Special Chapter "Kumalma muna kayo, please. Let me explain," pakiusap naman kaagad ni Zara sa tatlo. "Sige, Ate. Explain! Ipapasa ko sa'yo 'yong mga ginawang hambalos ni Mommy sa akin kanina. Ang sakit, ha?" Sagot pa ni Zabina. "Sa akin nga 'yang pregnancy test kit na nalaglag sa bag ni Zabina. Kahapon pa ako nagtake niyan. Around 8 in the morning, pagkagising ko. Nakatulala pa ako sa banyo dito sa baba. Kaso nataranta ako nang bigla akong katukin nang katukin ni Axel sa banyo kasi ang tagal ko raw. Itatapon ko sana sa basurahan, kaso naisip ko na baka makita kaagad. Eh, plano ko sana munang magpatingin sa OB-Gyne para makasigurado sana muna bago ko ibalita sa inyo. Naisipan kong ilagay muna sa bag para safe muna ang good news. Kaso hindi ko pala bag 'yong nasa sala. Bag pala ni Zabina.
Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books


