Nahalata ni Pat na mukhang natulala si Alex sa hitsura niya ngayon. Naalala tuloy niya ang kantang Beh Buti Nga na sinabi ng ate niya. Bagay niya yatang kantahin kay Alex yung kantang Beh Bote Nga. Although hindi naman siya literal na nilait ng guwapong binata. Sinaksak lang naman ang puso niya at winasak ang kanyang damdamin. Sabagay may utang na loob din naman siya kay Alex .Dahil sa nadurog niyang pagmamahal dito, na-motivate siyang baguhin ang sarili niya. Pero sa una lang yun. Nung huli naman, ninais niyang maimprove ang sarili niya for herself. She wanted to gain self-esteem. "Alex!" tawag ni Shelly sa binatang mukhang na-glue yata ang mga mata kay Pat. Wala pa din. So kinalabit ito ni Shelly. "Hey!" tawag ulit ng asawa ni Jake. Pat is watching everything with amusement

