"Summer nandyan ka lang pala!"
Sigaw ni Julie patakbo sa entrance kung saan ako nakatayo ngayon. A high school reunion starts at 7 o'clock tonight, but I came late, 10:44 pm. Ako nalang hinihintay nila sa reunion, nakakahiya.
"Sorry, traffic sa skyway." Saad ko kay Julie at yumakap saglit sakaniya. Tumango siya sabay tinuro ang hallway.
"Lorenzo, lester, and the two girls are waiting for you. I can't believe you're late." Saad ni Julie sa'kin habang nangungunang maglakad. Mukhang nakipag pustahan na naman siya sa apat, poor Julie.
Hindi na ako nagsalita dahil mukhang alam naman niya na napansin ko at sumunod nalang sakaniya. The reunion is handled by me and Clarett. The theme we picked last month was Hollywood Glamour, but the color we wanted was sky blue with white kaya lahat ng makikita sa loob na design at ang mga suot ng mga dumalo ay ganun ang kulay. I love blue and so does Clarett. Nakarating kami sa loob at nakita ko sila Lorenzo na nagkakatuwaan sa table nila. I smiled when I finally saw them. Simula nung nag college kami ay hindi na lami tulad dati sa highschool na pasaway at sama-sama. Clarett and Ezra ran as they saw me approaching.
Clarett whispered, "You'll pay me after this Summy, my voice cracked a while ago because there's no MC, and you're late."
Tumawa nalang ako at niyakap siya pabalik. Maya-maya pa ay lumapit din ang dalawang pasaway at nakipag kamayan. Hindi ko alam kung bakit nakipag kamayan ang dalawa at hindi yumakap pero nung nagsalita si Lester ay napangiti ako.
"Congrats Summy! Proud tropapits here. Shout out mo kami sa closing ah." Saad ni Lester sa'kin at sa sandaling ito ay yumakap na siya.
Ngumiti ako at tumugon, "Hindi pa rin kayo nagbabago away niyo pa ring maiwanan."
Natawa sila sa sinabi ko at pumunta na kami sa table namin. Habang nagkakatuwaan sila ay chine-check ko ang cellphone ko, naghihintay sa chats niya. isa. Pero wala ni isa.
"Sino ang hinihintay mo?" Tanong ni Ezra nang mapansing hindi ako mapakali sa cellphone ko.
"Wala, 'yung sundo ko... Mukhang hindi na darating." Saad ko kay Ezra kaya tumingin 'tong parang there-is-something-look.
"Taray may pa driver, sino 'yan?" Saad at tanong nito. Kapag sinabi ko sakaniya na 'yung susundo sa'kin ay 'yung lalake ring nagligtas sa'min nung highschool. Pero hindi lang siya driver para sa'kin, mas higit pa siya ro'n.
Sasagutin ko na sana siya kaso malakas ang ingay sa kabilang table na para bang nakakita sila ng Korean Hearthrob. Tinignan naming kung sino ang tinitignan at pinag-bubulungan nila, dumating siya.
"Teka... Bakit nandito siya?" Tanong ni Clarett at nagtayuan kaming lahat. Tinignan kong muli ang lalake sa front door na para bang may hinahanap at nang makita niya na ang hinahanap niya ay ngumiti siya. Maglalakad na sana siya papunta sa table kung nasaan ako pero umiling ako hanggang sa mapansin niya 'yon, tumango lamang siya at lumabas ulit. Sabi ko sa entrance nalang siya maghintay at ang aga niya para dumating.
"Wrong door?" Tanong ni Julie.
"Sa pagkakaalam ko tayo lang ang nandito, I swear." Saad ni Clarett sa'min at napakagat nalang ako ng labi. Inihanda ko ang bag ko at tinignan si Clarett.
"Hindi na ako magtatagal, I promise to pay you after this. Just end this event without cracking your voice please. Nandyan na kasi ang gwapong sundo ko." Saad ko kay Clarett at tumingin tong nagtataka pero tumango nalang din. Tumakbo na ako papunta sa entrance at nakita ko saying nakasandal sa pader.
Lumapit ako sakaniya at humawak sa leather jacket niya. Ngumiti siya sa'kin at niyakap ako. I love his hugs, but I love him most.
"My soonest girlfriend wouldn't want her bestfriends to see me." Saad niya sa'kin matapos kumawala sa pagkakayakap. Ramdam ko ang lungkot sa boss niya kahit nakangiti siya sa'kin. Umiling ako at ngumiti sakaniya.
"They're shocked. I was... I wasn't expecting you to be here. Ang aga mo dumating pero I promise to introduce you again as my suitor" Saad ko kay Cymmon habang hinahawakan ang jacket niya.
"It's okay you can go back there, and I'll wait here." Saad ni Cymmon sa'kin pero umiling ako at pumunta sa kotse na naka park sa harap ng entrance, it's his. BMW Z4.
"Nagpaalam na ako sakanila na uuwi na ako." Saad ko kay Cymmon habang nakahawak sa kamay ko.
"You want to go home?" Tanong niya papalapit sa'kin. Umiinit kahit malamig sa baguio.
Tumingin ako sakaniya at ang lapit namin sa isa't isa. Mahirap tapatan ang mga titig niya sa'kin, parang binabalik niya ako kung paano ko siya nagustuhan noon.
"Do you want me to go home?" Tanong ko sakaniya pabalik at nakita ko ang pasimple niyang ngisi. Papalapit siya nag papalapit kaya napapikit ako. Narinig ko ang pag bukas ng car door niya kaya tumingin ako sa ibang gawi.
Narinig ko ang mahinhin niyang tawa kaya napatingin ako sakaniya ng masama.
"You're cute chill, summer." Saad niya sa'kin kaya umirap ako sakaniya at sumakay na sa front seat.
"Where do you want to go? Somewhere when you can see city lights?" Tanong ni Cymmon sa'kin sabay humawak sa kamay ko at humalik.
Ngumiti ako sakaniya at tumango, "But can we buy food? Let's enjoy tonight." Saad ko kay Cymmon at tumango siya sa sinabi ko. Sinimulan na niyang paandarin ang sasakyan at nag U-turn papuntang Mines View Town. Sa bilis ng pagpapaandar ni Cymmon ay ala pang 12 minutes ay nakarating na agad kami.
Isa 'to sa favorite kong gawin noong bata ako, tumakbo papuntang bundok kung saan napaka ganda ng gabi dahil sa city lights. Habang nakatayo si Cymmon at ako naman ay nakaupo, limang hakbang ang layo sa isa't isa. Iniisip ko kung paano kami napunta sa ganitong sitwasyon na gusto na namin ang isa't isa. Napansin niya akong nakatingin sakaniya kaya parehas kaming napangiti kaya lumapit ito sa'kin.
"You know I love you so damn much, right?" Tanong niya.
Ngiti naman akong tumango sakaniya, "We both know that we love each other."
"I'll make a proposal soon because this is not the right time for that." Mahinhin siyang tumawa sa sinabi niya. Ganun din ako.
"Proposal huh." Saad ko kay Cymmon.
"I promise." Saad nito kaya tumango ako't ngumiti. Once or twice he promise I'll believe that.
Sa pagkakataon na ito ay magkayakap naming tinignan ang city lights at ang tanging alam lang namin ngayon ay kami lang ang nandirito at parehas naming mahal ang isa't isa.