Chapter 3

1718 Words
Buong araw akong nagmaneho para marating ko ang rancho na pagmamay-ari ng Lolo Ismael. Agad na sinalubong ako nang mag-asawang katiwala ni Lolo ko na si Aling Sonia at ang driver nitong si Mang Naldo. "Magandang hapon ma'am," sabay na bati nilang dalawa. "Magandang hapon din po, Aling Sonia si Lolo nasaan?" agad na tanong ko rito. "Nasa mga alagang kabayo niya, kanina pa nga siyang umaga naroon binabantayan si Grook. Hindi niya rin po alam na dadating kayo." "Samahan niyo po ako punta tayo roon," babalik na sana ako ng kotse ko nang tawagin nila ako. "Ma'am, masyadong maputik po ang daan baka lumubog po 'yong gulong ng kotse niyo po roon," ani ni Mang Naldo. "Ganoon po ba? Anong sasakyan natin mang Naldo papunta roon, wala rito ang sasakyan ni Lolo?" iginala ko ang paningin ko sa paligid tanging jeepney lang ang nandoon at ang dalawang sasakyan nito na hindi rin puwede isuong sa putikan. "Iyang jeep po sana Ma'am, ang Lolo niyo po kasi kanina ang nag-drive papunta roon," turo nito sa jeep. "Tara na, gusto ko pang maabutan si Grook," sumampa na ako sa jeep. "Sigurado po kayo Ma'am? Sasakay po kayo riyan?" paninigurado nito. "Oo naman, importante makarating ito roon ang sasakyan." "Eh baka mapagalitan po ako ng Lolo po ninyo. Ano po kaya kung kukunin ko na lang po roon 'yong sasakyan ng lolo niyo tapos balikan ko po kayo rito, Ma'am?" "Hindi na, ok na ito Mang Naldo. Ako na magpapaliwanag kay Lolo," umupo na ako sa passenger seat. "Tara na!" Umupo na rin ito sa driver seat, sa likod naman si Aling Sonia. 15 minutes later, narating na namin ang kinaroroonan ng mga kabayo. Napatingin silang lahat sa amin. Lalo na ang lolo ko na hindi inaasahan ang pagdating ko. "Lolo," patakbo akong lumapit sa kaniya at yumakap. "I miss you, Lo." Gumanti rin ito ng yakap sa akin. "I miss you apo," matagal bago ako kumalas sa pagkayakap sa Lolo ko. "Who's with you?" "Ako lang po nag-drive papunta rito, Lo." "Hindi ka pinasamahan man lang sa driver ng daddy mo?" mukhang nagalit pa ito dahil ako lang mag-isa bumiyahe. "Ako po 'yong nagpumilit na huwag na akong samahan...I can handle myself, Lo. Nakarating naman po ako ng safe," nginitian ko na lang ito para mawala ang galit nito. "Bakit sa jeep ka isinakay ni Naldo? Puwede namang kunin niya rito ang sasakyan para sunduin ka sa bahay?" tumingin ito sa direksiyon ng jeep. "Lo, ako ang nagsabi kay Mang Naldo na jeep na gamitin namin para makarating kami agad dito," paliwanag ko sa kaniya. "Señor, Señor si Grook," tawag ng isang tauhan ni Lolo sa kaniya. Sabay kaming napatingin dito. Agad na pinuntahan namin si Grook. I pity him, halos hirap na siya sa paghinga. "Grook, I'm here," hinaplos haplos ko ang katawan nito. Hindi ko mapigilan ang mapaluha dahil sa kalagayan niya. "Hold on, Grook... sorry kung ngayon lang kita nadalaw. I should have visit you noong kaya mo pa akong isakay. I'm really really sorry, Grook," tuluyang bumagsak ang mga luha ko. Hinahaplos haplos ng Lolo ko ang aking likod habang panay ang iyak ko. Ilang saglit pa, hindi na humihinga si Grook. Napahagolhol ako ng iyak sa balikat ng Lolo ko. Parang hinintay niya lang talaga ako bago siya binawian ng buhay. "Ssshhh, it's okay apo...Grook needs to rest. You can choose another Grook, if you want," pang-aalo nito sa akin. "No Lolo, Grook is irreplaceable." Bubuhatin na sana nila si Grook pero pinigilan ko. "Wait lang," binitiwan nila ito at umatras. Yumuko ako at niyakap si Grook at hinalikan ito, "Bye Grook, you're forever in my heart." Bumalik na kami sa mansion ng Lolo ko. Hindi na ako sumama sa paglibing kay Grook. Lalo lang akong malulungkot kapag nakikita ko itong wala ng buhay. He's not just a horse to me, he's my friend. Pagdating namin sa mansion nagpaluto kaagad ang Lolo Ismael ng paborito kong sinigang. Umupo ako sa duyan na palaging pinapahingahan nito at kinuha ang cellphone ko, tiningnan ko ang picture namin ni Grook. Hindi ko namalayan ang paglapit ni Lolo Ismael, umupo ito sa aking tabi. "Kanina ka pa umiiyak apo, sige ka papangit ka niyan," biro pa ni Lolo at hinawi nito ang iilang hibla ng aking buhok at inipit sa likod ng aking tainga. Bumusangot ako rito at niyakap siya. "Apo, madami pa tayong kabayo roon puwede mong sakyan lahat iyon." "Iba pa rin po si Grook. Birthday gift niyo po siya sa akin eh," sumisinghot na sabi ko. "Ang apo ko talaga," niyakap ako nito ng mahigpit. "May nobyo na ba ang apo ko?" pag-iiba nito ng usapan. "Matagal bago ka nakadalaw rito ulit, kung hindi pa nagkasakit si Grook hindi mo pa ako madadalaw rito," may himig pagtatampo ang boses nito. "Lolo naman, busy lang po sa company, alam niyo naman po simula ng magkasakit si daddy ako na ang namahala ng company." "Sino ngayon ang namamahala ng kompanya?" "Si daddy po ulit. Silang dalawa ni mommy." "Hmmm," tumango lang ito. "Hindi mo pa sinasagot ang tanong ko kung may nobyo ka na?" "Wala pa po Lolo." "Sa ganda ng apo kong ito walang may nagkakagusto rito?" "Wala po ehh, eh kasi hindi ko rin po sila gusto," tumawa ako nang mahina. "Hindi pa po yata ipinanganak ang nakatadhana para sa akin, Lolo." "Sabik pa naman akong makita na ang apo ko sa tuhod," tumawa rin ito. "Hayaan mo apo ipakilala kita sa apo ng aking kumpadre na taga-ibang bayan. Ano kaya kung imbitahan natin sila rito?" Ngumiti na lang ako. Ngayon ko lang ulit nakausap nang matagal ang Lolo Ismael. Mayamaya pa lumabas si manang Sonia. "Señor, luto na po ang pagkain." "Tara apo, tayo ay kumain na," tinulungan ko itong makatayo sa duyan. Magka-akbay na pumasok kami ng mansion ni Lolo Ismael. Pagkatapos naming kumain pumasok agad si Lolo Ismael sa study room nito, paboritong lugar nito sa loob ng mansion. Pumasok na rin ako sa aking silid dito sa mansion. Naligo lang ako at nagpatuyo ng buhok. Nakatulog kaagad ako dahil na rin sa buong araw akong nagmaneho papunta rito sa rancho. Nagising ako kinabukasan sa sikat ng araw na tumama sa aking mukha. Hindi naisarado ng mabuti ang makapal na kurtina kaya nakapasok ang sinag ng araw sa aking silid. Binuksan ko na lang ng tuluyan ang kurtina. Ito na yata ang pinakamahaba kong tulog. Lumabas ako ng balcony. "Rise and shine," sabi ko sa sarili ko habang inuunat ko ang aking mga braso at humihikab pa. Matagal akong nag-uunat ng aking mga braso hindi ko alam na may tao pala sa baba na nakatingala sa akin. Doon ko lang napagtanto na wala pala akong suot na bra kaya dali-dali kong ipinang takip ang mga braso ko sa dibdib ko. Nakatingala ito sa akin, malamang kanina niya pa ako pinagmamasdan. Kunyaring inis ako at inirapan ito at saka ako pumasok ulit sa kuwarto ko at nagsuot ng bra. Paglabas ko upang tingnan ito, wala na ito roon. Bumalik na lang ulit ako sa kuwarto ko at nagbihis ng damit at saka bumaba. Nakita ko ang lalaking nakatingala kanina sa akin kausap ni Lolo Ismael. "Good morning, Lo," lumapit ako dito at nagmano. "Good morning, apo. Kung gusto mong mamasyal si Andrew ang sasama sa'yo, magaling din iyan mangabayo," tumingin si Lolo dito. "Opo Señor," sagot nito kay Lolo at saka bumaling sa akin. "Magandang umaga, Señorita," bati nitong alanganin kung ngumiti. "Good morning," nginitian ko rin ito. "Lo, puwede ba akong magpasama sa kaniya sa falls?" "Of course apo, sabihin mo lang sa kaniya kung saan mo gustong pumunta dahil alam niya ang pasikot-sikot dito." Nakita kong tumango-tango itong si Andrew. "Okay, hintayin mo ako magbibihis lang ako," patakbo akong umakyat pabalik sa aking kuwarto at nagbihis ng two piece swimsuit. Pinatungan ko ito ng white shirt at pants at saka bumaba. "Bye Lo, see you later," hinalikan ko ito sa pisngi. "Apo, why don't you eat breakfast first?" pahabol ni Lolo. "Later Lo, I'm not hungry yet," lumabas na kami ni Andrew ng mansion. Sumakay muna kami sa owner type jeep nito papunta sa kuwadra. Sabi ni Andrew mas maganda kung mangabayo kami dahil makipot ang daan doon baka hindi kayanin ng kaniyang sasakyan. Matagal ko ng alam ang tungkol sa nakatagong falls sa dulo ng rancho pero ni minsan hindi ko pa napupuntahan, ngayon ko lang mapupuntahan ito. Tanging mga trabahador lang din ng Lolo ko ang nakakaalam ng tungkol doon sa falls dahil hindi rin basta-bastang mapupuntahan ang lugar na iyon kung hindi sasadyain. Hindi pa rin kasi developed ang lugar na iyon. Pagdating namin sa kuwadra may naka-ready ng kabayo na aking masasakyan ganoon din si Andrew. Kinilala ko muna ito bago sakyan. Mukhang mabait naman si Brandy. Tinulungan ako ni Andrew na makasampa kay Brandy. It's been a long time, bago ulit ako nakasakay ng kabayo. I really missed Grook. I got emotional. Tumingin sa akin si Andrew. Ngumiti lang ako rito ng bahagya . "Let's go!" Nagpatiuna ito habang nakasunod naman ako rito. Halos talahiban ang aming dinaanan at sa kalagitnaan nito mga kakahuyan at mabatong daan. Naririnig ko na ang lagaslas ng tubig na nagmumula sa falls. Napalibutan ito ng mga nagluluntiang mga dahon ng iba't ibang klase ng puno. Hindi mo akalaing may falls sa gitna nito. Malalaki rin ang batong nakapalibot dito. Nauna itong bumaba ng kabayo at saka ako tinulungan nitong ibaba. Hindi sinasadyang namali ako ng apak kaya napasubsob ako sa matigas nitong dibdib. Biglang nakaramdam ng pag-iinit ang aking katawan. Agad na bumitaw ako rito. "Sorry," tumalikod ako rito. Habang inaayos nito ang tali ng mga kabayo, agad na hinubad ko ang suot kong damit at pantalon. Binabad ko muna ang aking paa sa tubig at saka lumusong. Nagpabalik-balik ako ng langoy habang pinagmamasdan lang ako nito. Kahit papaano nawala ang init na aking nararamdaman. "Andrew, join me here," tawag ko rito. "Huwag na ho Señorita. Babantayan ko na lang kayo." "Are you sure?" Tumango ito. Nagkibit balikat na lang ako rito at nagpatuloy sa paglangoy. Nang makaramdam ako ng pagod at saka ko naisipang umahon. Nakita ko ang pag-iwas ng tingin sa akin ni Andrew. Dinampot ko ang damit at pantalon na hinubad ko kanina at muling isinuot ito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD