtatago sa kaniyang asawa. Lumaon na ang gabi pero hindi siya mapakali. Mabigat ang hakbang niya, at ang kamao niya’y mariing nakasara habang palapit siya sa pinto. Hindi na siya makapaghintay pa kinabukasan, dahil baka malaman nito at mailipat siya kaagad. Nang hindi na nakatiis, malakas niyang kinatok ang pinto. Sunod-sunod. Walang saglit na paghinto. Hindi nagtagal ay bumukas ito, at lumitaw ang mukha ng isang nagulat na Candy. Halatang hindi inaasahan ang pagdating ni Mark. Kay Candy, sa kakamadali at ina

