Marahas siyang bumuga ng hangin. Savannah was now walking near the altar. Hindi niya inalis ang pagkatitig niya dito. Tumingin si Savannah sa kinaroroonan niya, napanguso ito ng labi. He smiled, wink, and bit his lip afterward. Ngunit sa halip na ngumiti ay inirapan pa siya. ''Sige lang. Tingnan natin hanggang saan ang katarayan mo, mahal kung Savannah!" Piping usal niya. Ilang segundo ang muling lumipas ay nagbago ang tugtog ng musika sa paligid at pumailanlang ang malamyos na musika na Beautiful in white ni Shane Filan. Napalingon siya kay Drake. Panay ang lunok nito habang butil-butil ang pawis sa noo. Ang gago hindi kumukurap, habang nakatingin kay Althea na marahang naglalakad papunta sa altar habang kaagapay si Alfred. "Relax dude, baka biglang umatras si Althea dahil sa paraan n

