Chapter 1: Are they back?

1022 Words
I woke up earlier than usual. Dahil sa photoshoot na pupuntahan ko. Excited kong ginawa ang daily routine ko pagkagising sa umaga. At nagmamadaling inayos ang mga gamit na kakailanganin ko para sa photoshoot. Saka ako bumaba sa dinning area para mag-almusal with dad. Pero napakunot ang noo ko nang hindi si daddy ang naabutan ko sa hapag. "What brought you here early in the morning?" Tanong ko sa taong nakaupo sa hapag habang paupo ako. "And where is dad?" "Hindi ka pa nakakaupo ang dami mo ng tanong," seryosong sabi ni Jack. "Can we have breakfast first?" "Madali lang namang sagutin ang tanong ko 'di ba? So why not answer it?" Mataray na saad ko. "Tsk! Fine. Maaga silang nag-biyahe ni Lolo papunta kina Lui," Jack answered. "Bakit hindi ka sumama sa kanila?" I asked, habang naglalagay ng pagkain sa pinggan na nasa harapan ko. "Your dad asked me to stay with you," Jack said, habang naglalagay na rin ng pagkain sa pinggan niya. "What?!? Stay with me? You mean to guard me? What for?" Salubong ang kilay na sunod-sunod na tanong ko. "I guess you already know why," Jack replied, sa pagitan ng pagkain. "No. I don't have any ideas, kung bakit kailangan pa akong bantayan. Our battle with the mafia is already over. Tinapos niyo na ang organisasyon nila a year ago right? Kaya, you don't have to do this. And besides, kaya ko na ang sarili ko." I said showing my dissapproval sa gustong mangyari ng ama ko. "We are not that sure, na wala na ngang natitira sa kanila. Kaya kailangan nating mag-ingat. And I don't think you can handle yourself. Remember the kidnapping incident before?" Jack said, then sipped from his coffee while looking at me, na hindi na maipinta ang mukha. "Hah! That was before. Kaya ko ng protektahan ngayon ang sarili ko. Kung hindi ka confident na wala ng kalaban, dapat si Lolo ang binabantayan mo. O, 'yung mga anak nina Lui. Sila dapat ang sini-secure mo," mahabang salaysay ko sa kanya. "Lui can protect her family. Si Lolo at ang dad mo, may kasama na silang mga bantay," Jack responded. "Kaya ako ang pinapabantayan nila sa'yo? I can protect myself too. Nag-train na ako remember? Frustrated na sabi ko. Ayoko talaga na may aaligid-aligid sa akin na bantay. "I don't think your training is enough. Ni hindi ka nga kumakain ng maayos. Paano ka magkakaroon ng lakas na lumaban sakaling may umatake sa'yo?" Jack said, pointing to my plate. "I have a photoshoot today. Kaya ito lang ang kinakain ko. Kumakain naman ako ng maayos kapag normal na araw. And please, don't underestimate my training and ability," I said to him, saka tinapos ang pagkain ng mabilisan. Nakapamewang na hinarap ko si Jack pagkatayo ko. "Don't dare follow me around, Jack." Banta ko sa kanya saka ko ito iniwan. "Ang tigas talaga ng ulo," I heard him say that, pero hindi ko na lang pinansin. ***** Gamit ang sarili kong kotse ay nagmaneho na ako papunta sa location ng photoshoot ko sa araw na 'yon. I am working as a part-time model. Habang tumutulong ako sa pagpapatakbo ng sarili naming kompanya. Which is a Human Resource Company. Unlike the other models, I am doing my own make-up. Kaya naman ready na ako nang tawagin ako para sa shoots ko. Nire-retouch na lang ako ng mga make-up artist kapag kailangan na. After ng mga shots ko ay nagpaalam na rin ako sa mga kasama ko. Balak ko na dalawin si Lui at ang mga anak nito. Kaya, I decided to drop by, sa paboritong fast food chain ng mga bata. Excited akong nagmaneho papunta roon. At tutal nandoon na rin naman ang daddy pati na rin ang Lolo kaya naisip ko na roon na rin siguro mag-dinner. Tapos na naman ang photoshoot ko kaya pwede na ulit akong kumain ng marami. While driving, napakunot ang noo ko nang mag-ring ang phone ko. Nang tignan ko ito, Lui is calling. Kaya excited na sinagot ko ang tawag. "Hello...? Lui! You called. Na-sense mo ba na papunta ako riyan ngayon?" Cheerful na sagot ko sa kabilang linya. Pero napakunot lang uli ang noo ko sa tono ni Luisa nang magsalita ito. "'Wag ka ng pumunta dito. Sa ospital ka na dumiretso," seryoso ang tonong sabi ni Lui pero halata ang pag-aalala sa boses nito. Kaya kinabahan ako. "H-hey! Is this a prank? B-bakit naman ako pupunta ng ospital? At tsaka saang ospital?" Kinakabahan na tanong ko kay Luisa. "Sa ospital na malapit diyan sa location ng photoshoot mo. Papunta na rin doon sila Lolo. Hinihintay ko lang makauwi si Sebastian para magbantay sa mga bata. Susunod na rin ako," paliwanag ni Lui. "T-teka... Hindi ito joke? S-sino ang nasa ospital?" Nauutal na tanong ko ulit at nadoble pa ang kabang nararamdaman ko dahil sa tono ni Luisa. Alam kong seryoso ito. "This is not a joke, Myton. We are in a serious situation right now. Puntahan mo na si Jack sa ospital. He need us. I'll hang up now. Aasikasuhin ko muna ang mga bata para makaalis agad ako pagdating ni Sebastian. Mag-iingat ka. Bye!" Nawala na si Luisa sa linya after that. And it takes a few seconds bago maproseso ng utak ko ang mga sinabi nito. "Jack is on the hospital?!? Why? What happened?" Naguguluhang tanong ko sa sarili. Nang makabawi pinasibad ko ang kotse papunta sa alam kong ospital na malapit sa location ng photoshoot kanina. Natatandaan ko na may nadaanan akong ospital kanina. On the way to the Hospital, ay napaisip ako. "Are they back?" Tanong ko sa sarili na ang tinutukoy ay ang mga mafia. Hindi naman siguro sila ang may gawa nito kay Jack. Sa huling laban namin ng organisasyon sa mga Mafias, ang alam naming lahat ay napabagsak na sila ng organisasyon. Nakakulong na ang mga magulang nina Frederick. Pati na rin ang mga galamay ng mga ito. Kaya imposible na buo pa rin grupo na iyon. Sana nga walang kinalaman ang mga Mafia sa nangyari kay Jack. Kung meron man, mukhang kailangan ko ng mag-ingat at humandang lumaban.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD