“Hello?” Sagot niya sa cellphone niya. Pero walang sumagot tinignan niya kung active pa rin ang call at hindi pa naman binababa sa kabilang linya. “Hello. Sino ito?” Tanong niya “Jess” napasinghap siya ng mabosesan kung sino ang nasa kabilang linya. “Mi-Mira?” Usal niya “Ako nga, Jessica” sabi nito at nahimigan niya ang lungkot sa boses nito. “Ka-kamusta ka na?” Nagaalangan tanong niya dito. “Puwede ba tayo magkita?” Nagaalangan man ay umoo siya “Oo ba. Asan ka pupuntahan kita?” “Andito ako sa may labas ng gate ninyo iintayin kita dito” sabi nito at binaba na ang tawag. Nagayos siya ng sarili at bumaba na para puntahan si Mira. Pagdating sa may gate ay naabutan niya si Mang Roger na nakabantay. “Magandang tanghali po, Mang Roger. Labasin ko lang po ang kaibigan ko.” Bati niya di

