“Shouldn’t we celebrate?” malanding sabi nito. Tinitigan niya ito, ngayon nakikita na niya ang tunay na mukha nito kagaya rin ni Mira noon na mapagpanggap. Pareho sila kaya hindi sila magkasundo kahit anong pilit niya na paglapitin ang mga ito noon. “Celebrate? Nagpapatawa ka ba?” Nanguuyam na sabi niya dito “Pupuntahan ko ang asawa ko at iuuwi. Gaya ng sabi ko kanina kay Papa Louie, walang mangyayaring hiwalayan or annulment.” At naglakad na siya paalis nang mapahinto siya at lingunin ito. “By the way, since sinira mo ang magandang relasyon ko sa asawa, magulang at biyenan ko consider our friendship and partnership in business over. Hindi ko kaya makipagtrabaho sa isang sinungaling na kagaya mo” iniwan niya itong nanlalaki ang mata sa sinabi niya at nagmamadali nang lumabas. Kailanga

