Always You (Valencia Series #1) by larajeszz Chapter 26 Nagising ako kinabukasan na tahimik at maliwanag na ang paligid. Mabilis akong bumangon upang tingnan ang pasyente ko pero wala na siya ro'n. Maayos na ngayon 'yon na para bang walang natulog do'n na may sakit. Bakit umalis na siya? Magaling na kaya siya? Kinuha ko ang cellphone ko at nakitang 9:28 na ng umaga. Tumayo ako at niligpit ang pinagtulugan ko. Pagkababa ko ay medyo bumaba na ang baha at hindi na kasing lala ng kagabi. Si Papa na lang ang naabutan ko sa kusina. "Si Tim po?" Nilingon niya ako mula sa ginagawa niya sa may lababo. "Nakauwi na siya kanina pagkatapos naming mag-almusal." Tinalikuran niya na ako ulit at ipinagpatuloy ang paghuhugas ng mga gulay. "Hihintayin ka pa nga dapat niya, kaya lang sabi ko tanghalian

