Myton When I got back to the mansion, I saw Jack in the parking area. At mukhang sinadya niya na hintayin ako. "Bakit hindi mo sinasagot ang mga tawag namin?" bungad niya sa akin. Inirapan ko naman siya bago ko sagutin ang tanong niya. "I want to enjoy my one day freedom. Paano ko iyon magagawa, kung kukulitin niyo ako ni Lui?" "Pero pinag-alala mo kami." Salubong ang kilay na saad nito. Ramdam ko naman ang pagbilis ng t***k ng puso ko, dahil sa sinabi niya. "Wala ba kayong tiwala na kaya ko ng protektahan ang sarili ko?" pagsusungit ko sa kaniya para mapagtakpan ang sandaling pagkabigla ko. "Wala," diretsong sagot ni Jack na ikina-singhap at ikina-laki ng mga mata ko. "Grabe kayo! Para saan pa ang mga training ko? Eh, wala naman pala kayong tiwala sa kakayahan ko? Hindi na l

