Chapter 1: Meet Her

897 Words
Nicole P.O.V "Hoy, Nicholechacha! Bumangon ka nga diyan!" Aish! Ano ba 'yan! Ang aga-aga, nambubulabog na naman 'tong pinsan kong may saltik sa noo. Ginawa ba naman akong alalay niya dahil responsibilidad ko raw ang lutuan siya araw-araw. Kasi nga daw sampid lang daw ako at kailangan ko siyang pagsilbihan. Galing lang, 'no? Grabe, sobrang galing. Pumalakpak nga kayo. "Oo na, babangon na nga, 'di ba?" inis kong sabi sabay bangon at kinusot ang aking mga mata. "Dalian mo nga! Alam mo bang gutom na gutom na ako? May pasok pa 'ko! Hell-o?!" sigaw niya ulit. Anong akala niya, malayo kami sa isa't isa at talagang kailangan pa niyang sumigaw ng bongga? Nakuuuu! Tss. At isa pa, HELL-O?! Hindi lang po ikaw ang may pasok, ako rin po, eh, 'no? Paki sak-sak po sa utak mo na magka-klase po tayo. Bruha talaga! Tsk! "Oo na. Wait lang, pwede ba? Maliligo muna ako," naiirita kong sabi at saka tumayo na. Ugh! Kung 'di lang talaga kita so-called-AS-IF-na-pinsan, matagal na kitang sinabutan, bruha ka. Tsk! Alam ko naman at aware ako na hindi ko siya totoong pinsan at ampon lang ako pero sumosobra na talaga.  Kung wala lang sana akong konsensya at may sarili akong bahay at trabaho, naku, hindi talaga ako mag titiis sa ugali ng bruhang 'to. "Bilisan mo," utos niya at saka umalis na. Buti nalang talaga umalis na 'yon kundi, naku, baka hindi ako makapagpigil at sinabunutan ko na 'yong bruha na 'yon. Aish! Kinuha ko na lang 'yong towel ko saka pumasok sa banyo at ginawa na ang morning rituals ko. Oh, mga isip niyo! Tsk. 'Wag nga kayong mag isip ng kung anong ritual. Maliligo at 'yong girly things lang ang gagawin ko, 'no! Kaya ang mga utak pleasee. After 30 mins., tapos na ako. Bumaba na ako at dumeretso na sa kusina. Para ano pa ba? Kundi pagsilbihan ang mahal nating bruhang PRINSESA! "Good morning iha," bati ni Manang Melda sa akin nang makapasok na ako sa kusina saka ngumiti. Ngumiti naman ako pabalik sa kanya at binati rin. Nga pala, siya 'yong nanay-nanayan ko dahil siya 'yong nag-alaga sa akin mula pa noong bata pa ako except kay tita. Kaya love na love ko 'yan. "Good morning po Manang~" hyper kong bati at saka inakbayan siya. "Ganda ng gising ahh~" nakangiti niyang sabi at sinundot ang tagiliran ko. "Hihi, naman! Kasing ganda niyo po ang gising ko, eh. Hihi." Sabay tawa ko ng mahina. Ngumiti naman si Manang. "Kasing panget kamo. Hala, sige! Magluto ka na baka mapagalitan ka na naman ng pinsan mo," sabi niya kaya naman napa-nguso ako. "Hindi, ah. Ganda niyo kaya, Manang. Hihi. Ay oo nga pala, sige po," sabi ko sabay tanggal ng akbay ko kay manang. Hinanda ko na ang mga ingredients na kakailangan ko para sa pagluluto. Kasi mag luluto na ako ng breakfast NAMIN. Oo, NAMIN, kasi sabay kaming kakain. Magagalit kasi si Auntie kapag nalaman niyang 'di kami sabay kumain. Kahit ayaw ni Bruha na sabay kami, eh, wala siyang magagawa. Kapag hindi siya papayag, eh goodbye cards and cars na siya. As I was saying, nagluluto na ako. Actually, simple lang naman ang niluto ko. Iyon ay bacon, pancake, scrambled and sunny side up eggs. Oh, 'di ba, ang dami tapos kami lang dalawa ang kakain. Pero siyempre, kay Manang din, 'no! "BRU - I MEAN, KIM, KAKAIN NA!" Sigaw ko. "Oo na! Hindi mo na kailangan pang sumigaw. Narinig ko naman, eh! 'Di ako bingi," sigaw pabalik ni Kim. Psh! (-_-) Hindi raw kailangan sumigaw pero 'pag hindi ko naman siya tatawagin na pasigaw, eh, magagalit kasi daw ang hina ng boses ko. 'Yong totoo?! 35 mins or so later, on the way na ako sa school namin. Hindi KAMI magkasabay dahil never, as in never talaga akong pinasabay ng bruha na 'yon. Tsk. At isa pa, baka raw madumihan ang kotse niya 'pag sumakay ako. At ayaw daw rin niyang mangamoy 'yong kotse niya ng sampid. Like, hello? Pakialam ko ba. 'Eto ako ngayon, naglalakad na ako papuntang school. Walking distance lang kasi ang school namin pero ewan ko ba sa pinsan ko at trip pa talagang mag kotse. Or... sadyang gusto lang talaga niyang ipakita na MAY PERA nga raw siya. Sabi nga ng P.E teacher namin, walking is one of the best exercises. It can burn your fats dahil magkakasweat ka raw. E 'di sige, push natin 'di ba? Para ma-maintain ang sexy and healthy body natin. Haha. Nga pala, nag pakilala na ba ako? Hmm, oo nga pala. Wala pa. Hehe. Peace tay, readers ha?! *ehem**ehem* Hi! I am Nicole Brixx Cullen , 17 years old and coming 18 this coming thursday. Happy-go-lucky girl , serious type minsan, cold if hindi ko masyadong kilala minsan, at ano pa nga ba? Ahmm, oo nga pala, I study at Smith High. Oh, 'di ba, sosyal ng name ng school. And nga pala yung kanina that's Kimberly Frias. Nagtataka siguro kayo kung bakit magkaiba ang apilido namin. Kasi ganito 'yan, 'di ba nga nasabi ko sa inyo na ampon lang ako? 'Yong pangalan at apilido kong ginagamit ngayon ay 'yon 'yong pangalan na ibinigay ng tunay kong mga magulang sa tinatawag kong foster parents ko ngayon. G ba? Kung hindi, bigti na kayo! Haha. Joke lang. Oh? Hindi ko napansin nandito na pala ako sa school. Masyadong na pasarap 'yong pagke-kwento ko. At isa pa, sabi ko sa inyo, malapit lang, eh. Haha. "Nicz! Nicz! Wah! Na-miss ka namin!" sigaw ng mga babaeng maingay sa medyo malayo. "I misshh chu!" Sabay pa talaga? Shocks! Parang nakalunok ng microphone 'tong dalawa, eh. 'Yong totoo? Mababasag eardrums ko sa kaingayan nila. Nakuuuu! Kawawa na naman tong baby eardrums ko. T^T ---
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD