Unknown Disease
03 | Havoc City
_______________________________________
Astrid
"Uy Ash! Okay ka lang ba? Kanina ka pa tulaley riyan." Nabalik ako sa ulirat nang marinig ang pagtawag sa akin ni Minna.
"I'm fine," Mabilis na sagot ko sa kanya.
Halos 'di ako nakatulog dahil buong gabi akong wala sa sarili kakaisip kung anong kasalukuyang nangyayari sa Sta. Mesa at maaaring mangyayari kapag mas pa lumala ang sitwasyon. I even tried contacting my parents, but no one is answering my calls.
"May problema ka ba? Kinakabahan na ako sa 'yo Ash. Kanina ka pa tulala at hindi nagsasalita," Puno ng pag-aalalang tanong sa 'kin ni Minna.
"It's just something is bothering me right now but, don't worry I'll settle this," I said and plastered a little smile to assure her.
"Just tell me if you need someone to talk to ah. I'm always here for you," Sabi niya na nagpagaan ng loob ko.
"Noted, Mom," I said with a chuckle.
"Hoy! Gaga ka talaga," Angal niya na tinawanan ko na lang.
"Tara na nga," Aya ko sa kanya para maiba ang topic at 'di na humaba pa ang usapan.
'Di naman siya umangal at nagsimula na nga kaming maglakad pababa para sumakay ng F301 papuntang school. Gaya ng sabi niya, rito nga siya sa condo ko nag-almusal. Maaga pa lang ay nandito na siya sa condo ko kanina kaya wala na akong nagawa kung 'di ang paglutuan siya.
"Oo nga pala, didiretso ako mamaya sa ospital after class," Pagpapaalam ko sa kanya at siya na ang nagtapat ng ID niya sa scanner.
"Uy sama! Miss ko na si Tita at Tito!" She quickly said, combing her hair.
"Hindi puwede," Mabilis na sagot ko.
"Ang duga naman Ash," Pag-angal niya pero hindi na magbabago ang desisyon ko.
"Next time ka na lang sumama," Sagot ko. Nakita ko pa na aangal pa sana siya nang taasan ko siya ng kilay na nagpatahimik sa kanya. Nakabusangot na tumingin na lang siya sa labas at inirapan pa ako.
Napailing na lang ako sa inasta niya. She can't come. Hindi ako sigurado kung anong maabutan ko sa pagpunta ko ro'n. Kailangan ko munang kumpirmahin kung tama ba ang hinila ko at masagot ang mga katanungan ko. Hindi sapat ang mga narinig at nakita ko kahapon. Kaya gusto kong sa iba manggaling.
It is so peaceful outside. Calming. Relaxing. Feels good to just be. Everything feels as near perfect in life at this moment as we could wish for. Like everything is fine while on the other hand, many people are suffering on this point onwards. Hindi pa ako gano'n kasigurado kung tama ba ang iniisip ko sa nangyayari ngayon. Pero isa sa pinagtataka ko, bakit wala man lang ginagawang aksyon ang gobyerno? Hindi ba dapat na ibalita man lang ang patungkol sa nangyayari? I haven't heard anything from the government at maging sa mga istasyon ng Pilipinas simula pa kahapon tungkol sa nangyayari sa Maynila. I wonder why?
Mabilis na lumipas ang oras at natapos ang klase namin sa buong araw. Agad ko nang inayos ang gamit ko para makaalis na. It's 3:30 in the afternoon. I know na busy sila 'pag mga ganitong oras at mas lalo na ngayon dahil sa mga nangyayari, but I know and I wish they're doing fine there.
Pumara na ako ng F301 at agad-agad ko nang idinikit 'yong ID ko sa detector for him to know where I am heading to.
Ang F301 ay isang sasakyang panlupa na maihahalintulad sa taxi na may mataas na kalidad kadahilanan sa pag-usbong ng teknolohiya. Mukha siyang ordinaryong kotse sa labas na may kakaibang kulay pilak na disenyo na natatangi lang sa sasakyan na ito. 'Di tulad ng taxi ang paraan ng pagbabayad dito ay sa pag-scan ng ID. Kasama rin ang ID sa naimpluwensyahan ng makabagong teknolohiya. Kung saan ang ID ay nagsisilbing transportation card na at isa pa mas napapadali ang pagtukoy ng driver sa lugar na iyong pupuntahan without further discussion.
Paano? Our ID is like an Ipad. Kailangan mo lang piliin ang eksaktong lugar na pupuntahan mo at pagkatapos ay kailangan mong i-scan ito sa detector sa kaliwa ng pintuan ng F301 na mas tinatawag na Dex dahil hindi lang siya basta-basta detector. Makikita mo rin do'n ang impormasyon tungkol sa driver at maging ang plate number ng iyong sinasakyan. Sa tulong ng teknolohiya ay mas napapadali ang lahat at nakakatulong sa kaligtasan ng mga tao.
"Magulo pa sa Sta. Mesa ma'am ang alam ko. Sigurado kang do'n tayo?" Tanong ni Raffy, the driver na nagpakunot ng noo ko.
"What do you mean na magulo po?" I curiously asked.
Nagbuntong hininga naman ng malalim si kuya bago sumagot sa naging tanong ko.
"May kung anong sakit ang dumapo sa Sta. Mesa na nagdahilan ng pagkakagulo ro'n. Magugulat ka na lang may nahihimatay na kung saan-saan at sumusuka ng dugo. Kahit saan ka magpunta puro mga umuubo ang mga tao at sa katunayan nga ma'am kahit ang asawa ko ay nahawaan na," Sabi niya na mababakas ang kalungkutan sa mga nangyayari.
"Wala akong perang pampagot, sapat lang ang kinikita ko rito sa pamamasada kaya sa pampublikong ospital ko lang siya nakayanang idala. Pero sa dami ng taong may kapareho niya ng kalagayan ay hindi na siya maasikaso ng mga doktor doon," Malungkot na pagkwento ni Kuya Raffy na nakaantig sa akin.
Bahagya akong natakot sa kung ano man ang maaabutan ko ro'n pero kailangan kong tatagan ang sarili 'ko.
Ang hirap isipin na sa panahong ganito mas nahihirapan ang mga tao lalo na 'pag may mga sakit. Dahil sa kahirapan, sa pampublikong ospital lamang kadalasan nadadala ang may mga nararamdamang sakit at dahil sa rami ng tao hindi na naasikaso at napagtutuunang pansin ang karamihan sa kanila. Isa na siguro sa major factor nito ay dahil sa kakulangan sa staff ng public hospitals. Kadalasan masyadong na-ooverworked ang doctors and staffs with the number of patients. Kaya mas matagal ang oras ng paghihintay kaysa sa mismong pagkokonsulta. Not only the waiting time is long, but also the quality of care is diminished due to stress and a need to see as many patients as possible. Maging sa mga cases ng emergency, kailangan munang mag-antay ng pasiyente ng halos ilang oras bago pa maasikaso.
Idagdag pa na mas pina-prioritize ang mga benepisyaryo at may mga pera kasya sa mga talagang wala at iyon ang isa sa mapait na katotohanan na kailanman ay hindi magbabago kahit pa kaliwa't kanan ang pag-usbong ng teknolohiya sa bansa. Hindi lahat ng nadadala sa ospital nagagamot o napagtutuunan ng pansin na nagdadahilan ng pagdaliang pagkamatay ng mga ito. In this world, priority ng lahat ang may kaya o pera. Kaya kung wala kang pera wala ring papansin sa 'yo. That's how public hospital works.
Alam kong nahihirapan na si Kuya Raffy, but still, he managed to work kaysa alagaan ang asawa niya kasi mas iniisip niya ang kinabukasan ng kanyang pamilya. Kung saan kukuha ng pera pang-ospital and such. This is what I adore about a father. They are willing to do anything for their family.
I just looked outside to ease the heavy atmosphere pero sa pagtingin ko sa labas ay nakita ko na ang tinutukoy ni Kuya Raffy na mga nagkakagulong mga tao.
Hindi ako makapaniwala sa nakikita ko. The city is out of control. Makikita mo sa labas ang mga nagkakagulong tao. May mga nagsasapakan at mayroong mga taong bigla-bigla na lang nahihimatay sa daan. Hindi nakatakas sa tingin ko ang mga nagkabanggaang mga sasakyan dahil sa sobrang kaguluhan.
Anong nangyayari rito?!
Mas lalong dumami 'yong mga taong nagkakagulo nang mas lumapit kami sa pinakasentro ng Sta Mesa. Natatanaw ko na ang ospital kaya agad kong sinuot 'yong mask na dala ko and gave the other one to Kuya Raffy.
"Here, wear it po, para hindi ka po mahawa. Flu is a communicable disease at ito tanggapin niyo po. Go check your family now. They need you," I said as I gave him a pocket money na alam kong sapat nasa magiging kita niya sa buong araw at pambayad niya na rin sa boundary sa araw na ito.
Nagpasalamat pa siya sa akin na halos naluluha. Ginantihan ko lang siya ng ngiti. His family needs a father right now. I know it. Agad na akong lumabas ng F301 at sa paglabas ko ay mas nakita ko na ang napakaraming taong nagmamadaling pumunta sa ospital buhat-buhat ang mga walang malay na tao.
Everything's a mess. Bakit hindi pa pinapasara ang Sta Mesa? Maraming puwede pang mahawa kapag lumaki ito. Anong ginagawa ng gobyerno sa mga oras na ito? Bakit hindi man lang kami nakakarinig ng balita?
Ipagsawalang bahala ko muna ang iniisip ko at madaling pumasok sa ospital. Halos magitgit ako sa dami ng taong gustong magpakonsulta. Hindi na magkandaugaga ang mga nurse sa pag-assist sa dami ng taong patuloy na dumadagsa papasok.
Hindi na rin kaaya-aya ang lugar dahil sa rami ng dugo na nagkalat sa paligid galing sa mga umuubong mga tao. Napapikit na lang ako ng mariin at napalunok sa mga nakikita ko. I need to endure it. Kailan kong makita ang pamilya ko. This is the only way.
It's now or never Ash.
Maingat ako sa bawat hakbang na ginagawa ko para lamang hindi makatapak sa duguang sahig at mga taong patuloy pa rin sa pag-ubo. Sobrang g**o na rito, may mga nag-iiyakan, mayroon ding nagmamakaawa nasa nurse na asikasuhin sila. I can't take this anymore. Hindi ko na kaya ang mga nakikita ko. Nilampasan ko lang 'yong mga taong nakikita ko at pilit na diniresto ang tingin para maiwasang makita ang nangyayari sa paligid ko.
Mas binilisan ko pa ang paglalakad ko pero agad din akong napahinto dahil sa away na nagaganap sa dadaanan ko.
"Asikasuhin niyo naman ang lola ko! Tangina naman oh!" Isang lalaking naka-uniporme ang galit na galit na nakatingin sa nurse na hinaharang ito sa pag-alis.
"Pasensya na ho kayo pero marami pa pong pasyente ang mas nauna sa inyo. Hindi namin kayo kayang asikasuhin ng sabay-sabay," Pagdadahilan ng nurse na pilit pa ring umaalis upang maasikaso na 'yong iba pang mga pasyente pero patuloy siyang pinipigilan ng lalaki.
"Yon na nga eh! Kanina pa kami rito pero hanggang ngayon wala pa ring nag-aasikaso sa amin!" Galit na galit na 'yong lalaki at nakita ko sa gilid ng mga mata ko ang matandang pilit pinipigilan ang lalaki sa kanyang ginagawa.
"Pasensya na po talaga sir. Kailangan na po ako ro'n," Paumanhin pa ng nurse at akmang aalis na muli nang harangan siya ulit ng lalaki.
"Ang bulok naman ng sistema niyo! Hanggang dito pera pa rin ba? Mas inuuna niyo pa 'yong mga may perang pambayad kaysa sa aming mga nauna! Nakikita mo sila? Marami ng unti-unting namamatay dahil sa ginagawa niyo. Punyeta naman!" Napatingin naman ako sa haba ng pila ng mga pasyente at karamihan sa kanila ay hirap na hirap na dahil sa walang tigil na pag-ubo at ang iba ay nakapikit na ang mga mata at pilit na ginigising ng kanilang mga kasama.
Agad akong nag-iwas ng tingin. This is too much to watch. Why is this happening? Bakit? Hindi ko alam kung kakayanin ko pa kung magtatagal pa ako rito. Pero hindi ko rin naman magawang makaalis dahil sa nakaharang sila sa daraanan ko.
"Sorry talaga sir," Paumanhin pa ulit ng babae at mababakas ko ang pagkalungkot sa mga mata niya. Alam kong wala silang kasalanan sa mga nangyayari. She's just doing what she's told to do.
Akmang pipigilan pa ulit siya nang lalaki nang tawagin ng matanda ang tingin ko'y pangalan ng lalaki. Kinuha naman ng nurse ang oras na 'yon para agad nang makaalis.
"Liam.." Mahinang tawag ng matanda sa kanya.
"Lola. Huwag ka na po muna magsalita. Mas lalo kang manghihina niyan," Sabi ng lalaki at pilit na lumapit sa kanyang lola.
"Huwag kang lumapit sa akin," Uutal-utal na sabi ng matanda habang pilit na lumalayo sa kanyang apo. Hindi nakalagpas sa tingin ko ang pagpipigil ng lalaki sa sarili niya na umiyak dahil sa nakikitang sitwasyon ng kanyang lola.
Ayaw niyang mahawa sa kanya ang kanyang apo kaya't hanggang maari ay lumalayo siya. Hindi ko na nakayanan ang mga nakikita ko at agad na tumakbo papalayo. Naramdaman ko ang pagdaloy ng mainit na likido pababa sa aking magkabilang pisngi. Mabilis ko itong pinunasan.
I ran as fast as I can at mabilis na tinungo ang elevator. 'Di gaya ng lobby ay walang mababakas na dugo rito. Pinindot ko ang ika-lima at huling palapag ng ospital kung nasaan ang opisina ng magulang at kuya ko.
Malakas na napabuga ako ng hangin pagkasara ng elevator. Napasandal pa ako sa gilid ng elevator para kumuha ng suporta dahil sa biglang panghihina ng tuhod ko. Hindi ako makapaniwala sa mga nasaksihan ko. This is too much. Hindi makaya ng isipan kong tanggapin ang lahat ng mga nakita at nasaksihan ko. Parang ang bilis ng mga pangyayari. Parang kahapon lang nang magsimula ang lahat at ngayo'y parang buong Sta. Mesa na ang apektado nito.
In just a minute ay nakarating na ako sa ika-limang palapag. Pagkabukas na pagkabukas nito ay agad na akong naglakad papalabas, pero ikinataka ko ang aking nandatnan. Bakit? Bakit ibang-iba ito sa mga nangyayari sa baba?
Napakalinis dito at napakatahimik na parang walang nangyayaring anumang kaguluhan sa baba. Hindi mo nga mapapansin ang bakas ng dumi na galing sa baba eh.
Ipagsawalang bahala ko muna 'yon kahit na napakaraming tanong ang naglalaro sa aking isipan sa mga oras na ito at dumiretso sa opisina nila.
Mabilis lang naman akong nakarating sa tapat ng opisina nila at 'di na ako nagdalawang isip pa at pinihit ang doorknob ng pintuan papasok.
"Mom, kuya," Ang tawag ko sa kanila nang makapasok ako sa loob ng opisina nila at agad silang sinalubong ng mahigpit na yakap.
∆ ∆ ∆ ∆ ∆ ∆ ∆ ∆ ∆ ∆ ∆ ∆ ∆ ∆ ∆