Hindi na nasundan pang muli ang pagkikita namin ni Michael. It's a relief for me, na hindi nito alam kung saan ako nakatira. Nagpatuloy ang araw-araw na pamumuhay ko rito sa Australia. Hindi naging madali ang lahat para sa akin, lalo na at nag-iisa lang ako at buntis pa, pero lahat ng iyon ay nakayanan ko. There are times, nakakaramdam ako ng lungkot ngunit pilit ko itong nilalabanan dahil hindi ako puwedeng magpatalo sa emosyon ko. Malaking tulong din sa akin ang pagpakalayo-layo ko at ang bagong tanawin na aking nasisilayan. Sinubukan ko rin magpatingin sa doctor tungkol sa sakit na sa tingin ko mayroon ako. Sinabi ko sa doctor ang lahat, because I knew she would understand me, and my secret was safe with her. She encouraged me to do some exercises, dahil hindi ako puwedeng mag take

