Nang marinig ni Jude na nasa labas si Alex, medyo kumunot ang noo nito. Oo nga naman kasi siya ang naka-schedule ngayon eh. Nainis lalo si Pat kay Alex. Naisip niya na hindi man lang magtext o tumawag na pupupunta ito. Ibang klase talaga ang mayabang na m******s na lalaking yun! Feeling masyado! Porke ito ang naka-una sa paghalik sa kanya ( of course hindi alam ni Alex na ito ang first kiss niya) kala mo naman bf na niya kung umasta. Tumahimik silang bigla ni Jude. Parang kanya-kanyang sila ng iniisip sa kung ano ang pwedeng mangyari. Sabagay may halos kalahating oras na ang binata. At least nakapag-solo na sila. Bad-trip na bad-trip si Alex. Naipit kasi ito sa traffic .Naunahan tuloy ito. Tumawag kanina si Shelly at sinabi na dadalaw daw nga ngayon kay Pat ang Jude na yun. Nakap

