CHAPTER 6.

2728 Words
Nasa loob sila ng sasakyan ni Dexter. Hinatid siya nito pabalik ng presinto. Wala silang imikan, she just seats still habang naka ekis sa dibdib ang dalawang braso at nakasandal ang ulo sa headrest ng upuan kasabay ng pagpikit ng kanyang mga mata. She felt so tired. Gusto ng katawan niyang magpahinga ngunit tila ayaw sumunod ang kanyang utak. Every time she closes her eyes a vivid image of a teenage woman whom they found dead inside a car appears in her vision. It frustrates her. It makes her mad. Binuksan niya ang kanyang mga mata mula sa pagpikit, bumuntong hininga at lumunok. Lumingon siya kay Dexter na nasa daan nakatuon ang paningin. Muli siyang lumunok sabay suklay ang daliri sa seven-seven hairstyle niya. "Ilang taon na ang kapatid mo?" She asked. "She is eighteen." Tipid na sagot ni Dexter habang nanatiling nakatuon ang paningin sa daan. "May I know kung saan siya nag-aaral? Her hobby. Marami ba siyang kaibigan? Umiinom ba?" "She is studying at Ateneo University, taking up a BS in psychology. She loves her studies, wala din siyang masyadong kaibigan at hindi siya umiinom." Dexter took something from his car compartment at binigay iyon sa kanya. It was a close-up picture of his missing sister. Mataman niyang tinitigan ang larawan. No wonder kung bakit wala masyadong kaibigan ang kapatid nito. May suot itong malaking salamin sa mata at kulot ang buhok at may malaking braces sa ngipin. Ilang sandali lang ay tumigil na ang sasakyan sa harap mismo ng presinto. Ibinalik niya ang larawan kay Dexter bago bumaba ng sasakyan. "Thank you for the ride and the nice and delicious breakfast, Mr. Santillan. Your sister is alive, babalik siya sa inyo ng buhay." She said full of confidence. "Paano mo na sisiguro na buhay nga ang kapatid ko?" "Bakit? Mas gusto mo ba na sabihin kung wala na o patay na ang kapatid mo Mr. Santillan?" Sarcastico niyang balik tanong kay Dexter sabay ngunot ng noo. Dexter swallowed at hindi makasagot. Tumalikod siya at inihakbang niya ang kanyang mga paa patungo sa kanyang naghihintay na ducati. Hindi siya muling lumingon kay Dexter, sumampa siya sa kanyang ducati at binaliktad ang pagsuot ng kanyang sumbrero. "Officer Alcantara!" Muling tawag sa kanya ni Dexter. Dexter steps towards her. "I believe what you said earlier. Alam kung buhay ang kapatid ko. I will do everything and use all my connections just to find my sister!" "Good then, Mr. Santillan!" Akma niyang isuot ang kanyang helmet. But Dexter holds her on her wrist. Sa isang iglap ay kinabig siya nito at siniil ng halik ang kanyang labi. It was a fast kiss. Sapat lang na maramdaman niya ang pagdila at pagsipsip nito sa kanyang labi. She was stunned, yet she still managed to compose herself. "I usually don't accept thank you from a beautiful lady like you, I prefer a kiss to a word of thank you!" Dexter stepped back. Nakapagkit sa labi nito ang isang nakakalokong ngiti. She laughs hard. "I already warned you, Mr. Santillan," malapad ang pagkapuknit ng kanyang labi habang mas nakakaloko niyang nginitian si Dexter. "Kissing me once and twice is okay. But kissing me for the third time will only stir up your mind. Sinisiguro ko sayong hahanap-hanapin mo na ang labi ko." She touches her lips and winks. "I feel pity for your girlfriend. What's her name again? Oh, Briana. Correct me if im wrong." Muli siyang tumawa. Tawa na mapanukso at mapang-akit. Isinuot niya ang kanyang helmet, she then kick-off the starter of her motorbike. Mabilis niyang pinasibad ang kanyang ducati mula sa lugar na iyon. Leaving Dexter stunned and amazed. Kita niya mula sa side mirror ng kanyang motorbike ang hindi makahumang mukha ni Dexter. She laughed again and shook her head. Kung ibang babae siguro ang nasa sitwasyon niya, malamang na hinimatay na ito sa sobrang kilig, o malamang bumigay na. Not her. She knew how men played women, lalo na ang lalaking katulad ni Dexter na tinitingala at pinagpantasyahan ng mga kababaihan. She saw how that woman karen beg. Kung paano nito pinababa ang sarili kay Dexter. A man like Dexter is every woman's weakness. Dexter has everything that every woman dreams of. You can't beat men by showing them how fragile you are, and how weak you are. Mas lalo na kapag nagkakandarapa ka sa kanila. The only way to beat men is to join them. "Hoy, Savannah! Ano yun ha? Kinindatan mo yung lalaki? Nasisiraan ka na ba? Baka isipin n'on na pokpok ka. Umayos ka nga!" She smiled. Those words echoed in her head. Oh! How he misses that voice, her ate Althea's voice. Kamusta na kaya ang ate niya? Hindi niya na ito nakaka-usap simula ng namayapa ang matandang nagpalaki rito. She will visit her again one of these days. Ilang minuto lang ang byinahe niya ay nakarating na siya sa Lopez building kung nasaan ang kanilang headquarters. Pagkatapos iparada ang kanyang ducati ay mabilis ang hakbang niyang tunalunton ang entrance ng building at pumasok sa elevator, pinindot niya ang numerong saysenta paakyat kung nasaan ang kanilang headquarters. Nasa tapat na siya ng pinto ng headquarters. Isa iyong malaking well-tinted glass wall panel. Agad siyang nag biometric scan kasabay ng agad na pagbukas ng pinto. "Hi, viper!" Agad na bati ni Gila. "Good morning, Gila!" "Viper, hindi mo ba kasama si Hawk?" Tanong naman ni Black Widow. "Hindi, baka parating na rin." "I'm here!" Sabay silang tatlo na napatingin sa pinto. Pumasok si Hawk. Nakasukbit sa likod nito ang isang backpack na siguradong laptop ang laman. "Na miss mo ba ako, Black widow?" "Hindi, ikaw na lang kasi ang hinihintay. Ikaw lang ata ang agila na mabagal kumilos." Ani ni Black widow na sinabayan ng mahinang tawa ang sinabi. They all laughed. "Bakit ang harsh mo sa akin Black? Hindi mo ba alam na ako ang partner mo sa next mission natin? That's why you need to be kind to me, dahil ako lang naman ang mata sa likuran mo." Ani pa nito sabay tapik sa balikat si Black widow. "Im kind to you, Hawk. Very kind!" Black widow even touches Hawk's face sensually with the back of her palms. "Eww, kadiri ka!" Winaksi ni Hawk ang kamay ni Black widow sabay pahid ang sariling mukha. Sabay uli silang nagtawanan ni Balck widow, Gila at siya. Maliban kay Hawk na napanguso ang labi. "EAGLE'S at the briefing room." Ani ng boses mula sa intercom. Sabay nilang tinaluntong ang hallway papunta sa briefing room. A dim room welcomed them. Isang pahabang mesa na may anim na swivel chair, at isang malaking whiteboard sa unahan ng mesa ang naroon sa loob ng kwartong iyon. "Good morning Eagles!" Agad na bati ng kanilang chief of command. "Good morning chief!" Magkasabay na ganting bati nilang apat. Sabay pugay kamay. "Hi, Crow. Hi, Venom!" Sabay na bati nilang apat sa kasamang agent na naunang pumasok sa loob ng briefing room. Gumanti ng bati ang mga ito sa kanila. Four of them step forward and seats on the available chair. Habang nasa pinaka dulo naman ng mesa umupo si Hawk, inilabas nito mula sa backpack ang bitbit na laptop. Kasabay ng pag-ilaw ng projector sa whiteboard ay ang paglitaw ng mga imahe ng apat na batang babae na wala ng buhay. Nagsitayuan ang kanyang balahibo kasabay ng mariin na pagkuyom niya ng kanyang mga palad. Nakahiga ang mga batang babae sa isang made of steel bed na sa hinuha niya ay kinuha ang litrato sa loob mismo ng morgue. Dahil tanging puting kumot lang ang nakatakip sa mga ito. Nakatakip hanggang leeg ng mga batang babae na wala ng buhay. "Based on the picture you see right now, alam kong may idea na kayo. Many teenage women were reportedly missing these past two days. They are aged sixteen and eighteen." Panimula ng kanilang chief na nakatayo sa harap ng board habang may hawak-hawak itong papel sa kamay. "Four of them were found dead in different places. The first was found dead last two days ago at Cavite near the seaside. At ang pangalawa naman ay ganon din, nakita ito ilang metro lang ang layo mula kung saan na kita ang unang biktima." She took a deep sigh to relieve the anger that started to arise within her. She clenched her fist tightly and gritted her teeth. "The third victim," pagpapatuloy ng kanilang chief. "Was found by you, Viper," she swallowed. "And the fourth was found in manila bay. And based on the initial investigation. Four of them died in different ways. The dead bodies found in the Cavity sea side both died through a gun shooting. The dead body found by you, Viper, died because of a hard-hitting on the back of her head. And lastly, the dead body found in manila bay died through strangulation." Again another image was flashed in front of them. Mga imahe kung saan may mga hickeys ang katawan ng mga batang babae at kagat sa mga leeg nito. Hawk zooms in on the image. Walang nagsalita ni isa man sa kanila,lahat sila nakatuon ang paningin sa monitor, lahat sila ay nakikinig lang sa mga impormasyon na sinasabi ng kanilang chief. Isa lang ang alam niya sa mga oras na ito, na kung ano katindi ang galit na nararamdaman niya ngayon sa kaloob-looban niya ay ganun din ang mga kasamahan niya. "We can see the bitemarks as well as the hickeys all over the body of the victims," Nakaturo ang hintuturo ng kanilang chief sa monitor. "The bitemarks and hickeys are only an indication na ang krimen ay kagagawan ng iisang grupo. All the victims were lastly found at the different nightclubs at Malate, Pasay, and BGC's nightclub. And your mission is to save the missing teen and catch the criminal through the joining forces of NBI. All the information you needed is already forwarded to Hawk. The head gives us two weeks to solve this case, at kapag hindi natin nagawa, ipapasa ito sa male department. Eagles maselan ang misyong ito, maaaring mapahamak ang mga kabataan o di naman ay kayo. Ganon paman, Eagles always keep in mind na walang sino man sa atin ang may karapatan na kumitil ng buhay ng ating kapwa tao, ngunit karapatan natin na ipagtanggol ang ating sarili laban sa mga taong hangal ang bituka. Don't hesitate to pull the trigger when your life is in danger. Eagles I put my hope and trust in you! Sabay silang tumayo at nag pugay kamay sa kanilang chief of command. Si Hawk ang head ng kanilang team sa mission. At bago matapos ang araw ay nakabuo sila ng isang plano kung paano simulan ang paghahanap sa mga kabataan na nawawala at kung paano hulihin ang mga hangal na bituka na walang ibang ginawa kundi sirain ang katahimikan at magpalaganap ng kasamaan. " Viper!" Napalingon siya sa pinanggalingan ng boses. It was their chief of command. "Go home, Vipe, and rest bago mag simula ang aksyon!" She smiled. Ito ang gusto niya sa kanilang chief. Lagi nito inaalala ang kanilang kapakanan at kaligtasan. "I will, chief!" Sumaludo siya, ngumiti bago tumalikod at tinalunton ng paa ang pasilyo palabas ng kanilang headquarters. Akma na siyang lumabas ng muling marinig ang malakas na pagtawag ni Hawk sa kanya. "Viper!" Lumingon siya. "Gamot mo." Initsa nito sa kanya ang isang pad na gamot. Gamot iyon sa kanyang alcohol intolerance. She was prohibited from drinking alcohol dahil sa matinding epekto nito sa kanyang katawan, agaran na umiinit ang kanyang katawan at nagkakaroon ng mga pantal-pantal sa buong katawan o di naman kaya ay hindi makakahinga. "Salamat!" Ani niya. "Yung akin?" Ani naman ni Black widow. May hinugot si Hawk sa loob ng bulsa ng backpack nito. "Oh, ayan," initsa nito iyon kay Black widow. "What the fvck, Hawk? Ano 'to?" "Condom, tanga!" "Aanhin ko 'to?" "Subukan mong kainin. Malay mo mag orgasm ka." They all laughed. "Ta-*na ka. Anti drowsiness ang hinihingi ko hindi condom, bwesit." Ngumiti siya sabay iling. This is how they treat each other. They treat each other like sisters and a family. Her Eagle family. Lumabas siya ng headquarters. Mabilis ang bawat hakbang niya na tinalunton ang kinaroroonan ng kanyang ducati. Yeah, her chief is right. She needs rest. Mamayang gabi ay magsisimula na naman ang bagong hamon. She needs to regain her strength as soon as possible. **************************************************** He just came back from DLGC. Umalis papuntang hacienda de luna ang kaibigan niya at naiwan sa kanya ang lahat ng trabaho nito. He felt so drained. Hindi niya alam kung paano at saan magsisimula sa paghahanap sa kapatid niya. He used all his connections just to find his sister. She's been gone for two days now. Napahilot siya sa kanyang sentido sabay ibinagsak niya ang pagod na katawan sa kanyang malambot na kama sabay pikit ng kanyang mga mata. As he closes his eyes. Ang mukha ng babaeng polis ang lumitaw sa kanyang balintataw. Wala sa sariling napahaplos siya sa kanyang labi at tila pa niya nalalasap sa kanyang labi ang malambot na labi nito. Fvck! Fvck, this. This is fvcking ridiculous. He shouldn't think about that woman, he should think about how to find his sister. Napasabunot siya sa kanyang buhok. Hinubad niya ang kanyang business suit na suot at nagbihis ng rugged jeans at isang plain white t'shirt. Kinuha niya sa drawer ang kanyang itim na sombrero at isinuot iyon. He took his car key and left. Sa isang nightclub sa malate siya pumunta, kung saan huling nakita ang kanyang kapatid. Isang malaking palaisipan sa kanya kung paano napunta sa lugar na iyon ang kanyang kapatid? Kaira is not a party going. She doesn't have any best friends, at higit sa lahat hindi ito umiinom. Pumasok siya sa loob ng nightclub. Sumalubong sa kanya ang maingay na musika at ang nagkikislapang samo't saring kulay ng ilaw na maharot na gumagalaw, maging ang sari-saring amoy ng alak na humahalo sa amoy ng usok ng sigarilyo. This place is chaotic. Mahaharot na sumasayaw ang kababaihan at kalalakihan sa dancefloor kasabay ng mga hiyawan. Sa isang sulok na bahagi siya umupo malayo sa mga nagkokompulan. Isang waiter ang lumapit sa kanya may bitbit itong maliit na pirasong papel at ballpen sabay tanong ito sa kanya kung ano ang kanyang order. He ordered a bottle of beer. What the hell Kaira is doing in this place? This place is hell. Tumungga siya ng beer. Ilang tungga pa ang kanyang ginawa ng nahagip ng kanyang paningin ang isang babae na nakahawak sa dibdib nito at tila nangangapa ng makapitan palabas ng bar. His subconscious is battling inside his mind. Pupuntahan ba niya at uusisain ang babae at tanungin kung ano ang nangyayari dito o hahayaan niya nalang dahil baka lasing ito. But no! Mas naghari sa kanya ang isipin na puntahan ito. He suddenly feelfeelse there is something wrong na baka kailangan ng babae ng tulong. He automatically stood up at sinundan ang babae. Sinundan niya ang pinto na nilabasan nito. Pagkalabas niya ay agad hinanap ng kanyang paningin ang babae. Nakita niyang nakasandal ito sa pader. The woman looks tall, nakasuot ito ng isang black high heels, black mini skirt at red top tube, mahaba ang tuwid na buhok at may bangs. The woman is sexy as hell. He furrowed his brows, as he saw the woman sensually touch her body. Napahaplos pa ito sa leeg na tila nauuhaw. Mabilis ang kanyang hakbang na nilapitan ito. "Miss excuse me, are you okay? Do you need help?" The woman lifted her head and stared at him. Ngumiti itong lumapit sa kanya sabay na iniyakap nito ang mga bisig sa kanyang leeg. "Yeah, I need help. I feel damn hot!" Ani nito sa mapungay na mga mata at tila nanginginig na boses at tila habol nito ang bawat paghinga. "Do I need to - -" Hindi niya na ituloy ang gustong sabihin. The woman grabbed his nape and kissed him on his lip torridly. Napamulagat siya ng mata. Her kisses are familiar with the softness of her lips. The way she moves her lips is very familiar. And even the effect of her kisses on his being awakens his lustful desire in just a split second. Iniyakap niya ang kanyang mga braso sa balingkinitan nitong baywang at tumugon ng halik. "Officer Alcantara?" Sigaw ng kanyang isip.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD