*Kathryn's POV*
"Kath, una na ako, ah," pagpapaalam sa'kin ni Lauren, bestfriend ko.
"Sige. Ingat ka," sagot ko then I waved my hand on her.
She was out of my sight nang mapagdesisyunan kong sumakay na ng taxi kasi hindi ako nagpasundo ngayon kay Kuya. May pupuntahan pa kasi ako. Pupuntahan ko yung lugar kung saan maaalala ko siya.
(N/P: Only Reminds Me Of You - Christian Bautista)
Dito ako bumaba sa park sa subdivision namin. I used to go here, after class, during afternoons and even during nights, waiting for him. Inaalala 'yong mga pangyayari at 'yong pinagsamahan namin. Dito ako laging pumupunta dahil ito yung lugar na lagi naming pinupuntahan dati. Dito ko siya pinakanaaalala.
Hapon pa lang naman kaya marami pang mga batang naglalaro rito. Naghahabulan, naglalaro, nagtatawanan at meron ding nag-aaway pero not physically. Masaya ako tuwing nandito ako kasi ito yung lugar na pinakamadalas naming puntahan. Pero ang sakit, ang sakit-sakit kasi hanggang ngayon hindi pa rin siya bumabalik.
Sa bawat araw na pagpunta ko rito, umaasa ako na makikita ko siya rito. Umaasa ako na pupunta siya rito dahil naaalala niya rin ako at gusto niya rin akong makita. Umaasa ako na makikita ko ulit siya at mayayakap nang mahigpit. Umaasa ako na magkikita ulit kami rito at sasabihin namin kung gaano namin kamahal ang isa't isa. Na sabay ulit naming aalalahanin 'yong mga alaala naming dalawa, masaya man o malungkot. Sabay kaming mangangarap at sabay ulit naming haharapin lahat ng pagsubok gaya nang dati.
"Ate, bakit ka po umiiyak?" tanong sakin ng isang batang babae. Hindi ko namalayan na tumutulo na naman pala 'yng luha ko. 'Yong mga luha ko na hindi pa rin nagsasawa sa pag-iyak.
"Ah, wala 'to. May naalala lang kasi ako. Sige na, maglaro na ulit kayo," sabi ko do'n sa batang babae at pinunasan ko ang mga luha sa magkabilang pisngi ko pero tumulo na naman ito.
"Marika! Tara, laro na tayo!" pagtatawag sa kanya no'ng batang lalaking kalaro niya.
"Sige po, Ate. Wag ka na pong umiyak. Ang ganda-ganda mo pa naman po," pag-aalo ng batang babae sa akin at nginitian ko naman siya. Tumakbo na siya papunta sa mga kalaro niya.
My tears rolled down my face again. I miss him so much and it's killing me. Bakit gano'n? Ang tagal-tagal ko nang naghihintay pero bakit wala pa rin siya? Katulad ko, mahal pa rin kaya niya ako? Lagi niya rin ba akong iniisip? Babalik pa ba siya?
Pumunta 'ko do'n sa puno na may naka-engrave na pangalan namin. Siya yung nag-engrave no'n, no'ng araw na naging kami.
'Kurt and Kath Forever'
Yan yung naka-engrave do'n sa puno.
Sabi niya na katulad ng punong 'to, ganun din katibay yung relasyon namin at pagmamahal namin para sa isa't isa. Na katulad ng puno na 'to ay hinding-hindi kami mabubuwal at katulad ng ugat ng puno na 'to ay hinding-hindi kami susuko na kumapit sa isa't isa para mas mapatatag pa ang relasyon namin.
"Nasaan ka na ba, Kurt?" tanong ko na paulit-ulit na lang tinatangay ng hangin. "Bumalik ka na, please," pagkasabi ko ng mga katagang 'yon ay nag-unahan na naman sa pag-agos ang mga luha ko.
It's been 5 years pero ang sakit-sakit pa rin. Sariwang-sariwa pa sa alaala ko 'yong mga pangyayaring 'yon na parang kahapon lang nangyari. Naalala ko na naman 'yong aksidente na nangyari 5 years ago.
******FLASHBACK******
It's our first anniversary and I'm so happy. Pumunta siya sa'min kaninang umaga at niregaluhan niya 'ko nang malaki at napaka-cute na teddy bear. Naglalakad na kami ngayon papunta sa park, tapos na kasi 'yong class namin. We were about to cross the street pero tumigil muna siya dahil tinapon niya 'yong empty bottle ng Slurpee niya at dahil nga nandito na kami sa tapat ng park ay tumakbo na 'ko patawid at iniwan ko siya, then, when I was on the middle of the street, bigla na lang may sumigaw mula sa likuran ko.
"Kath!" sigaw niya at titingin sana ako sa likuran ko dahilan para mapansin ko na may paparating palang sasakyan kaya sumigaw siya. Biglang niya 'kong tinulak at tumalsik ako sa roadside.
Kaya pala siya sumigaw ay dahil nakita niya na paparating na 'yong sasakyan at ang tanga ko kasi hindi ko man lang napansin yung kotseng yun. Tumayo ako at tiningnan ko si Kurt. Nakapalibot na sa kanya yung mga tao kaya tumakbo ako palapit sa kanya at nakita ko na umiiyak siya. Tumutulo yung dugo sa noo niya at nagkalat na sa semento ang dugo mula sa ulo niya at sobrang natakot ako. Iyak na rin ako nang iyak.
"I love you, Kathryn Daniella," sabi niya at nawalan na siya ng malay.
******END OF FLASHBACK******
Iyak ako nang iyak no'ng time na 'yon. Sobrang sinisisi ko 'yong sarili ko. Dahil sa stupidity ko, naaksidente siya. Ang sakit-sakit na makita 'yong taong mahal ko that he's dying because of me. At ang pinakamasakit na part do'n ay ang nilayo siya sa'kin ng parents niya. Hindi ko inakala na 'yong first anniversary pala namin will be the day na pinakapagsisisihan ko.
Long years have passed pero alam kong mahal niya 'ko kaya naghihintay pa rin ako. Sana worth it 'yong paghihintay ko. Sana nga may hinihintay pa talaga ako at sana nga may babalik pa sa akin.
Umupo ako sa bench na lagi naming inuupuan dati, 'yong bench na nandito sa tabi nung acacia tree na may engrave ng pangalan namin. Miss na miss ko na 'yong mga kulitan, asaran, harutan at tawanan namin dito sa bench na 'to. And I'm still hoping na sana mabalik lahat nang 'yon at sana madagdagan pa 'yong mga alaala namin dito.
Maya-maya ay may nakita akong batang babae at batang lalaki. Iniabot no'ng batang lalaki yung ice cream do'n sa batang babae at nagtakbuhan sila. Naalala ko na naman siya, elementary days pa lang 'yon. 'Yong mga panahon na ang saya-saya pa namin.
******FLASHBACK******
Naghahabulan kami ni Kurt dito sa park. Kakatapos lang namin mag-bike kaya nagtambay muna kami dito.
"Kurt panget!" pang-aasar ko sa kanya habang tawa ako nang tawa.
"Kath puwet!" sigaw niya.
"Yuck! Kadiri ka kaya! Ikaw nga mukhang pwet dyan, eh. Ang ganda ganda ko kaya! Bleehhhh!" sigaw ko at binelatan ko siya.
"Kath panget!" sigaw niya ulit.
"Ayoko na tumakbo! Nakakapagod," sabi ko sa kanya at umupo na ako sa bench.
"Ang bilis ko ngang tumakbo, eh," pagmamayabang niya.
"Weh? Hindi mo nga ako mahabol, eh. Mabilis ba 'yon?" may halo ring pagmamayabang na patutsada 'ko.
"Basta. Mabilis 'yon. Wag ka nang umangal," inis na sabi niya at inirapan ako.
"Oo na. Mabilis ka na tumakbo. Bili tayo 'nong ice cream. Libre mo 'ko," sabi ko at tinuro ko 'yong dirty ice cream na tinitinda ni Manong.
"Sige. Tara. Libre kita," sabi niya tapos tumakbo na naman. Ako naman naglakad lang kasi nakakapagod talagang tumakbo.
"Manong, dalawa nga po," sabi ni Kurt sa Mamang sorbetero
"Hello po, Manong. Pakidagdagan po 'yong sakin please. Yung kay Kurt po wag na," sabi ko kay Manong tapos natawa naman siya.
"Oo naman, Iha. Dadagdagan ko 'yong sa inyong dalawa. Suki ko kayo, eh," sabi ni Manong. "Oh, ito na ang paborito niyong tsokolateng sorbetes," sabi niya matapos iabot sa'min yung ice cream.
"Thank you po. Bukas po ulit, ah," sabi ko at tumakbo na kami ni Kurt. Kakahabol ko sa kanya, tumapon 'yong ice cream ko.
"Oh, sayo na lang 'to," tapos inaabot sakin ni Kurt yung ice cream niya.
"Ayoko niyan. May laway mo na kaya 'yan. Libre mo na lang ulit ako, please," sabi ko sa kanya gamit ang pinakakaawa-awa kong tono.
"Sige na nga. Hintayin mo ko rito, ah." sagot niya.
"Opo, Sir Kurt," sabi ko tapos nag-salute pa ako sa kanya. Mabilis siyang tumakbo papunta kay Manong at bumili nga ulit siya.
"Oh, wag mo nang ihulog 'yan, ah. Wala na 'kong pera," pagpapaalala niya.
"Oo naman. Thank you ulit," sabi ko at kinain na namin 'yong ice cream namin.
Pagkatapos namin kainin 'yon ay kinuha na namin yung bike namin do'n sa tabi ng puno at umuwi na.
******END OF FLASHBACK******
Napangiti na lang ako sa alaalang 'yon. Mga alaalang kahit kailan, hinding-hindi ko makakalimutan.
"Iha, libre ko na 'to sa'yo," pagtingin ko do'n sa nagsalita, si Manong Sorbetero pala. Hindi ko alam ang pangalan niya simula pa noon. Hindi ko na rin kasi natanong.
"Naku, Manong. Ang dami ko na pong utang sa inyo," pagbibiro ko at tumawa ako nang pilit. Everytime kasi na makikita ako dito ni Manong, lagi niya akong binibigyan ng ice cream. Binabayaran ko siya kaso ayaw niyang tanggapin.
"Wala 'yon. Suki ko naman kayo, eh," sabi niya at bigla na namang tumulo ang luha ko. "Wag na wag kang susuko. Babalik din siya," seryosong sabi niya. Alam niya kasi 'yong nangyari kay Kurt. Nandun kasi siya no'ng time na 'yon.
"Sana nga po," sabi ko kasabay ang tuloy-tuloy na pag-agos ng luha ko.
"Bumalik ka na, Kurt," bulong ko sa hangin.