Naglalakad si Churie patungo ngayon sa parking space ng Valiad mansyon. Naghihintay sa sasakyan ang kaniyang driver—pamangkin ito ng long-time driver ni Zader na si Ben. Siya tutungo sa labas upang subukang kainin ang ninanais ng kaniyang bibig. But Churie was adamant since iniisip pa lang niyang iba ang gumawa ng kakainin niya ay nasusuka at naiirita na siya. Ngunit parte sa kaniyang loob ang nagsasabi na naaawa na rin siya kay Zader . . . or not. “Mag aanim na buwan na ’tong tiyan ko pero bakit ganito pa rin ako kung mag-crave?” Ipinilig ni Churie ang kaniyang ulo at hinawakan ang kaniyang handbag gamit ang dalawa niyang kamay. “Ma’am Churie, Sa tingin ko po ay nariyan sa labas ng gate ang sasakyan ni Sir Zader.” Nang marinig iyon ni Churie ay dinaig pa niya ang nasa karera na nagmamad

