Chapter 1: New Dorm

1612 Words
VOLUME 1: DAWN WARNING: This chapter contains depictions of self-harm. Viewer discretion is advised. *** Damang-dama ni Tania ang bawat pagdampi ng hangin sa kanyang balat. Itinatangay din nito ang kanyang kulay hazelnut na buhok. Hindi niya akalaing gagawin niya ang bagay na ito ngayon mismo. Ni hindi nga siya nakapagpaalam sa mga taong nakakakilala sa kanya, ngunit sa bagay, mukha namang wala rin silang pakialam. Unti-unti niyang ipinikit ang mga mata saka muling dinama ang malamig na simoy ng hangin. Nang mabuo na ang kanyang desisyon ay saka na siya tumalikod at tumalon mula sa isang gusali. Matagal na talaga kasi niya itong nais na gawin. Naglabas siya ng isang simpleng ngiti sa labi, animo'y masaya na siya ngayong nagawa na niya ito. Iyon lamang, hindi pa man nakatatagal nang siya ay tumalon nang bigla siyang makarinig ng isang malakas na tunog. Mabilis niyang iminulat ang mga mata dahil sa gulat at doon lamang niya napagtanto na nananaginip lamang uli siya. Kasalukuyan siyang nakaupo sa loob ng isang tren at nasa tabi niya ang kanyang kulay maroon na maleta. Kakaunti rin ang tao roon dahil na rin siguro'y tanghaling tapat. Ang tunog na kanyang narinig ay galing lamang sa phone ng katabi niyang lalaki. Bahagya siyang napabuntong-hininga at saka napahawak sa kanyang sentido. 'Ugh! It's been almost two years since that incident. Bakit hanggang ngayon napapanaginipan ko pa rin 'yon?' aniya sa isipan. Sa tuwing napapanaginipan niya ang tungkol dito, lagi na lamang sumasakit ang kanyang ulo. Wala naman siyang ibang pagpipilian kundi ang mag-tiis na lamang. Bukod sa wala siyang pera, wala rin naman siyang oras para problemahin pa iyon. Muli siyang bumuntong hininga saka sumandal sa kinauupuan. Ang mas makabubuti ay ang magpahinga na lamang siya at huwag na itong isipin pa. Mas marami pa siyang bagay na poproblemahin kaysa rito. Kailangan niyang maging matatag lalo na sa panahon ngayon. Babalik na sana uli siya sa pagpapahinga nang bigla siyang kinausap ng lalaking nasa kanyang tabi. "Excuse me, Miss. Estudyante ka ba?" diretso nitong tanong na akala mo naman ay close sila. Hindi niya inaasahan ang pakikipag-usap ng lalaking ito kaya hindi niya agad sinagot ang tanong nito. "Well, you have a really nice figure. You’re a good fit for my business," dugtong pa nito. "Here," anito saka iniabot sa kanya ang isang business card. Kahit pa nag-aalanganin siya, kinuha pa rin niya ito at tiningnan kung tungkol saan ba ang sinasabi nitong business. Sa bagay, kailangan din niya ng trabaho. Baka sakaling swertehin siya ngayon. Wala pang ilang segundo nang makita niya ito ay agad na bumlangko ang kanyang ekspresyon sa mukha. 'Ano ba ako sa tingin niya? Do I look like I'm in my 20's?' tanong niya sa sarili habang nakatingin pa rin sa naturang business card. Ang iniaalok kasi nito ay trabaho sa isang night club. "I'm still a minor, sir," paliwanag niya na ikinagulat naman ng lalaki. "What?!" 'Why so shocked?' sambit niya sa isipan. Wala naman kasing dapat ikagulat sa kanyang sinabi. 'Do I really look older than my age?' "How old are you? If you don't mind me asking?" Mukhang naninigurado pa nga ang lalaki dahil halatang desperado ito. "I'm seventeen, sir," tugon niya saka ngumiti na lamang kahit pa nahihiya na siya rito. Hindi naman kasi niya akalaing iisipin nitong nasa young adult stage na siya gayong hindi naman siya mukhang nasa 20's na. "Is that so? My apologies. Akala ko kasi nasa legal age ka na," wika nito saka napakamot pa sa batok. Ngumiti na lamang uli siya bilang tugon sa sinabi nito. Hindi naman kasi ganoon ka-mature ang kanyang mukha. Ilan sa mga nagsasabi ay mukha raw siyang fourteen years old, isama pa ang kanyang height, hindi rin naman kasi siya katangkaran. Kaya hindi niya mawari kung bakit ganoon ang nasa isip ng lalaking ito. "Can I have your number instead? So I could contact you once you turn eighteen. I'll put you in a good position in my business," ani uli ng lalaki at sa pagkakataong ito, iba na ang pakiramdam niya. "No, thank you," pagtanggi niya rito. Eksakto namang tumunog ang speaker na nasa loob ng tren. "Good day passengers! We'll be at the Amihan Station shortly!" Matapos iyon ay muling nagsalita ang naturang lalaki. "Miss, it's important to grab every opportunity that comes your way especially when you're young." Nagpatuloy sa pagdada ang matandang lalaki hanggang sa huminto na ang tren at nakarating na sila sa kasunod na estasyon. Ito na ang pagkakataon niya upang makaalis doon. "Passengers! We've arrived at the Amihan Station!" Bago pa man makapagsalita uli ang lalaki ay agad na siyang tumayo't nagmadaling lumabas ng tren. Hindi na siya lumingon pa bagkus binilisan na lamang niya ang paglalakad hanggang sa makalayo na siya roon. "Oh my, I didn't except that," sambit niya. Hindi kasi niya ito inaasahan at ito ang unang beses na mangyari ito sa kanya. "I was shocked he even thought I was of legal age," sambit niya sa sarili habang nagmamadali sa paglalakad. Sa totoo lang, hindi talaga siya sanay na mapagsabihang mukha siyang mature. "Hmm... Maybe I'm just used to people telling me I look fourteen. Oh well, I need to get to my dorm in time." Binalewala na lamang niya ang mga nangyari at mas binilisan na niya ang paglalakad upang makarating siya sa kanyang destinasyon. Hindi siya inabot ng higit pa sa sampung minuto nang makarating siya sa Sky Dormitory. Pagpasok ay nakita agad niya ang isang babaeng guard na may tinitingnang mga papeles. Nilapitan niya ito't kinausap. "Good afternoon po," bati niya dahilan upang mapatingin sa kanya ang guard. "I'm Tatania Castillo. I'm a new tenant here po," paliwanag niya kaya naman agad ding ngumiti ang babaeng guard. "Ah! Ms. Tatania, kanina pa kita inaantay. Sandali lang," anito saka yumuko at binuksan ang isang drawer. May dinampot ito mula sa loob at pagkatapos ay agad din itong isinara. "Here. It's your room key and dorm ID." Agad niyang kinuha ang mga iniaabot nito. "Dorm ID?" pag-uulit niya sapagkat wala namang ganito sa dati niyang dormitoryo. "Istrikto na kasi kami ngayon. Kailangan na namin ng dorm ID para maiwasan ang pagpasok ng mga outsiders. May mga nanakawan na kasi rito kaya gumawa na ng solusyon ang may-ari ng dorm," paliwanag ng guard kaya napatango-tango na lamang siya. "Paalala ko lang Ms. Tatania, hindi ka pwedeng magdala rito ng mga kaibigan mo unless gagawa ka ng request letter. 'Tsaka higit sa lahat, bawal magdala ng lalaki rito. Lalo na't girls' dormitory ito," ani ng babaeng guard habang nagsisimula na silang maglakad patungo sa kanyang magiging silid. "Okay po," nakangiti niyang giit. "Ah! Bago ko makalimutan, may roommate ka nga pala sa room 10," dugtong pa uli nito. Huminto sila sa harapan ng isang silid at saka na niya napagtanto na ito na ang kanyang magiging dorm room. Humarap ang guard sa kanya saka itinuro ang pintong nasa kanilang harapan. "Ito ang room mo, Ms. Tatania. Kung may problema man, nasa lobby lang ako," saad nito habang nakangiti rin sa kanya. "Alright po. Thank you." Nang makaalis na ang naturang guard ay saka na niya nilapitan ang pinto ng kanyang bagong dorm room. "Hopefully, my new roomie and I will get along this time," sabi niya saka dahan-dahang binuksan ang pinto ng room 10. Sumilip muna siya sa loob upang tingnan kung naroroon ba ang taong makakasama niya sa silid na iyon. "Hello?" sambit niya, subalit wala siyang narinig na tugon. Tuluyan na niyang binuksan ang pinto saka muling nagsalita. "Hello?" Dahil wala pa ring sumagot ay inisip na niyang wala pa roon ang kanyang roommate. Pumasok na lamang siya sa silid at doon na niya inilibot ang kanyang mga paningin. "This room isn't exactly spacious, but it's fine," wika niya saka muling naglabas ng matamis na ngiti sa labi. "Oh wow... Everything’s well-organized. I see... My roomie's a neat person." Mukha ngang magugustuhan niya ang kanyang bagong roommate kahit pa hindi pa niya ito nakikilala. 'I wasn't really fond of my old roommate. She's sloppy and inconsiderate.' Sana lamang ay tahimik na ang kanyang bagong roomie. Para naman maging mapayapa na siya sa dorm na ito at hindi na nanaising maghanap pa uli ng ibang matutuluyan. Naglakad siya patungo sa dalawang magkatabing kama at ipinatong niya sa isa sa mga ito ang kanyang maleta. Uupo na sana siya rito nang biglang bumukas ang pinto ng banyo. Laking gulat niya nang lumabas mula roon ang isang magandang babaeng may maiksing buhok. Nang mapansin siya nito ay agad itong napatingin sa kanyang direksyon. Doon lamang niya napagtanto na mukha itong Korean dahil sa singkit nitong mga mata at tila pulbo sa kaputian ang kutis nito. "Hi! I'm Tania. I'm your new roommate," pagpapakilala niya rito saka naglabas ng kurba sa labi. Ngumiti rin ang naturang babae at dahil dito, lalong lumabas ang kagandahan nito. "Oh, hello! I'm Tina Choi. Nice meeting you!" pagpapakilala rin nito at lalo pang sumingkit ang mga mata nang muli itong ngumiti. Doon na rin niya napagtanto na Korean nga talaga ang kanyang roommate. "Your bed's on the left side by the way," anito habang papalapit sa kanya at pinupunasan ang basa nitong buhok. "Oh, sorry!" sambit niya saka mabilis na inalis sa kama ang kanyang maleta. Nagtungo siya sa kabilang kama at doon naupo. "Haha... That's alright. Place your stuff in that cabinet. The left side's mine and the right's yours," wika nito habang itinuturo ang isang malaking cabinet. Tumango siya nang marinig niya ang sinabi nito. "Okay! Thanks!" Matapos no'n ay sinimulan na niya ang pag-aayos ng kanyang mga kagamitan. Mas maganda nang maayos na niya ito ngayon upang mamaya ay makapagpahinga na siya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD