Chapter Three

1763 Words
Chapter Three Black King Organization. Kilala ang black king organization ng lahat dahil malaki umano ang naitutulong ng grupo sa mga foundations at charities sa bansa. Ngunit walang ka-ide-idea ang bansa kung sino-sino ang myembro nito. Pero sa grupo ni Barbara, hinahanting nila ang mga myembro nito dahil sa illegal na gawain. May mga taong palihim na hinihingi ang serbisyo nila upang gawin ang 'di kayang gawin ng gobyerno at batas ng bansa. Human trafficking ang rason kung bakit kinuha ang serbisyo niya. Ang grupo ay bumuo ng foundation para roon mismo kumuha ng mga batang babae at lalaki para sa illegal na gawain. Gawain ng mga ito ay kumuha ng mga bata sa foundation at ibinebenta sa black market o kaya'y ginagamit na pang-regalo sa mga kaibigan. Mapabatang lalaki o babae wala silang pinipili basta't mapapakinabangan. Base sa pag-imbestiga nila, may isang children's home na ang Black King Organization mismo ang namamahala. Ang mga batang palaboy, mga batang ulila at basta na lang iniiwan sa pinto ng children's home ang ginagamit nila sa mga activities ng grupo. Mga volunteers ang namumuno sa children's home, ang mga batang akala'y inaampon ay napupunta sa mismong "foundation" kung saan dinadala ang mga bata. Nagpaalam saglit si Angel na magtutungo ng banyo ng mapansing tumayo ang isa sa kanila. Tumango lang si Zander na tahimik na umiinom. Nagmamasid sa grupo ng mga kalalakihang dumating. Alam niyang hindi lang simpleng unwind ang ginagawa ng lalaki. Pero wala siyang planong pakialaman ito. Pagpasok pa lang sa banyo na may limang cubicle rinig na ni Angel ang mga halinghing at ungol ng mga tao sa loob. Kahit dinig sa lugar na ito ang tugtog sa loob mismo ng bar hindi pa rin maiwasan na may marinig na ingay mula rito sa banyo. "Ahhh faster, faster! Make it hard!" ungol na naririnig niya. Siguradong isa sa mga babae ng club iyon. Mga willing gamitin sa kahit saang lugar basta't tama ang ibinabayad sa mga ito. Dinig niya ang dalawang tinig ng lalaki sa sumunod na cubicle. Alam na niya ang ibig sabihin niyon. Gaya nga ng sabi niya rito ng mga ito sa star Club nagagawa ang mga fantasies ng mga ito. Kapareha man ang lalaki o babae. Binalewa lang niya ang mahahalay na tunog na naririnig. Kumakalampag pa nga ang mga pinto. Iginala niya ang tingin sa banyo at agad niyang nakita ang lalaking sinundan patungo rito sa banyo. Hawak ang cellphone nito. Kampanteng-kampante na walang makikialam ng kung ano mang ang lumalabas sa bibig nito. Pasimple siyang lumapit sa lababo kung saan nakatayo ang lalaki. Walang banyo ang mga babae sa club na ito dahil ang costumer lang na makakapasok ay mga lalaki. Ang mga staff ay mayroong sariling banyo. Naghugas siya ng kamay, hindi pa rin siya pansin ng lalaki na ngayon ay may kausap pa rin sa cellphone nito. "Oo, kailangan ko ng product ngayon! 'Yong bago, ideretso mo sa cabin!" ani nito. Nagawi ang tingin ng lalaki sa dalagang naghuhugas. Napangisi ito ng napansin ang kaseksihan nito. Bahagyang nakayukod kaya mas hantad ang bilugang pang-upo nito. Nakadama agad ng 'di maipaliwanag na pagnanasa sa babae. "Sige sige, mamaya na lang!" nagpaalam na ito agad saka humakbang patungo sa lababo. Kunwariy naghugas ng kamay sa tabi ni Angel. "Available ka ba?" napakamanyakis ng tunog ng tanong ng lalaki na bahagyang umusog upang madikit sa kanya. "Naku sir, server lang ako rito!" mapang-akit niyang sabi na bahagyang humarap upang bigyan ng access ang mata nito sa malulusog niyang dibdib. Matagal din niyang pinag-aralan ang dapat na ikilos sa lugar na ito bago niya tinanggap ang misyon. Kaya 'di na siya naiilang pa. "Malaki ako magbayad, magaling din!" sa isip ni Angel gusto na niyang putulan ng dila at hinaharap ang lalaki. Pero pinigil niya ang sarili dahil hindi pa sapat ang impormasyon sa kung sino-sino ang myembro ng organization na kinabibilangan nito. "Pasensya na sir, pero baka gusto mo 'yong available ngayon. May kwarto sa taas pwede ko s'yang ipatawag!" mukhang hayuk na hayuk na ang lalaki na sa dibdib na niya nakatitig. Bahagyang pinagsalikop ni Angel ang kamay upang mas umangat ang dibdib niya. Sabi ng mentor niya, ang mga lalaking nalulunod na sa makamundong pagnanasa ay 'di na makapag-isip ng maayos. At 'yon ang ginagawa ni Angel. Akitin ito upang umayon sa kanyang gusto. "Gusto ko ikaw!" dinilaan pa nito ang nanunuyong labi. "Gusto mo ba talaga?" mapang-akit niyang tanong. Kunwari'y nag-aalinlangan. "O--oo!" kapos pa ang hiningang sabi nito. Napansin pa n'ya ang kamay nito na humahaplos sa bakat na nitong p*********i. "Hmm? Paano ba 'yan, gusto ko nakapiring ka! Pwede ba?" inilabas ni Angel ang dila at nilaro ang itaas na labi. Sinundan iyon ng tingin ng lalaki. "Sure! Sure, kahit nakatali pa!" kapos pa sa hiningang sabi nito. "Gusto ko rin, ako lang ang tratrabaho!" tumango-tango naman ang lalaki. Halata ang pagnanasa sa mukha. "Sige sir, ipapahanda ko lang ang kwarto, 'wag kang maingay ha!" bilin niya. Parang ulol na aso na ang lalaki na tumango sa kanya. Sumunod agad ito kay Angel na tumalikod na at muling bumalik sa loob ng club. Sinenyasan niya si Cloe na agad na gets ang ibig niyang mangyari. Dumertso siya sa table ni Zander na titig na titig pa rin sa grupo ng mga lalaki. "Sorry natagalan!" aniya na naupo ulit sa tabi nito. "It's okay!" ani nito. "Boss, kailangan na nating umalis!" sabi ng bodyguard nito saka iniabot ang cellphone. Cellphone marahil ni Zander. Zander? Hindi n'ya alam kung ito ba talaga ang pangalan ng lalaki, dahil sa panahon ng pananatili niya sa club na ito walang totoong pangalan na nag eexist sa lugar na ito. "Aalis na kayo?" aniya na iniabot ang jacket nito. Umiling ang lalaki, pero kinuha nito iyon at lumapit sa kanya. Napasinghap si Angel ng ipatong nito iyon sa balikat niya. "Hindi ka pa ba uuwi?" tanong nito na mabilis niyang ikinailing. May dapat pa siyang gawin. Naghihintay pa sa ikalawang palapag ng lugar na ito ang trabaho niya. "Hindi pa, maglilinis pa kami! Pero kung malaki ang tip mo baka payagan na akong maghintay na lang sa locker room hanggang magsara ang club!" tumango ang lalaki. Dinukot nito sa bulsa ang wallet. Obviously, makapal ang wallet na halos 'di na maitupi ng maayos. Dumukot ito ng ilang paper bills at iniabot sa kanya. "Pumasok ka na sa loob, ako ng bahala sa mga inorder ko!" gulat na gulat ang dalaga na 'di agad tinanggap ang makapal na perang inaabot nito. Ito pa ang kumuha ng palad niya at naglagay ng pera. "Pumasok ka na!" utos nito. Tumango siya. "S-alamat!" aniya, nag-aalangan man tumingkayad pa rin siya at humalik sa pisngi nito. Bahagya niyang pinahid ang pisngi nito na nalagyan ng lipstick nya."Pasok na ako!" kumaway pa siya saka nagsimulang humakbang patungo sa pinto sa back stage. Nakasalubong niya si Cloe na sumenyas agad sa kanya. Iniabot niya rito ang tip na 'di na niya binilang. Mas kailangan nito ng pera, agad namang ibinulsa ni Cloe ang pera. "Tara na?" ani nito na agad niyang tinanguan. Nanatili ang jacket ni Zander sa balikat niya ng magkasama nilang tinahak ang daan paakyat ng ikalawang palapag. Binuksan ni Cloe ang isang silid kung saan inabutan nilang nakaupo ang lalaki tanging pulang tuwalya lang ang nakatakip sa hita nito upang itago ang p*********i nito. Nakakadena rin ang mga kamay. Alam na alam talaga ni Cloe ang dapat niyang gawin, ani sa isip ni Angel. Tahimik lang si Cloe dahil hindi nito maaaring malaman na tatlo sila sa silid na ito. "Hello Sir, are you ready?" malanding sabi ni Angel sa lalaki. "O--oo, kanina pa!" halos paungol na sabi nito. Siguradong kung ano-ano na ang pumapasok sa isip nito. Itinuro ni Cloe ang mga gamit ng lalaki na nasa isang sulok. Saka ito lumapit sa lalaki hindi na niya tinignan kung ano ang ginagawa ni Cloe ng lumuhod ito sa harap ng lalaki. Pero base sa halinghing ng lalaki na sobrang ingay alam na niya. Samantalang si Cloe hawak ang p*********i ng matanda at waring pinaglalaruan. Palakas ng palakas ang ungol nito kaya mas pinagbuti ng babae ang ginagawa sa gitnang bahagi nito. Pinaglalaruan ng kamay at bibig. Ine-enjoy na lang din niya ang ginagawa dahil sa tagal niya sa club na ito ang ganitong trabaho niya ay nahasa na niya. Palakas ng palakas ang ungol nito na napaangat pa ang pang-upo maisagad lang sa bibig ng babae ang ari nito. Sinadya ni Cloe na lagyan ng tugtog ang silid maharot na tugtugin na mas nagpagana sa lalaki. Habang abala naman si Angel sa paghalughog ng mga gamit ng lalaki. Siguradong 'di na ramdam ng matanda ang ibang nangyayari sa silid na ito dahil sa kahibangan nito. "Christopher Laurel, 45 years old!" tahimik na basa niya sa ID nito. Mabilis na kinunan niya ng larawan ang ID nito. Saka dinampot ang cellphone ng lalaki. Luckily, walang password iyon kaya mabilis niyang binuksan. Isinuksok ang maliit na device upang kopyahin ang lahat ng laman ng cellphone nito. Muli niyang sinuri ang wallet nito. May isang larawan ang nakalagay sa photo pocket ng wallet nito. Larawan ng isang pamilya kasama ang lalaking kasalukuyang pinaliligaya ni Cloe. Kinuhanan din niya ng larawan iyon. Magagamit niya ang mga simpleng bagay na iyon sa hinaharap. Nang matapos sa ginagawa sinenyasan niya si Cloe, na mukhang tapos na sa trabaho nito. Kumindat na dali-daling umalis ang babae pagkakuha ng iniabot niya. Bahagyang binura ni Angel ang lipstick saka lumapit sa lalaki. Nakatakip na ang towel sa lap nito. Yumukod siya sa latang-lata na lalaki at tinaggal ang piring nito. "Do you like it, Sir?" hinihingal na sabi niya. Humahaplos-haplos pa ang dibdib nito. "Y-eah! Your the best!" "So sir, ikaw na ang bahala sa tip ko ha!" tumango ang lalaki habang tinatanggal niya ang lock ng kadena. Tumayo agad ang lalaki na mabilis tinakip ang towel sa bewang nito. Lumapit sa gamit nito at dinampot ang wallet. "Magaling ka ha!" kalmado ng sabi nito na ikinangisi niya. Iniabot nito ang pera saka ito tumalikod na at pumasok sa banyo. Lumabas na rin siya. Nakaabang sa labas si Cloe. Iniabot niyang muli ang pera rito kapalit no'n ay ang mga gamit niyang ibinigay niya kanina. "Uwi na tayo, kotang-kota na ako!" ani ni Cloe na binibilang ang perang hawak nito. May malawak na ngiti sa labi. Para sa anak nito handa nitong gawin ang lahat kaya bilib si Angel sa babae. "Tara na!" aniya na malawak din ang ngiti. Mas madali ang mga bagay-bagay kapag ganito ang sistema. Aniya sa isip.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD