Lumapit siya sa akin at ginawaran ako ng halik sa aking mga labi na siyang ikinagulat ko. Nakakarami na talaga ang kumag na 'to ang sarap pektusan. "Settled then." anito at humakbang pabalik ng dining. Arrggg. Nakakaasar na talaga siya. Paano naman ang boundaries na gagawin ko kung araw araw ko itong makikita? Hindi ko na talaga alam ang gagawin ko. "The food it's getting cold. C'mon let's eat." tawag nito sa akin. Tingnan mo nga naman parang wala lang sa kanya at may nalalaman pang see you in court. Kung tutuusin hindi dapat ako pumayag na tumira siya dito dahil bahay ko 'to at ako lang ang may karapatang mag-desisyon kung sino ang patitirahin ko dito. Naisahan na naman niya ako. Ginagamit niya talagang dahilan ang anak namin para masunod ang gusto niya. Hindi ako dumiretso sa di

