Chapter 30 Zara woke up to an unfamiliar room. Naka-dextrose siya ay may cast sa bandang tuhod pababa sa binti. Sinubukan niyang bumangon para umupo pero nakaramdam siya ng pangingirot sa bandang noo. Kinapa niya ang parteng 'yon at naramdaman niyang may benda siya ro'n. Mukhang may natamo rin siyang sugat sa ulo. Naaalala niya ang huling nangyari. Na nabundol siya ng paparating na motor. "Zabina," usal niya nang maalala ang rason kung bakit siya tunatakbo. Maya-maya pa ay biglang bumukas ang pinto ng kwarto kung nasaan siya. "Ate!" Sa lakas ng boses ni Zabina ay tila rinig na rinig 'yon hanggang sa labas ng kwarto. "Zab, nasaan ako?" Tanong kaagad ni Zara sa kapatid niya. "Malamang, dinala kita sa ospital. Magpagaling ka, tapos mag-uusap tayo," seryosong sabi nito. "Sinabihan mo

