Malakas ang kalabog ng dibdib ni Churie habang nakatingin kay Zader na ngayon ay papunta na sa kinauupuan niya, matapos ang twenty minutes na paglilinis nito sa yard. Nakahubad na rin ang coat nito at tanging long-sleeves na white ang suot at medyo gusot na slacks mula sa pagkaka-fold habang naglilinis. “Mahal, did you get bored? Are you hungry? What would you like to do next? Or we can do the ride—I told you earlier,” sabi ni Zader na mas nagpakaba kay Churie. Churie was still literally confused and unsure kung ano ang isasagot niya gayong hindi naman siya sigurado sa nais sabihin ni Zader. “Ride?” ‘He will ride you later. You will ride him latet.’ Napangiwi naman si Churie nang maalala ang sinabi ng matandang horse handler. “Wh-what do you mean by ride?” Sinusubukan ni Churie na patiga

