Chapter 19

849 Words
“Sige, I’ll give you the benefit of the doubt pero mag papa DNA tayu para malaman natin ang totoo.” Sabi niya dito “and pag nalaman ko na niloloko mo ko hindi ako magdadalawang isip na balikan ka sa pangloloko mo sa akin” galit na sabi niya dito. Nagulat si Mira sa sinabi niya kitang kita ang pinaghalo-halong emosyon na dumaan sa mata nito takot, pagaalinlangan at galit. “Hindi kita niloloko” galit na sabi nito “Kahit ipa-DNA mo ito lalabas ang katotohanan na anak mo ito.” “Ok, then it’s settled. Pag anak ko nga ang ipinagbubuntis mo hindi ko naman pababayaan ang bata, susuportahan ko siya and I’ll make sure na magiging maayos ang buhay niya, magiging mabuting ama ako sa kanya” sabi niya “What do you mean?” Naguguluhang sabi nito. “Bata lang ang pananagutan mo? Hindi mo ko pakakasalan?” namimilog ang mata nito sa gulat “Pakakasalan? I don’t have any plans to marry you. Nakikipaghiwalay na nga ako sa iyo di ba?” sabi niya dito “Magpapakasal kami ni Jessica and you cannot do anything to stop it” “But I thought, I thought na once na mabuntis ako pakakasalan mo ako” naiiyak na sabi nito “Ako ang dapat pasakalan mo hindi si Jess.” Sigaw nito sa kanya “It never crossed my mind to marry you. Yeah, I admit na napagusapan natin ang pagpapakasal but not in a serious way.” Sabi niya dito “Siguro kasalanan ko din na pinaniwala ko ang sarili ko na mahal talaga kita when all along I never love you.” Tumingin siya dito “I’m really sorry, Mira but I cannot continue this relationship. Hindi ko na kayang lokohin ang sarili ko at ikaw. Sana mahanap mo sa puso mo na patawarin ako at tanggapin na hanggang dito na lang tayo talaga” puno ng pagpapakumbaba na sabi niya. “Si Jessica lang ang papakasalan ko.” “You cannot do this to me, Marco! You cannot, I will kill this child and myself kung hindi ka babalik sa akin” pananakot nito sa kanya. Bumuntong hininga siya “Don’t threathen me, Mira” puno ng pagtitimpi na sabi niya dito “You know na hindi mo ko madadaan sa ganyan”. “F@ck you!” Galit na galit na sabi nito at saka umalis narinig pa niya ang napakalakas na pagsara ng pinto. Napaupo siya at napahawak na lang sa ulo niya. Nabalik siya sa sarili ng maramdaman ang paggalaw ni Jessica. Iminulat niya ang mata, nakatalikod ito sa kanya at dahan-dahan nitong inaalis ang braso niya na nakapulupot sa bewang nito. Nangiti siya at yumakap ulit dito. Narinig pa niya ang pagsinghap ng asawa. “Paano kaya ito?” Narinig niyang mahinang usal nito. Naramdaman niyang lumingon ito sa kanya. “Tulog na tulog siya, magigising kaya ito?” Patuloy na pagkausap nito sa sarili. Maya-maya ay naramdaman niyang umikot ito paharap sa kanya. “Guwapo mo talaga” rinig niyang bulong nito kasunod ng paghawak nito sa pisngi niya. “Kundi ka lang guwapo, naku” sabi ulit nito at naramdaman niyang hinalikan siya nito sa labi pero smack lang. Pinigilan niyang mapangiti at baka mabuking nito na gising na siya. Sunod na naramdaman niya ang paghaplos nito sa kilay niya pababa sa mata, ilong, pisngi at labi. Pero nagtagal ang kamay nito sa may pisngi niya “Mahal na mahal kita, Marco. Sana dumating pa ang araw na mahalin mo rin ako” sabi nito. Natuwa ang puso niya sa narinig pero napalitan iyon ng kirot ng narinig niya ang impit nitong paghikbi. Ayaw man niya pero napadilat siya dahil sa narinig. Nakita niyang pinapahiran ng isang kamay nito ang luha na natulo sa mga mata nito habang nakahawak pa rin ang isang kamay nito sa pisngi niya at lalong niyang naramandaman ang pagkirot ng puso niya sa kaalamang siya ang dahilan ng pagiyak nang asawa. Pinikit niya ang ulit ang mata ng magaangat ito ng ulo. Gago ka Marco! mura niya sa sarili dahil sa pagiging duwag mo nakasakit ka ng ibang babae at patuloy mong sinasaktan ang asawa mo. Naramdaman niya ang pagikot nito patalikod sa kanya at rinig niya pa rin ang impit nitong pagiyak. Lalong bumigat ang pakiramdam niya at ang tanging nagawa niya ay hapitin ang asawa palapit sa kanya. Narinig niyang biglang huminto ito sa pagiyak at dahil doon ay lalo niya hinigpitan ang pagkakayakap dito. Hindi siya nakuntento doon at sinubsob pa ang mukha niya sa may buhok nito, “Jessica” bulong niya. Naramdaman niyang natigilan ito at pinipigilang gumawa ng kahit na anong ingay. Gustuhin man niyang tugunin ang sinabi ng asawa ay nanatili siyang tahimik. Wala pa siyang lakas ng loob para tugunin iyon. Nangiti na lamang siya ng maisip na ayaw ni Jessica na magising siya kaya lalo niyang hinigpitan ang yakap dito. Gusto niya na kahit sa ganitong paraan ay maparamdaman niya sa asawa ang pagmamahal niya na hindi pa niyang kayang sabihin dito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD