I can hear my phone ringing. Hindi ko iyon pinansin. “Margaux…” Halos manigas ako nang marinig ang boses ni Quinn na malapit sa akin. Ngayon ko lang naramdaman ang kamay niyang nakapulupot sa katawan ko. What the hell? Unti-unti kong ibinukas ang mata ako. Laking gulat ko nang makita ko si Quinn na nakatingin sa akin. Siguro ay nagising siya dahil sa ring ng phone ko. Hindi pa rin tumitigil iyon. Pagod siyang tumitig sa akin. “Your phone is ringing.” Aniyang para bang hindi pa obvious iyon. I rolled my eyes and got up to see who is calling. Nanliit ang mga mata ko nang nakitang ang ospital iyon. “Who’s it?” Tanong ni Quinn habang bumabangon rin. Kinukusot niya ang mga mata niya. “Ospital lang.” Sagot ko sa kanya bago ko sinagot ang tawag. “Hello, doc?” Iyong ang bungad ng nur

