CHAPTER 4.

1557 Words
They automatically cordoned the surrounding place of the crime scene, pinalibutan iyon ng yellow barricade tape na may Nakasulat ng POLICE LINE DO NOT ENTER. Agad niyang ni-report sa headquarters ang nangyari and after a few minutes ay dumating ang SOCO department para suriin ang crime scene. This scenario is not new to her. May mas malala pa kesa kanyang nasaksihan ngayon. But the feeling she has right now is anger. Anger for the person who killed this young lady inside the car. She just stood a few meters away from the crime scene, habang nakatingin sa SOCO team na nag e-examine at kumukuha ng mga ebidensya sa crime scene. Wala pa siyang tulog at kain. Ilang minuto ang lumipas ay dumating ang police ambulance, ibinaba ang stretcher bed at kinuha mula sa loob ang bangkay ng batang babae,kitang kita niya ang paglagay ng bangkay nito sa stretcher bed, maging ang masangsang na amoy ng dugo ay umabot sa kanyang pang amoy. Cruel, it's too cruel. This child has a bright future ahead, pwede ito maging doctor at tagapagligtas ng buhay, o maging Guro na nagbibigay karunungan sa susunod na henerasyon, o maging katulad niya na isang pulis na tagapangalaga ng katahimikan. Ngunit dahil sa mga halang ang kaluluwang umaaligid at malayang gumagawa ng karahasan mga taong tulak ng droga ang kaisipan ay nawala ang isang inosenteng buhay. This must stop. It must be stopped. Lumandas ang butil ng luha sa kanyang mga mata, ngunit agad niga itong pinahid ng daliri "Craig?" Tawag niya sa isang miyembro ng SOCO na kaibigan niya at kasapi din ng EAGLE-EYE male department. "Viper?" "Shut up, you jerk!" Saway niya dito sa pagtawag sa kanya gamit ang kanyang code name. Craig just chuckled kasabay ng pagbuga nito ng hangin. "The dead body is full of bruises and bitemarks!" "Hayop!" Usal niya. Marahan siyang tinapik ni Craig sa kanyang balikat. "I will inform you of everything after a full investigation of the dead body," ani pa nito. Sabay silang napalingon sa pinagmulan ng malakas na ugong ng sasakyan papalapit sa kinaruruunan nila. It was a tow truck. "Tapos na ba?" "Yeah! Dadalhin ang kotse sa headquarters for further investigation." Napahilamos siya sa kanyang mukha kasabay ng malalim na buntong hininga, pinaraanan niya ng mga daliri ang kanyang seven-seven hairstyle. She felt so exhausted and lethargic at the same time, sumasabay pa ang halo halong emotion at gutom. "Go home, Sab! You look like a panda dahil sa eye bag mo!" Craig said with a smile. Marahan siyang natawa. Nag fist bumb muna sila bago siya tuluyang tumalikod at naglalakad papunta sa kanyang naghihintay na ducati. Agad niyang kinuha ang kanyang black leather jacket na nakasampay sa ulo ng ducati at saka sinuot iyon. Sumakay siya sa kanyang ducati at inayos ang pagkasukbit ng kanyang four-five caliber gun sa baywang saka sinuot ang kanyang helmet, she kicked off the starter at agad na umalis sa lugar na iyon. Nasa harap na siya ng headquarters ng mapansin ang mga tao sa loob. Napakunot siya ng noo. Pagkapasok niya sa loob ay agad sumalubong sa pandinig niya ang ingay ng pagtipa ng keyboard ng desktop ng mga kasamahan nyang pulis. "Anong araw niyo huling nakita ang anak niyo missis?" Tanong ng isang police sa ginang, habang panay ang tipa nito sa keyboard. "Umaga, sir pagpasok niya sa eskwela." Sagot ng ginang. "Ilang taon po ang anak niyo?" "Dise syete, sir!" Namangha siya sa nasaksihan. Dahil hindi lang isa ang magulang na naroon, bawat sulok ng malawak na kwadrado na silid na iyon ay mukha ng mga magulang na halata ang matinding takot at pag aalala. Naagaw ng pansin niya ang isang lalaki at babae na nasa harap ng isang police officer. Magkaharap ang mga ito sa desk. 'Ano 'to?' Tanong niya sa sarili habang isa-isang tinitingnan ang mga mga magulang na nandoon. Dumaan sa tabi niya ang kapwa pulis na babae, hinawakan niya ito sa braso. "Anong nangyayari dito?" Tanong niya sabay libot ng tingin sa paligid. "Ah!" Inilapit nito ang bibig sa kanyang punong tenga "Mga magulang yan ng mga batang teenager na nawawala!" Napaawang ang kanyang labi. Naagaw uli ng pansin niya ang kaninang lalaki at babae na nasa harap ng desk ng kapwa pulis, humahagulgol na ito ng malakas habang panay ang haplos ng lalaki sa likod nito. "Sir, do you have any pictures of your sister?" Tanong ng kapwa niya pulis. Kinuha ng lalaki ang kanyang cellphone sa bulsa ng pantalon nito at kita niya ang pag galaw ng thumb nito sa screen, maya maya lang ay may pinakita na ito sa police, pinaharap nito dito ang kanyang cellphone. Mabilis ang hakbang niya papalapit sa mga ito. Agad niyang inagaw ang cellphone at tiningnan ang mukha ng babae sa picture. "Officer Alcantara?" Manghang sita ng kapwa niyang police. "Oh, thank you! Goodness!" Sa halip ay sambit niya. Napahugot siya ng malalim na hininga. Hindi niya maintindihan ang sarili ngunit nagpapasalamat siya na hindi ito ang babaeng bangkay na nakita nila sa abandonadong sasakyan. Muli niya binalik ang cellphone sa lalaki ng di niya tinitingnan ang mukha, nakatuon ang atensyon niya sa ginang na humahagulgol. Bahagya siyang lumuhod at hinawakan at hinaplos ang palad ng magkasiklop na kamay ng ginang. "Don't worry too much ma'am, babalik sa inyo ng ligtas ang anak niyo." Mataman siyang tinitigan ng ginang. "Ma, did you hear that? Sige na uwi muna kayo at mag pahinga," ani ng lalaking humahagod sa likod ng ginang. Tumayo ang ginang habang inaalalayan ito ng lalaki. "Please, help us to find our Kaira!" "We will do our best ma'am!" Sagot niya habang nakangiti sa ginang. "Sige, po umuwi muna kayo at magpahinga." Tumango lang sa kanya ang ginang. Napabuntong hininga siyang muling nilibot ang paningin at tila nilulukumos ang kanyang dibdib, paano kung isa sa mga magulang na ito ang ina nong batang natagpuan nila sa abandonadong sasakyan? Paano kung isa sa mga anak ng mga ito ay wala ng buhay? Marahas siyang napabuntong hininga sabay hilamos sa kanyang mukha. She feels very frustrated. Tunog ng cellphone niya ang pumukaw sa paglalakbay ng kanyang isip, akma niyang hugutin iyon sa kanyang bulsa ng biglang kumulo ang kanyang tiyan na naglikha ng maingay na tunog. "Officer Alcantara, nag iingay na 'ata ang mga alaga mo?" Puna sa kanya ng kasamang pulis na nasa harap niya, nakaupo ito sa desk habang nakaharap sa desktop. "Umayos ka Toledo, wala pa akong agahan, baka di kita matantiya!" Aniya sabay haplos ng kanyang sikmura. Nakita niya itong yumukod at may kinuha sa ilalim ng desk, humarap ito sa kanya sabay ngiti at hagis ng cup noodles. "Kumain kana, sayang ang ganda mo kung magkaka ulcer ka lang!" Bahagya siyang tumawa sabay salo ng hinagis nitong cup noodles. "Salamat dito." Aniya sabay taas ng cup noodles. Humakbang siya ng ilang hakbang para sana lumapit sa water dispenser at lagyan ng mainit na tubig ang cup noodles ng biglang may pumigil sa kanyang braso. Napalingon siya dito. Ganun na lang ang kanyang pagkamangha ng mapag sino ang nasa kanyang harap. How can she forget that face? Ang mukha na kumuha ng kanyang atensyon, at ang labing kanyang inangkin! O mas tamang sabihin na, labing umangkin sa kanyang labi. But no, she is Viper. No one can captivate her, instead, she can captivate this man easily if she just wants to. Bahagya siyang natawa sa na isip. "What can I do for you Mr?" Pag maang maangan niya. "Eat breakfast with us," ani nito sabay kuha ng bitbit niyang cup noodles. "Eating noodles for breakfast will do no good to your health!" Bahagya siyang natawa at mapang uyam niya itong tiningnan. "And who the hell are you?" Kunot ang noo nitong tumitig sa kanya, partikular sa kanyang mga mata, umangat ang sulok ng labi nito. "I'm just the man who kissed you last night, don't you remember?" Muli siyang nagpakawala ng mahinhing tawa, she then lifts her hands and uses her index finger, and touches his lips sensually. "Oh! Sorry, Mr, ngunit sa dinami-dami na ng lalaking nahalikan ko, ay wala na akong matandaan, na nahalikan kita!" Nakita niya agad ang pagkadismaya sa mukha nito. Kumunot ang noo nitong nakatitig sa kanya sabay hawi ng kanyang hintuturo sa labi nito. Tumawa siya ng mapang uyam, at kinagat ang ibabang labi. "Excuse me, Mr." aniya. Ngunit humarang ito sa kanyang daraanan. "Then, Miss Alcantara, I will make it memorable so you won't forget it easily, at baka babalik-balikan mo pa!" Akma niya itong sagutin, ngunit ganun nalang ang kanyang pagkamangha ng bigla siya nitong hinapit sa batok at siniil ng halik ang kanyang labi. Tila siya pinako sa kanyang kinatatayuan, tumigil maging ang pag-inog ng kanyang mundo at umabot sa kanyang pandinig ang dagundong ng kanyang puso. Pinailaliman nito ang paghalik sa kanya, maging ang dila nito ay ramdam niyang gumalugad sa kaloob-looban ng kanyang bibig, ang bawat pag sipsip nito sa kanyang labi ay lumilikha ng tunog, habang masuyo nitong hinahaplos ang kanyang batok. His hands are now slowly caressing her back, pinasok nito ang kamay sa loob ng kanyang leather jacket at masuyong humahaplos sa kanyang likod. Tumigil ito sa paghalik sa kanya at mataman siyang tinitigan. "Wag mong sabihin na wala paring epekto ang halik ko, Miss Alcantara!" He licks his lips. "Your blushing, it means effective!"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD