Ang sakit-sakit ng katawan ko paggising ko. Ang nakakapagtaka, paano ako nakarating sa kwarto ko gayong ang huling alaala ko ay nasa sa reception ako kasama sina Theo?
Tiningnan ko ang suot ko at nanliit ang mga mata ko. This is not my shirt.
Napapikit ako sa sobrang sakit ng ulo ko.
Suddenly, flashbacks of what happened last night came crashing to my head. I looked at the floor and saw my dress and my undies thrown wherever.
Napahawak ako sa sentido habang nagmumura.
That wasn’t a dream?!
Hinawakan ko ang suot kong damit at nanlaki ang mga mata ko nang makitang damit ito ni Quinn. Bakit ko suot ang damit ni Quinn?
Sinong nagpalit sa akin?
Tangina! What happened?!
Agad akong tumayo at napatigil nang makaramdam ako ng sakit doon. Gusto ko na lang tumawa dahil hindi ako makapaniwala. Pinulot ko ang mga nagkalat na damit ko at inilagay sa laundry basket.
Bumukas ang pinto at nagulat ako nang makita si Quinn doon na may hawak na tray ng pagkain.
“What are you doing here?” Tanong ko sa kanya.
Ngumiti lang siya at inilapag ang tray sa kama ko. “Breakfast in bed?” Malambing na sabi nito.
Kumunot ang noo ko sa kanya. “I can walk down. Bakit ka pa nagdala ng pagkain dito?” masungit kong tanong.
“You’re sore.”
Napanganga ako sa sinabi niya. Hindi ako agad nakarecover kaya dinugtungan pa niya iyon.
“You are sore because of what happened between us last night.” There was no humor to his voice. It was so stern and serious.
Ramdam ko ang pamumula ko dahil sa sinabi niya. Walang hiya! Kung may namgyari sa amin kagabi, wala lamang iyon! I was so drunk I can’t even remember!
“I’m fine.” Sagot ko habang naglalakad patungong banyo. Papasok na sana ako sa loob nang biglang humarang itong si Quinn sa pinto.
“Ano ba?!” Iritado kong tanong. Sumasakit na iyong ulo ko tapos nandito siya at nang-iinis!
Umigting ang bagang niya. “We need to talk about what happened last night.” Puno ng awtoridad ang boses niya.
Umirap ako. “I can’t even remember it! Paano natin pag-uusapan kung ikaw lang naman ang nakakaalala?” Tanong kong pabalang.
Kumunot ang noo niya. “Kahit na! Ramdam mo namang may nangyari sa atin ‘di ba? So, we need to talk!” Mapilit niyang sagot.
I shut my eyes because my head throbbed. Nahihilo ako dahil sa sakit ng ulo ko. I took a mental note to kill Deonna and Theo when I see them at work. Humanda talaga ang dalawang iyon!
“Come on, Margaux. Kumain ka muna para makainom ka na rin ng gamot. Alam kong masakit ang ulo mo.” Biglang nagbago ang tono ng boses niya. From authoritative to the caring one.
Suminghap ako at tinitigan siyang mariin. “Magbibihis muna ako.” Sabi ko.
Tumikhim siya pero tumango rin. Umalis siya sa harap ng pintuan at dumiretso sa kama ko. Medyo binagalan ko nang maligo pero nang matapos ako ay naroon pa rin. Binuksan na rin niya ang TV at nakita kong nanonood na siya ng NBA.
Pinatay niya lang iyon nang makita akong papalabas na sa bathroom. Inilapag niyang muli sa kama ang pagkain bago ako tinitigang papalapit sa kanya.
My heart is racing fast. I think this has happened before. It’s the same day. Pagkatapos ring may mangyari sa amin dati ay todo alaga rin siya sa akin.
Tumikhim ako. This is not the time to think about the past, Margaux!
Umupo ako sa kabilang dulo ng kama at nakita kong nakaprepare na ang kakainin ko. Nahati na ang mga itlog at hotdog. Maging ang mga pancakes ay isusubo ko na lang.
I thinned my lips and looked at him. Tumaas lang ang kilay niya at tumango para sabihing kumain na ako. I sighed and ate. Wala na rin naman akong magagawa dahil prepared na ito.
“Pupunta nga pala sa school si Shawn dahil gusto raw niyang manood ng Football game.” Ani Quinn habang umiinom ako ng kape.
Tumango ako. “Okay. Sasamhan mo siya?” Tanong ko.
“He told me he wants the three of us to go.”
Napatingin ako sa kanya. Manonood lang ng laro ng bata, kailangan kumpleto pa? Ibang klase naman talaga si Shawn! Halos matawa na lang ako sa anak ko.
“And you said?” Tumaas ang kilay ko.
“I said yes of course. Iyon ang gusto ng anak natin.”
Halos mabilaukan ako sa sinabi niya. Gusto ng anak namin? I want to laugh so hard! Alam kong dati pa niya iyong sinasabi pero ngayon, parang joke ang dating noon sa akin. Gusto ko na lang tumawa.
Kumunot ang noo niya. “If you’re not feeling so well, we can drop by your hospital para mapacheck up ka.” Aniya.
I looked at him sarcastically. “Ako pa ang magpapaospital? I’m a doctor. Alam ko ang gagawin ko rito. Hangover lang ito.” Sabi ko sabay kain.
“Bakit ka nga pala lasing kagabi? Akala ko ba ay galing ka sa event sa ospital niyo?”
I shrugged. “Nakainom kami nina Deonna, e. May free drinks kasi.” Sagot ko.
At dahil doon, naisip ko na naman kung paano ko gagantihan ang dalawang iyon. Kapag nakita ko talaga sila, lalo na si Theo, kakalbuhin ko talaga ang isang iyon para wala nang babaeng magkakagusto sa kanya!
“You shouldn’t drink and drive. Delikado iyon.” Pinapangaralan ako ng isang ito. Hmmm…
“I arrived safe last night.”
“Yes. Fortunately you did.” Sarkastikong sagot niya.
Umirap ako. “Ayos naman ako. Ilang beses na rin akong lasing na nagdadrive.”
Umigting ang panga niya. “That doesn’t mean you are a good drunk driver.” Matigas na sabi niya.
Ngumuso ako at nagpatuloy na lang sa pagkain. Pagkatapos ko ay siya pa mismo ang nagbukas at nag-abot sa akin ng gamot.
Hindi na ako nagreklamo at ininom ko na iyon nang walang sabi-sabi.
“Anong oras pala iyong football game?” Tanong ko.
“Alas tres.” Sagot niya sabay tingin sa orasan.
Alas dos na pala. Nanliit ang mga mata ko. Sabi niya ay breakfast in bed. E, tapos na nga ang lunch, e. Pero mainit pa iyong kinain ko. Nagluto ba siya ulit?
Pilit ko isinantabi ang mga tanong ko at tumayo na.
“Magbibihis muna ako.” Sabi ko.
Tumango siya at kinuha ang tray. Lumabas siya sa kwarto ko. Mabilis akong kumuha ng pamalit at nagbihis ulit. Kung sana ay sinabi na niya agad kanina ay nakapagbihis na dapat ako!
Panay ang mura ko habang naglalagay ng make up. Parang hindi tumalab ang gamot na ipinainom sa akin ni Quinn. At dahil doon, pinatay ko sa mura sina Deonna at Theo sa isip ko. Walang hiya talaga ang dalawang iyon! Humanda talaga sila!
Nang matapos ako ay bumaba na ako. Nakita kong naroon na sina Shawn at Quinn, naghihintay at bihis na bihis. Parehas pa sila ng kulay ng damit. I wonder who thought of that idea.
“Mommy!” Sigaw ni Shawn at tumakbo palapit sa akin para hagkan ang pisngi ko.
Ngumiti ako at ginulo ko ang buhok niya. “You excited?” Tanong ko.
Ngumuso lamang siya. “I want to play, too!” Malungkot na sabi niya.
Ngumiti ako inawakan ang mukha niya. “You’ll play soon. Don’t worry, baby.” Sabi ko sabay halik sa noo niya.
“Daddy said it will take months before I can play again.”
Tiningnan ko si Quinn at nagkibit. Umirap ako sa kanya bago ako tumingin kay Shawn at ngumiti. “Because you need to fully heal first for you to play better.” Sabi ko sa kanya.
Lumapit si Quinn sa amin. Kinarga niya si Shawn. “Don’t worry, big boy. Daddy will play with you everyday when you get better.” Aniya at hinalikan ang pisngi ni Shawn.
Ngumiti si Shawn at humalik rin kay Quinn.
I can’t help but smile. My son is so adorable, I’ve known that ever since but seeing him with Quinn this close is different. Para bang may mainit na tubig na dumadaloy sa puso ko.
Hindi malayo ang school ni Shawn sa bahay kaya mabilis lang kaming nakarating. Sobrang excited ni Shawn habang umuupo kami sa bleachers. Nagchicheer pa siya para sa mga teammates niya.
Umupo kami sa medyo gitnang parte ng mga bleachers. Pumuwesto si Shawn sa gitna namin ni Quinn. Tuwang-tuwa siya habang pinapakilala niya si Quinn sa mga magulang ng kateam niya. It turns out kilala pala niya ang mga ito.
“Hi, Doc.”
Nagulat ako nang marinig ko ang pangalan ko. Lumingon ako sa likod at nakita ko si Marky na nakangisi sa akin. Siya na naman? Last time na nandito kami ay siya na naman ang nakita ko rito.
Bigla kong naramdaman ang kamay ni Quinn sa baywang ko. Hinapit niya ako palapit sa kaniya. Doon ko lang napansin na nakakandong na pala sa kanya si Shawn at kaming dalawa na ang magkatabi ngayon.
Kumunot ang noo ni Marky pero hindi ko na iyon napansin dahil abala ako sa pagkontrol sa naghuhuramentadong puso ko.
Rinig ko ang mahihinang mura ni Quinn pero hindi ko na rin iyon napansin dahil sa sobrang bilis ng t***k ng puso ko.
Halos malusaw ako nang maramdaman kong hinalikan niya ang gilid ng ulo ko.
“That fucker couldn’t stop looking at you. Damn it!” Bulong niya at mas lalong hinapit ang baywang ko. Kinagat ko ang pang-ibabang labi ko dahil alam kong wala nang mas pupula pa sa mukha ko ngayon.