Kinabukasan maaga pa rin akong gumising dahil kailangan kong asikasuhin ang birthday party ni Drei-Drei. Nakangiti kong pinagmasdan ang taong mahimbing na natutulog sa aking tabi habang nakapulupot ang isang braso nito sa baywang ko na parang ayaw ako nitong pakawalan. Sinubukan ko ring alisin ang braso nito sa baywang ko ngunit mas lalo pa nitong hinigpitan at hinapit ako palapit sa kaniya. "Hey, I thought you're asleep?" tanong ko rito at marahang hinaplos ang kaniyang pisngi. "Go back to sleep baby," mahinang sambit nito habang nakapikit ang mga mata. "I have to... I need to prepare for the birthday party." "Leave it to them. I send people to prepare, you don't have to stress yourself. I already told them what to do. Let's go back to sleep or else..." Wala na akong nagawa dahi

