“Marco?” Ani nang tinig na nagpagising sa kanya mula sa malalim na pagiisip. Napukaw ng asawa ang atensiyon niya at tinitigan ito.
“Ayos ka lang ba? Masama ba pakiramdam mo?” Tanong nito. Umiling siya. “Gusto mo ba na magpahinga muna? Babalik na ko sa kuwarto ko.” Hindi siya nagsalita at lumakad papunta dito.
Nang nasa tapat na siya nito ay hinaplos niya ang pisngi nito. Tinignan niya ito sa mata at kita niya ang pagtataka sa mga mata nito. “Ma-may problema ba?” Nagaalangan tanong nito “Wala” aniya at nginitian ito.
Pagkatapos noon ay niyakap niya ito at hinalikan sa noo. Pinikit niya ang mga mata, pilit na pinipigilan ang mga luha na gustong umalpas sa kanyang mga mata.
Siya ang puno’t dulo ng mga nangyari, dahil sa kaduwagan niya kaya nangyari ang lahat. Ayaw man niyang sisihin ang sarili pero siya talaga ang may sala. Minulat niya ang mga mata at tinitigan sa mga mata si Jessica.
Hinalikan niya ito ng buong pagiingat. Nagulat man sa umpisa pero tumugon si Jessica sa mga halik niya at nang gabing iyon ay inangkin niya ang asawa na puno ng pagiingat kagaya ng unang beses na may nangyari sa kanila.
Nagising si Marco na tulog na tulog pa si Jessica sa tabi niya, habang nakaunan sa may dibdib niya. Napangiti siya ng maalala ang pinagsaluhan nila kagabi.
Ngayon handa na siyang ayusin ang relasyon nila dapat na niyang tratuhin ng tama ang asawa at iparamdam ang pagmamahal na napakatagal na niyang pinagdamot dito.
Hinapit niya lalo ang asawa palapit sa kanya at hinalikan sa may ulo. “Babawi ako, Jess. Babawi ako” bulong niya. Pinikit niya ang mga mata at kusang bumalik sa kanya ang nakaraan
“Ma-Marco? Anong ginagawa mo dito?” Tanong ni Jess ng abutan siya nitong nagiintay sa may labas ng class room nito. Nagpalingon lingon ito sa tabi “Hindi mo ba kasama si Mira?” Tanong ulit nito.
Hindi siya sumagot at hinawakan ang kamay nito sabay hila palakad. Wala na itong nagawa kundi sumunod sa kanya. Pagdating kung saan nakapark ang sasakyan niya ay binuksan niya ang pinto at “Sakay” tanging sinabi niya. Naguguluhan man ay sumakay ito. Umikot ako sa drivers seat at nang makasakay ay nagumpisa ng magdrive.
“Saan tayo pupunta?“ tanong nito pero hindi siya kumibo at patuloy lang sa pagmamaneho “Marco?” Tawag ulit ni Jessica sa kanya
“Just seat there and keep quiet” galit na sabi niya
“Ano ba nangyayari?” tanong ulit nito. Nang hindi siya kumibo ay sumandal ito sa kinauupuan at lumingon sa labas ng bintana.
Rinig niya pa ang pagbuntong hininga nito “Kung tungkol ito dun sa nangyari nung gabi ng party hindi ako maghahabol.” sabi nito na siyang dahilan ng biglang pagbreak niya ng sasakyan
“What did you say?” Sabi niya sa galit na boses
“Alam naman natin na hindi mo ginusto yon. Lasing ka, I should have stop you pero hindi ko ginawa” naiiyak na sabi nito
“Jessica! Please stop.” Iritableng sabi niya “Just keep your mouth shut, okey?” galit na sigaw niya dito at nagumpisa na uling magdrive. Tumahimik naman ito.
Nang makarating sila sa may tapat ng building ng condo niya ay bumaba siya at inabot ang susi sa valet. Pinagbuksan niya ito ng pinto. “Baba” aniya. Nagtataka man ay bumaba ito. Hinawakan niya ulit ang kamay nito at nagumpisa nang maglakad papasok.
Wala itong nagawa kundi sumunod sa kanya. Sumakay sila ng elevator at nang makarating sa condo ay pinapasok niya ito sa loob. Dumeretso ito sa sofa at naupo. “Anong gagawin natin dito?” tanong nito.
“We will talk pero before that kumain muna tayo” aniya at nagorder siya ng pagkain sa malapit na restaurant. Pagkatapos ay umupo siya sa sofa katabi ni Jess.
“The food will come after 30 minutes gusto mo ba ng maiinom? Tanong niya dito, Umiling ito “Ano ba paguusapan natin?” Tanong nito. Sumandal siya sa sofa at tinitigan ito. “We will get married” sabi niya na nagpalaki ng mata nito.
“Wh-What do you mean?” Naguguluhang sabi nito
“Magpapakasal tayo. Kakausapin ko ang Mama at Papa na mamanhikan kame sa inyo ngayong darating na Sabado”
“Naiintindihan mo ba ang sinasabi mo? Magpapakasal? Wala tayong relasyon, Marco!” Galit na sabi nito. Tumayo ito at naglakad papunta sa may balcony at binuksan ang pinto. Nanatili itong nakatayo lang sa may pintuan at hindi naman lumabas.
Mga ilang segundo pa at lumingon ito sa kanya at kitang kita sa mukha nito ang kaguluhan. “Hindi mo kailangan gawin ito, Marco. Kung tungkol to sa nangyari sa atin. Hindi mo kailangan na pakasalan ako. Masasaktan si Mira ayokong maging dahilan ng pagkakasira ng relasyon ninyo. Wala akong pagsasabihan we can keep it a secret between us” hindi siya makapaniwala sa narinig dito. Tumatangi itong pakasalan siya.
“You’re refusing me?” Hindi makapaniwalang tanong niya dito.
“Ma-Marco, please do understand my point. Hindi mo ko kailangan na panagutan o pakasalan dahil sa nangyari” yumuko ito at nakita niyang naiiyak na ito “Hi-hindi naman natin mahal ang isa’t isa.”
“Paano kung mabuntis ka?” Tanong niya
Nakita niya ang pagkagulat sa mukha nito. “Hi-hindi naman siguro.”
“Paanong hindi naman?. Malaki ang tsansa na mabuntis ka, we never, I mean I did not use any protection. Also, I’m the first man in your life. I took your virginity. Wala ka bang pagpapahalaga man lang dun”
“Ma-Marco” tunog ng doorbell ang nagpahinto sa gustong sabihin nito
“Maybe that’s the food” tumayo siya at nagpunta sa may pinto. “F@ck” bulong niya habang naglalakad papunta sa pinto. Hindi siya makapaniwala na tinatanggihan ni Jess ang alok niyang kasal.
Pagbukas ng pinto ay laking gulat niya ng dambahin siya ng yakap ng taong nasa labas ng pintuan. Nang tanggalin niya ang pagkakayakap nito ay laking gulat niya ng makitang si Leila ito. “I’m back!” masayang sabi nito.