Hindi alam ni Churie kung matatawa ba siya o maaawa sa itsura ngayon ng Doktor ng mga Valiad na si Doctora Kiana. Medyo basa pa ang mahaba nitong buhok at may nakaipit na suklay sa bandang ibaba. Dahil may pagka-curly ang buhok nito ay nagkaroon ng volume nang natuyo ang ilang mga hibla. Halata rin na sapilitan itong pinasundo ni Zader dahil naka-pajamas pa. Usually sa tuwing nakikita niya ito ay mala-koriana ang pormahan nito. Unlike now na mukhang dinampot lang habang nagmo-mukbang pa. “What? Quit staring at me like that. It's not my problem that you volunteered to be your father's replacement. Now, kumusta ang asawa ko. Is she okay? She's bleeding earlier,” ani Zader sabay lapit kay Churie na ngayon ay nakahiga sa kama. Umiling naman si Churie, sabay pisil ng kamay ni Zader. Nasa kama

