Kabanata 10
The next morning, I woke up very tired! f**k! How many rounds did we do?
Nakalimutan ko na kung nakailang ulit kami. I just only remembered the pleasure and the heat we shared! Hindi ko rin naman inaasahan na mauulit ulit ito.
Medyo hirap akong bumangon kasi ang sakit ng hita at binti ko. Sobrang nabanat ata kagabi.
Tumingin ako sa kaliwa ko, nagbabakasakali na nandoon pa si Zach at natutulog. Kaso nabigo lang ako ng makitang wala siya sa higaan.
Napabuntong hininga ako bago dahan-dahang naglakad papasok ng banyo para maligo.
Hindi ko alam kung may kameeting ngayong araw si Zach. Hindi ko kasi nakita ang schedule niya para sa araw na 'to.
Binilisan ko na lang maligo at mag-ayos ng sarili dahil baka inaantay na ako nito sa baba.
Same as yesterday, I'm wearing a formal clothes. Then I decided to tie my hair into a messy bun before putting a light make-up on my face.
Tinignan ko ang sarili ko sa salamin. Ang ganda ko talaga! Sobrang fresh!
Nang makitang okay na lahat ay bumaba na ako para puntahan kung nasa baba man si Zach.
Hindi nga ako nagkakamali, nasa hagdanan palang ako ay nakita ko na siya. He is wearing a gray longsleeve polo and pants na nakatuck-in. His broad back is flexin'. Ang sarap naman siguro ng back hug. Magawa kaya?
Dahil sa kapilyuhang naisip ko, walang pag-aalinlangang lumapit ako sa kanya at niyakap siya sa likod. Ipinikit ko ang mata ko ng mas lalong madama ko ang yakap.
Habang dinadama ko ang yakap sa kanyang likod, hindi nakatakas sa akin ang bango ng perfume niya. Sobrang bango, to the point na ayaw ko ng kumalas sa yakap at amoyin na lang siya palagi.
"Good morning," saad ko rito habang nakayakap parin.
"I said, good morning!" Ulit ko dahil hindi ko siya narinig na sumagot sa bati ko.
Hinawakan niya ang parehong braso ko na nakayakap sa kanya at inalis iyon. Humarap siya sa akin. Seryoso ang mukha niyang nakatingin sa akin.
"I cancelled my meetings for today. Pack your things, we're going back to Manila today," he said seriously.
"Huh? Bakit?" Takang tanong ko. Hindi niya sinagot ang tanong ko at naglakad paakyat. Sinundan ko naman siya.
"Diba importante sayo yung mga meetings, kaya nga tayo nandito eh. Tapos icacancel mo lang?" Sabi ko dito habang naglalakad kami paakyat.
"Just pack your clothes. We will be leaving at exactly 9am. Pag wala ka pa sa kotse, iiwan kita dito." Sabi niya bago pumasok sa loob ng kwarto niya.
Huh? Anong prolema niya?
Padabog akong pumasok sa kwarto ko at nagligpit ng mga gamit at damit. Nang mapansing okay na ang lahat, napatingin ako sa kama ko.
Yesterday was another memorable day for me. It is my second time. And it happened outside Manila. He took my virginity first to Club Paradise, and now... near Club Paradise.
"Let's go." Saad niya at nauna ng pumasok sa loob ng kotse.
Padabog akong pumasok sa front seat ng sasakyan. Kahit kailan hindi siya naging gentleman sa akin! Nakakainis siya. Tapos ngayon ang cold niya!
Iniisip ko talaga paano ko siya nagustuhan pero ang pangit naman ng ugali!
I rolled my eyes ng hindi niya talaga ako kinakausap buong byahe. The f**k is his problem?!
"Hoy! Ano bang problema mo?" Hindi ko na matiis na tanong dito.
Diretcho lang siyang nagdadrive at hindi man lang sumubok na magsalita.
"Ano? Paninindigan mo talagang hindi ako kausapin? Naboboring na ako rito oh! Mapapanis na laway ko dahil wala akong kausap!" Reklamo ko sa kanya ngunit hindi parin siya kumikibo.
"Argh! Nakakainis ka!" Saad ko at tumingin na lang sa bintana.
Nagising na lang ako ng may tumatapik-tapik sa pisngi ko. Napadilat ako at nakita kong si Kuya Leigh iyon. Nandito napala kami.
Pikit matang tumingin ako sa driver seat, napakunot ang noo ko ng wala si Zach.
"Nasaan si Zach?" Agad na tanong ko rito. At bakit siya ang gumising sa akin.
"Nasa loob, pinasok yung gamit mo. Kung nagtataka ka kung bakit ako ang gumising sayo... dahil siya ang may sabi na gisingin raw kita." Saad nito.
Talagang inabala niya pa si Kuya Leigh para lang gisingin ako kahit pwede naman siya ang gumawa n'on.
Blanko ang mukha niyang lumabas ng bahay at lumapit sa amin. Tinitigan ko siya. Wala akong makitang expresyon sa mukha niya.
Hindi ko alam pero bakit parang ang lamig ng pakikitungo niya sa akin. May nagawa ba akong mali?
"Leigh, alis na ako. Marami pa akong gagawin." Paalam niya kay Kuya, bago siya pumunta sa driver seat para sumakay at pinaandar iyon para umalis.
What is his problem? Hindi 'man lang nagawang magpaalam sa akin pagkatapos kong tangapin ang alok niyang maging two day secretary! Ang moody talaga niya! Hindi ko talaga alam kung paano ko siya nagustuhan.
"Anong ginawa mo?" Tanong ni Kuya habang papasok kami sa loob ng bahay.
"Huh?" Takang tanong ko.
"Bakit ganoon si Zach? Parang ang seryoso niya? May hindi ba siya naclose na deal?" Kuryos na tanong niya.
"Aba, malay ko sa kanya!" Inis kong sabi at nauna ng pumasok sa loob.
Naabutan ko si Mama at Papa na nasa sala at parehong busy.
"Hi, Ma, Pa." Sabi ko at hinalikan sila sa pisngi.
"How's the two day secretary work?" My dad asked.
"Well.. okay lang naman po." Saad ko.
"Mabuti nga at pumayak ka diyan para naman may alam ka na kahit papaano kung paano ang takbo ng isang business." Sabi naman ni Mama
"Sige, Pa, Ma, akyat po muna ako sa taas." Sabi ko sa kanila at tinuro ang hagdanan.
Pag-akyat ko sa taas ay kinuha ko ang cellphone ko para sana itext si Zach kaso dahil galit pa ako sa kanya, bukas ko na lang siya itetext. Bahala siya sa buhay niya! Mag overthink siya ng malala kakaantay sa text ko!
Kinabukasan, tinignan ko ang cellphone ko at wala akong nakitang text galing sa kanya. Talaga bang paninindigan niya ang pagiging malamig sa akin?
Dahil ba 'to sa nangyari sa amin kahapon? Big deal ba sa kanya 'yon?
Inis akong pumasok sa school. Naabutan ko sila Zeus na naglalakad papunta siguro sa kanya-kanyang building.
"Islaaa, gurl!" Masayang bati ni Eleis ng makita ako.
"Bakit ganyan ang mukha mo? Parang hindi ka yata masaya?" Agad na tanong ni Patricia.
"Is there a problem?" Zeus asked.
"Huh?" Saad ko lang.
"Hoy! Isla! Ang sabi namin bakit ganyan ang itsura mo? May nangyari ba na hindi namin alam?" Tanong ni Patricia.
Tumingin ako sa kanila at doon ko napansin na wala pala si Vien. Asan 'yon?
"Nasaan si Vien?" Pag-iiba ko ng tanong.
"Malalate daw siya dahil may importante daw na pupuntahan." Maikling paliwanag ni Patricia.
"So ano na nga gurl? What happened? Ichika mo naman." Sabi ni Eleis.
"Malalate na pala kami ni Zeus. Sige una na kami." Palusot ko at hinila na si Arzeus para makaiwas sa dalawang kaibigan namin.
"Are you okay?" Tanong ni Zeus habang naglalakad kami sa Building A.
"Huh? O-oo naman... okay lang ako?" Hindi ko rin sure kung okay lang ako. Naiinis parin kasi ako eh.
"Dahil maaga pa naman, kain muna tayo. Hindi ako nagbreakfast sa bahay." Sabi ko sa kanya.
"Why? May family problem ba kayo kaya ganyan ang itsura mo ngayon? Para ka kasing malungkot." Tanong niya.
"Uh... hindi. Wala lang 'to. Hindi lang talaga maganda ang gising ko." Paliwanag ko sa kanya. Hindi na siya nagtanong ulit. Buti naman.
Umiwas nga ako sa mga tanong ni Eleis tsaka Patricia, si Arzeus din pala magtatanong.
"Ako na bibili. Mag-antay ka na lang diyan." Sabi niya ng makarating kami sa canteen. Itinuro niya ang lamesa na nasa gilid para doon umupo.
Sinunod ko naman ang sinabi niya. Naupo ako sa lamesang itinuro niya, siya naman ay umorder na ng pagkain.
Tinignan ko siyang mabuti habang umoorder. Ilang taon na ba kaming magkaibigan? Simula ata High School kaibigan ko na siya pati sila Patricia. Hindi na kami nagkahiwalay hanggang ngayon na college na kami.
Si Arzeus yung tanong parang Kuya ko yung ugali. Ang over protective niya rin sa akin lalo na pagdating sa mga lalaki. Lagi niyang sinasabi na 'wag daw ako agad magboyfriend. Kilalanin ko raw muna yung manliligaw ko.
Sobrang bait niya sa akin. Palagi niya akong nililibre. In terms of physical... Yes, gwapo siya. Maganda rin yung pangangatawan niya kasi nag-gy-gym siya every weekends. Seryoso rin siya at hindi gaanong ngumingiti.
Iniisip ko nga eh. Sa tagal naming magkaibigan, hindi 'man lang ako nagkagusto sa kanya. Samantalang si Zach na kakakilala ko palang o sabihin na natin na unang tingin ko palang sa kanya gusto ko na siya.
"Okay lang ba sa'yo yan?" Tanong ni Zeus ng ilapag niya ang dalang breakfast meal. Tumango naman ako bilang pagsang-ayon rito.
Mabilis ko ng inubos iyon, dahil kung magtatagal pa ako baka malate na kami sa first class namin. Ayaw pa naman ng prof. namin na nalalate kami.
Napabuntong-hininga ako ng sa wakas ay uwian na. Finally! After a long tiring day. Naririnig kong tinatawag na ako ng higaan ko.
Lumabas na kami ni Zeus para pumunta sa student lounge kung saan ang antayan naming magkakaibigan.
"Nagugutom ako." Saad ko kay Zeus. Natawa naman siya at ginulo ang buhok ko.
"Wait here. I'll get your food." Nakangiting sabi niya bago naglakad paalis. Nagsabi pa ako ng thank you sa kanya.
Ganito talaga ako. Mahilig akong kumain. Pagkain kasi ang stress reliever ko. Buti nga hindi ako tumataba eh.
Habang inaantay ko si Zeus at ang mga kaibigan ko, kinuha ko ang cellphone ko at nagpicture. Nagpose ako ng sad face at sinend kay Zach sa i********:.
islaanastacia: Are you mad? :(
Chat ko sa kanya. Nilagyan ko ng sad face para mas effective. Sabi ko galit ako sa kanya pero hindi ko siya matiis.
islaanastacia: Ano bang nagawa ko para hindi mo ako pansinin? :(
Chat ko ulit sa kanya. Kaso hindi naman niya binabasa. Siguro busy iyon.
Dumating si Zeus pati na rin sila Patricia. Buti pa sila fresh pa rin, parang chill lang sila sa course na napili nila.
"Thank you." Sabi ko ng ibigay niya sa akin yung sandwich. Binuksan na rin pala niya 'yon.
"Ang sweet niyong dalawa! Para kayong magjowa." Walang prenong sabi ni Patricia, kaya napaubo ako.
"Are you okay?" Agad na tanong ni Zeus, tumango naman ako para malaman niyang okay lang ako. Sinamaan ko ng tingin sa Patricia at Eleis na tawa ng tawa.
"Nakakatawa 'yon?" Inis na tanong ko sa kanilang dalawa.
"Totoo naman yung sinabi ko ah! Para na kayong mag-jowa." Saad ni Patricia.
"Tigilan mo nga ako. Bestfriend lang kami ni Arzeus. Sabi ko nga may iba akong crush. Mamaya nandito pala 'yun tapos magselos. Patay ako doon." Medyo kinabahang sabi ko.
"Mukhang patay ka nga." Medyo natatawa na ring sabi ni Vien, na ikinakunot ng noo ko.
Itinuro niya gamit ang nguso ang dahilan kung bakit mapapatay ako.
Naabutan kong seryosong nakatingin sa gawi namin si Zach. Nanlaki ang mata ko at mabilis na napatayo sa gulat.
"Mukhang kailangan mong magpaliwanag, gurl." Sabi ni Eleis sa akin.
Walang emosyon naglakad si Zach paalis.
"Nakakainis kayo! Mauna na kayong umuwi. May susuyuin lang ako at thank you pala ulit dito sa sandwich, Zeus." Lumingon ako sa kanya na ngayon ay parang seryoso at galit ang kanyang ekspresyon.
Hindi na muna importante 'yan. Kailangan kong maabutan si Zach. Mabilis pa naman maglakad ang lalaking 'yon.
Luminga-linga ako sa paligid kaso hindi ko siya nakita. Nagpunta rin ako sa faculty dahil baka nandoon siya dahil sinusundo niya si Ma'am Alisa, kaso wala rin.
Huli kong pinuntahan ang parking lot. Hinanap ko ang itim na tesla sasakyan kaso wala na rin nakaparada doon. Mukhang umalis na sila.
Bakit parang ang bilis naman nilang umalis? Nagmamadali ba siya dahil ayaw niya talaga ako makausap?
Ichachat ko talaga siya. Hindi ko siya titigilan hanggang sa kausapin niya ako kung bakit bigla na lang naging ganon ang trato niya sa akin.
♡
07-02-23