Apat na araw na lang ay schedule na ni Churie sa kaniyang panganganak. Sasailalim siya sa isang caesarian operation upang mailabas sa mundo ang inaasam nilang pangalawang anak ni Zader. “Ma’am Churie, may dumating po na package para daw sa ’yo.” Tumingin naman si Churie sa mukha ni Lani. Kalalabas lamang niya ng kaniyang silid upang magtungo sa hardin. “Huh? Wala naman akong inaasahan. Saka wala ring sinabi si Zader na may darating na package for me.” Nangunot agad ang noo ni Churie at wala sa sariling siya ay napaatras. “’Wag ka pong mangamba, Ma'am. Pumasa na po ’yan sa explosive team at naamoy na rin ng bomb sniffing dog natin. Safe raw po ’yang package sabi ng head guard sa ’kin.” Tumaas naman ang kilay ni Churie. ‘Yeah. How could I forget na sobrang oa nga pala ang security dito sa

