Chapter 36 Zara woke up calm and normal. Na-discharge din ito kaagad dahil wala namang nakitang kakaiba ang Doktor o kahit na anong injury pa man. Maaaring kumirot lang daw ang binti nito nang maitulak ito at mapaupo sa matigas na semento. Pero wala naman daw silang dapat na ikabahala. That night, Zabina let her Ate Zara stay at Axel's condo. She wanted the two of them talk. May tiwala naman siya sa manliligaw ng kapatid niya. She just wanted her Ate to be happy. Masyado itong mabuti para masaktan o mapagmalupitan. - "Hindi ba ako nakakaabala rito?" Tanong pa ni Zara kay Axel habang naupo siya sa mahabang sofa sa condo nito. "Of course not. I wanted you here, Zara. Mas kampante ako kung ma-o-obserbahan kita nang personal ngayong gabi," tugon naman kaagad ni Axel. "Wala naman nang p

