Kabanata 1

2113 Words
Kabanata 1 Pagkagising ko ay nakaramdam agad ako ng sakit sa pagitan ng aking binti. Hindi lang ang private part ko ang masakit. Pati ang ulo ko ay masakit. Ano ba ang mga pinag-gagagawa ko kagabi at ganito kasakit ang ulo ko? Tangina! Bakit ako nakahubad? Bakit masakit ang p********e ko? Bakit ngayon ko lang narealize? I lost my virginity to the stranger I met. Tinignan ko ang kaliwang bahagi ng kama, wala akong katabi. Nasaan ang estrangherong lalaking iyon? Hindi ko man lang magawang makuha ang pangalan niya. Samantalang ako, ibinigay ko na ang pangalan ko, ang katawan ko at ang p********e ko. Fuck! Isla! Kapag nalaman ito ni Kuya, lagot talaga ako doon. Pinulot ko ang dress na suot ko kagabi at isinuot ulit iyon. Tinignan ko pa ang bawat sulok ng cottage na ito, dahil baka nandito lang siya. Kaso mukhang iniwan niya nga talaga akong mag-isa rito. Lumabas na ako ng cottage ng estrangherong nakatalik ko kagabi at nagpunta na ako sa cottage rin kung saan sila mommy. Nakita ko si Kuya, nakasuot ng sando at may kausap ito sa cellphone. "Morning, Kuya!" Bati ko dito at patakbong pumasok sa loob para maligo. Habang naliligo ako, di ko maiwasang hawakan ang mga parteng hinalikan ng estrangherong lalaking umangkin sa akin. Nararamdaman ko parin ang mga maiinit na halik niya. Kahit nasa legal age na ako, alam kong hindi tama ang ginawa ko kagabi. Palagi akong pinapayuhan ng mommy ko na ibigay ko lang dapat sa karapat-dapat at pakakasalan ko. Pero dahil sa mga kapilyuhang naisip ko. Ibinigay ko agad sa estrangherong na nakilala ko sa paraisong ito. Gusto ko ulit siyang makita. Hindi ko alam pero nakuha niya ang atensiyon ko. Hindi pa ako nagkakaboyfriend, pero parang may nag-uudyok sa akin na yung estranghero na iyon ang gawin kong boyfriend. "Argh!" Naiinis ako! Kahit pangalan kasi hindi ko pa nakuha! Saan ko naman siya hahanapin? Natapos ako sa pagligo at nagsuot lang ako ng yellow floral summer dress. Isang linggo kami dito sa club paradise. Kaya sigurado akong magdadark ng kaunti ang kulay ng balat ko. Buti nalang ay may dala akong sunscreen. Agad kong ipinahid sa katawa ko iyon at sa mukha bago lumabas. Naabutan ko si kuya na nagiihaw ng barbeque at hatdog. Ito ata ang magiging agahan namin. Tinignan ako ni Kuya. Seryoso at nakakunot ang noo niya. Ngumiti ako ng bahagya sa kanya. "Hi Mom, Dad. Good Morning." Bati ko sa magulang ko na nakaupo sa bench. Yoong may upuan sa magkabilaan tapos sa gitna ay yung lamesa. "Good Morning baby." Bati sa akin ni mommy. Hinalikan ko silang pareho sa pisngi. Si daddy ay busy sa kanyang cellphone. Habang si mommy naman ay nagbabasa ng libro. Lumapit ako kay Kuya na busy sa pagiihaw. "Morning ulit, Kuya." Bati ko sa kanya. Tinignan niya ako ng masama at kinunotan ng noo. "Bakit ang bilis ng takbo mo kanina? Anong ginawa mo kagabi?" Tanong ni Kuya Leigh "Wala kuya!! Nagcelebrate lang kami ng mga kaibigan ko." Pagdedeny ko dito. Pero mukhang hindi siya naniniwala. "Wala nga kuya!!" Pag-uulit ko. "Tatanungin ko ang mga kaibigan mo kung ano ang ginawa mo kagabi." Sabi niya na agad naman akong dinapuan ng kaba. Kaylangan kong makausap sila Vien bago makausap ni Kuya. Ayokong mabuking ako ni Kuya na hindi ako sa cottage nila Vien natulog. "Grabe ka naman kuya! Wala ka bang tiwala sa akin at kaylangan mo pang tanungin ang mga kaibigan ko." Medyo nasasaktang sabi ko dito. "Gusto ko lang malaman kung may ginawa ka bang hindi maganda katulad ng paghahanap ng lalaki. Tandaan mo, Anastacia, hindi porque't nag disi-otso ka na, may karapatan ka ng maghanap ng kung sino sinong lalaki." Paninermon niya sa akin. I pout my lip and rolled my eyes at him. Pinagcross ko pa ang mga kamay ko. Bakit ang oover-protective niyo ni Arzeus? I actually did. Nakahanap ako ng lalaki. We f**k! He used condom kaya kahit hindi niya i-pull out, okay lang. Hindi naman ako mabubuntis. "Pupuntahan ko lang sila." Sabi ko kay Kuya. "Sandali. Sasama ako." Sabi niya nilagay na lahat ng iniihaw niya sa plato. Putek! Bakit sasama na agad si Kuya! Kakausapin ko nga mga kaibigan ko para pagtakpan ako eh. "Kuya! Hindi pa luto yan oh! Tsaka tignan mo yon!" Itinuro ko pa yung mga binabad at hindi pa lutong pagkain. "Kulang pa yan. Kasabay din natin kumain mga kaibigan ko. Eh kay Eleis pa nga lang kuya, kulang na kulang na eh. Kaya magluto ka muna diyan!" Sabi ko at tumakbo na papunta kung nasaan ang mga kaibigan ko. Nakita ko pang masama ang tingin sa akin ni Kuya. Hahahaha "Saan ka natulog kagabi?" Tanong agad ni Patricia ng mapasok ako sa cottage nila. Si Vien tsaka Patricia ang magkasama sa iisang cottage tapos si Eleis naman at Arzeus, pero dahil umuwi nga si Arzeus kagabi, si Eleis lang ang mag-isa sa cottage. "Uh..." sasabihin ko ba ang totoo? Paano kapag sinabi nila kay Kuya? "Anong uh!" Tanong ni Patricia. "Baka nakipag-make out." Sagot ni Vien na kakatapos lang maligo. Nanlaki ang mata ko. Paano niya nalaman. "What the heck, Isla!" Nalalaki rin ang matang sabi ni Patricia. "How did you know?" Tanong ko kay Vien. "Hindi mo dineny. Ibig bang sabihin totoong nakipagmake-out ka nga!" Gulat paring sabi ni Patricia. Hindi ko muna siya pinansin. Kaylangan munang sagutin ni Vien ang tanong ko. "I saw you last night. Sa restroom. Sinundan kita kasi ang tagal mong bumalik, inisip ko baka nakatulog ka na sa loob ng banyo. Kaso nakita kitang may kahalikan na lalaki." Paliwanag ni Vien habang naglalagay ng sunscreen sa katawan. "Oh my gosh! Isla! You gave your virginity to a stranger!!" Sabi ni Patricia. Hindi ko maintindihan ang reaksyon niya. Di ko alam kung masaya ba o gulat ba siya. "Who initiated first?" Patricia asked. "Of course, Isla," Vien said. "I saw her kiss the stranger first." She added. "Grabe ka Isla! I thought you are a dalagang Filipina with a touch of katarayan lang." Nang-aasar na sabi ni Patricia. Tinulak niya ako ng bahagya. Sinamaan ko naman siya ng tingin. "So....how does it feels? Masarap ba? Malaki ba? Gwapo ba yung lalaki?" Sunod-sunod na tanong ni Patricia. "The guy....ahm...yeah." sagot ko ng maalala ko na naman iyong estranghero na iyon. Everytime I remember every touch of that stranger, it gives a shiver down my spine. "Siya ata yung guy na nakita natin na nakatingin kay Isla." Sabi ni Vien. Nakita kong nanlaki ulit ang mata ni Patricia. "Oh my gosh again! Nakabingwit ka ng isang sexy hot bachelor!" Sabi ni Patricia. Yeah. I guess. "So ano nga ang pakiramdam?" Paguusisa ni Patricia. Lumapit narin sa amin si Vien ng matapos na siyang magbihis. Namula ang pisngi ko ng maalala ko iyong lalaki habang hinahalikan ako. "Ishare mo naman yan." Sabi ni Patricia. "Anong ishashare ko?" Tanong ko. "Iyong ginawa niyo kagabi. Kung totoo ngang nakipag make out ka sa sexy hot bachelor na iyon!" Sabi ni Patricia. "Nalaman mo ba ang pangalan?" Tanong naman ni Vien na agad akong umiling. Hindi ko nakuha ang pangalan niya kaya ang balak kong gawin ngayong araw ay maglibot sa buong club paradise. "Ano ba yan, Isla! You f**k with a stranger yet you forget to ask for his name!" reklamo ni Patricia. "I asked his name. Kaso hindi niya sinabi. Tapos nagkita ulit kami sa banyo tapos..." doon na muna siguro. Di na nila kaylangan malaman lahat. "Tapos? Ano, Isla? Ituloy mo." Sabi ni Patricia. Tumayo na ako. Nagugutom na ako. "Puntahan na natin si Eleis. Baka malungkot na yon sa cottage niya. Walang kasama. Nakaluto na rin ang Kuya ko." Sabi ko sa kanila. "Saka nga pala kapag magtanong ang kuya ko kung ano ang ginawa ko kagabi sabihin niyo nagparty tayo tapos dito ako sa inyo natulog ah." Dagdag na sabi ko sa kanila. "Sus. Umiiwas ka lang eh." Pang-aasar ni Patricia. "Kaya blooming ngayon kasi nadiligan na." Sabi naman ni Vien. "First time madiligan. Mauulit kaya?" Tanong ni Patricia. Hindi ko na lang siya pinansin at nauna na akong naglakad papalabas ng cottage. Saktong paglabas ko ay nakita ko si Eleis na papunta rito. "Gurl!" Tili niya papalapit. "I saw a hot guy papunta doon!!" Kinikilig na itinuro na itinuro ni Eleis iyong dinaanan ng sinasabi niyang hot guy. "Anong hot guy? Taksil ka kay Arzeus ah!" Sabi ni Patricia. Nasa likod ko na pala silang pareho ni Vien. "Totoo nga! Ang gwapo nung guy! Halos makita ko na nga iyong perpektong dibdib niya dahil naka bukas ang dalawang butones ng suot noong hot guy!!" Kinikilig paring sabi ni Eleis. "Dapat pala di na ako nagpunta sa inyo at sinundan ko na lang siya!" Reklamo niya. "Oh! Edi dapat sinundan mo." Sabi ko. "Mabilis akong kausap, gurl! Gotta go! See yah!" Masayang sabi ni Eleis at medyo mahinhin na tumakbo papalis. "Si Eleis siguro nagturo sayo kaya nakabingwit ka rin ng sexy hot bachelor." Sabi naman ni Patricia na agad kong tinutulan. "Hindi ah!" Tinarayan ko siya at nauna ng maglakad sa kanilang dalawa. Nagugutom na kasi ako. Saan ko kaya makikita iyong estrangherong lalaki na iyon? Madalas kaya siyang bumisita dito? O baka nagbabaksyon lang rin? May girlfriend kaya siya? Ilang taon na kaya yon? Siguro ay nasa 20's na iyon. "Isla." Tawag ni Patricia. Napalingon ako sa kanya, pero sa iba naman siya nakatingin. "Bakit?" Tanong ko sa kanya. Itinuro niya gamit ang nguso niya yung tinitignan niya, kaya napatingin din ako dito. Nakasuot ito ng blue tie-die polo dress shirt at ang unang dalawang butones ay hindi nakakabit may suot rin itong aviator. Bagay na bagay sa kany ang suot niya dahil naayon talaga iyon na parang nasa bakasyon siya. "Vien, diba siya yung lalaking nakita natin na nakatingin kahapon kay Isla?" Tanong ni Patricia kay Vien kaya napatingin din ito sa estrangherong lalaki. "Siya nga." Sabi ni Vien. Parehong napatingin sa akin ang kaibigan ko. "Totoo ngang sexy hot bachelor! Ang gwapo!" Napatili ng mahina si Patricia at kinurot ang tagiliran ko. "Ang swerte mo, gurl!" Dagdag na sabi niya. Nakita rin namin na nandoon na si Eleis. So ito ba yung sinasabi niyang hot guy? Bakit kasama nila mommy iyong lalaki? At hindi lang isa, dalawa silang lalaki na hindi ko kilala. "Tara na." Aya ni Vien. "Sandali. Kaylangan kong mag-ayos. Okay lang ba ito? Dapat pala nagpalit ako ng mas daring na suot." Sabi ni Patricia na agad kong ikinataas ng kilay. What the heck! May balak ba siyang akitin iyong sinasabi nilang sexy hot bachelor? Hindi pwede sa akin iyon! Ako ang nauna sa kanya! Dahil medyo nainis ako, nauna na akong pumunta kung nasaan sila mommy. Habang papunta ako, napalingon sa akin iyong estrangherong lalaki. Napaiwas ako ng tingin at bigla akong nahiya sa sarili ko. Naalala ko kasi yung nangyari kagabi. Ako ang unang naginitiate. Kaya ko lang nagawa iyon, kasi nga lasing ako. Nang makarating na ako sa kanila, naupo na ako sa tabi ni Eleis. Napatingin ulit ako sa estrangherong lalaki kaso agad rin napaiwas ng makitang nakatingin parin siya sa akin. Ano ba ang ginagawa niya rito? Bakit ba siya nandito? Kilala ba to ng pamilya ko? Umupo sa tabi ko si Patricia at sa tabi niya ay si Vien. Nakita ko pang nilagay ni Patricia sa likod ng tenga niya ang iilang hibla ng buhok na sumasagabal sa mukha niya. Nagpapacute pa ito sa dalawang lalaki. Lalo lang akong naiinis kay Patricia dahil sa ginagawa niya. Inikot ko na lang ang mata ko at kumuha ng hotdog. Agad kong kinagatan iyon. Ang laki naman ng hotdog! Napatingin ulit ako sa estrangherong lalaki. Nakita kong ngumisi siya sa akin kaya binaling ko ulit sa iba ang paningin ko. "Anastacia." Tawag ni Kuya, kaya napatingin ako sa kanya. "Mga kaibigan ko, inimbitahan ko rin sila kahapon sa birthday mo." Sabi niya. "This is Dominic Lucas Leveriza." Itinuro ni Kuya iyong lalaki seryoso rin at nakasuot ng itim na v-neck shirt. "And this is Zachariah Bryce Saldavia." Turo ni kuya doon sa estrangherong lalaki. Hindi ako makapaniwala na ang nakatalik ko kagabi ay kaibigan ng Kuya ko! Paano nalang kung sabihin niya kay Kuya na may nangyari sa amin kagabi, baka masira ang pagkakaibigan nila. Naglahad ng kamay iyong lalaki. Zachariah Bryce.... pangalan palang ang gwapo na talaga. Tatanggapin ko ba iyong kamay niya? Dahil sa ayaw ko naman na mapahiya siya, agad kong tinanggap iyon. Tatanggalin ko na rin sana kaso hinigpitan niya ang pagkakahawak sa kamay ko. "Nice meeting you, again." Sabi niya at ngumisi ulit siya ng bahagya bago inalis ang pagkakahawak sa kamay ko. ♡ 10-08-22
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD