Pinagmamasdan ni Churie sina Zader at Mr. Germoin na ginagawa ang trabaho ng desuckerer, ilang metro mula sa kinatatayuan niyang lilim. Ginagawa nila ang gawain sa patnubay ni Romero, na pinahintulutan naman ni Churie. Ala-syete na nang umaga at hindi pa masakit ang sikat ng araw kaya ay hinayaan ni Churie si Zader nang magpaalam ito na tutulong raw sa sagingan. Hindi naman sumama si Secretary Lopez dahil busy ito sa trabaho na bitbit hanggang vacation. “Best, here. May dala akong water. Have some. Though hindi pa nagsisimulang mangagat ang araw ay dapat simulan mo na ang eight glasses of water mo para may panlaban ka sa init later.” Mahabang litanya ni Nala sabay bigay kay Churie ng babasaging baso. Pansin ni Churie na humihingal ito matapos lakarin ang halos one hundred fifty meters awa

