Sa paglipas ng isang linggo ay nai-transfer na si Ciro sa isang private school. Ang paaralan ng mga elite sa Prestige City kung saan grumaduate si Zader mula Elementarya, Jr at Sr high. Si Churie naman ay naging busy ulit dahil pinagsasabay niya ang pamamahala ng Valiad ranch at ng C-Byen. Kung saan araw-araw siyang nagvi-video call kina Riya, at si Riya naman ang nagre-report kay Churie sa lahat ng pangyayari sa C-Byen wither it's business or maritesan lang. Si Zader naman ay nalibing na nang tuluyan sa maraming paper works dahil panay ang liban nito noon sa opisina para lamang mang-stalk kina Churie at Ciro sa Mt. Lapanagon lI. Nalaman ni Churie na pumupuslit ai Zader tungo sa lugar nila halos tatlong beses sa isang linggo. Kaya ang naging resulta ay marami itong napabayaan at naging ta

