"Savannah, kailangan na natin pumasok sa loob bago dumating si Edward." Napaigtad siya. Humarap siya kay Christof. "Tara!" Mabilis ang mga hakbang nilang tinalunton ang pasilyo papasok sa isang silid na nasa pinakadulo ng ikatlong palapag ng Quijano hospital. Bahagya niyang inilinga ang paningin sa paligid. Craig was right. Nagkalat nga ang mga tauhan ni Victor sa buong hospital. She is wearing black leggings and a brown loose shirt and she even wears a long black wig on her head and a black hat to disguise herself. "Pumasok ka. Nasa loob ng silid na yan ang ate mo. Sa pinakadulo ay naroon ang isang private room na ginawang ICU para sa kanya. At ang katabing silid naman ay nursery kung saan nilagay ang triplets." Akma siyang pumasok ngunit muli siyang natigil at humarap kay Christ

