Sa loob ng isang institusyon kung saan nakalagay ang mga taong tinakasan ng kanilang katinuan at kakayanan na makipagkapwa tao ay naghihintay lamang ang isang lalaki ng pagkakataon. Pagkakataon upang balikan at makuha ang kaniyang nais. Pagkakataon upang maisagawa ang mga bagay na matagal na niyang inaasam. Pagkakataon upang balikan ang kinasusuklaman niyang pamilya. Pagkakataon na maisagawa ang lahat ang kaniyang mga plano sa loob ng mahabang panahon. “Boss, may babae pong kapapasok lang sa kabilang building.” Nag-angat ng tingin ang lalaki. “Pak!” Tunog ng isang malutong na sampal na dumapo mula sa pisngi ng lalaking naghatid ng hindi kumpletong ulat. ”Aug—aray . . .” bulong ng lalaki habang sapo ang kaniyang mukha. “W-wag po, boss! A-ano kasi, k-kuwan . . .” Nagkukumahog ba magpaliw

