Always You (Valencia Series #1) by larajeszz Chapter 24 Mabuti na lamang at naidaos na namin ang foundation day bago pumasok ang bagyo sa Philippine Area of Responsibility. Kanselado ang mga klase ngayon dahil simula pa kagabi ay talagang napakalakas na ng ulan at hangin. Sumilip ako sa may labas ng bahay namin at kaunti na lamang ay papasukin na kami ng baha. Kaya ngayon, maaga pa lamang ay gising na kami ni Papa para iangat ang ilan naming gamit na hindi pup'wedeng mabasa. Simula pa lamang naman nang malaman namin na binabaha ang lugar na 'to ay hindi na kami naglagay masiyado ng maraming gamit. Mas marami ang mga gamit na nasa itaas kumpara rito sa first floor. Nagdala na kami ng mga flashlight at pagkain sa itaas para hindi na kami bababa rito kung sakali man na pasukin na kami ng

