HAWK is not just a technophile, she is also the daughter of one of the well-known business Tycoons in the Philippines. She is Michelle Feliciano a.k.a HAWK, kasalukuyan nag aaral ng kursong Law sa University of the Philippines.
Her special skills: Karate, Hacking and she is also good at gun shooting.
Palabas na silang dalawa ni Hawk ng condo ng makasalubong ang isang lalaki at babae na nag tatalo sa bungad ng lobby.
"Look, Dexter ikaw itong may kasamang babae at kalandian tapos ikaw pa itong may ganang magalit." Ani ng babae na nakasuot ng above-the-knee black sleeveless dress.
"Karen, gagawin ko ang gusto ko. Kahit ilang babae pa ang e' kama ko wala kang pakialam, dahil walang tayo!" Singhal din dito ng lalaking tinatawag nitong Dexter.
"Ouch!" komento ni Hawk habang natatawa na napahawak sa dibdib.
She was just standing near Hawk Ducati motorbike, habang nasa unahan naman ang sasakyan ng lalaking nagngangalang Dexter.
"You know what Karen? You better go home and soak yourself in a warm shower ng mahimasmasan ka!"
"What? Ganyan mo na ako tratuhin Dexter after giving myself to you!?" Halos mangiyak ngiyak ang babaeng tinatawag na Karen.
Naniningkit ang mga mata niya habang nakikinig sa bangayan ng dalawa, lalo na sa lalaking si Dexter.
"You give yourself to me? Yes!" Anito habang naka pamewang ang isang kamay at napapahilot sa sentido ang isa pa. "But I never ask you to give it to me Karen, ikaw ang nagkusang ibigay ang sarili mo! And stop acting na para kang birhen ng may nangyari sa atin because you're not." Mariing sabi ng lalaking tinawag nitong Dexter.
Nagpanting ang kanyang tenga sa narinig kasabay ng pagkuyom ng kamao ay nilapitan niya ang babae. She can't help herself but interrupt. She just simply can't stand seeing woman na inaalipusta at niyuyurakan ng mga lalaking katulad nitong si Dexter.
She hates it.
"You know what ma'am? You're beautiful and you deserve a man who will truly love and cherish you!" Aniya sa babaeng si Karen "not a man who doesn't have guts and scumbag like him!" Sabay turo niya kay Dexter.
"Oh, yes he's right Karen! Kaya lubayan mo na ako. And who knows baka siya yung para sayo." ani ng lalaki sabay turo ito sa kanya at tumawa ng may pang uuyam.
What the hell! Napagkamalan pa siyang lalaki.
Mas lalo niyang naikuyom ang kanyang mga palad at hilaw na ngumiti sabay tingin sa gawi ng lalaki at tinanggal ang kanyang sumbrero.
Isang malutong na halakhak ang pinakawalan ni Hawk habang nakatingin sa kanya kasabay ng paulit ulit na iling habang nakasandal sa Ducati motorbike nito at naka ekis ang mga braso sa harapan ng dibdib.
Mataman niyang tinitigan ang lalaking si Dexter sa mga mata nito, and suddenly their gazes locked to each other. Nanatiling nakatuon ang tingin niya sa mga mata ng lalaking si Dexter habang humahakbang siya papalapit dito.
She brushes her seven-seven hairstyle with her fingers and smiles at Dexter, kasabay ng paglitaw ng dalawang biloy sa magkabilang pisngi. Marahas niyang tinanggal ang leather jacket at tinapon iyon kay Hawk kasabay ng kanyang sumbrero na nasalo naman nito.
"Take it slowly, Viper!" Ani Hawk sa kanya.
Napanganga si Dexter habang nakatingin sa kanya, she is now wearing a v-neck sando shirt na medyo kita ang hubog ng hinaharap at ang medyo may pagka masculadong mga braso.
As she walks toward Dexter she can't help herself na pag aralan ang mukha nito, he has this fine well sculpted jawline, perfectly symmetrical face, long pointed nose, and a thin red lip at higit sa lahat ang tila nangungusap na mga titig. Hanggang sa dumapo ang tingin niya sa malapad nitong dibdib, bilang isang babae na mahilig sa work out at gym sigurado siya na nakatago sa loob ng damit nito ang mga malapandisal na umbok sa katawan.
'Not bad!"
Bulong niya sa sarili.
She can't blame this woman Karen kung bakit ito tila head over heels sa lalaking nasa harap niya. He looks like an epitome of a gods, an Adonis to be exact.
Hindi man lang ito natinag sa kanya, halos isang dangkal na lang ang layo ng kanilang mga mukha sa isat isa. Kahit sabihing matangkad na siya sa height na 5'5 ay mas matangkad ito sa kanya na sa hinuha niya ay nasa 6' something ang height nito.
"What are you doing?" Pasigaw na tanong ng babaeng si, Karen.
Bahagya niya itong nilingon at nginitan kasabay ng isang kindat.
But to her surprise ay kinabig bigla ng lalaking si Dexter ang kanyang batok sabay siil ng halik sa kanyang labi. Marubdob, mapaghanap at marahas ang paraan ng paghalik nito.
Nanatiling nakabukas ang kanyang mga mata habang parang naduduling sa pagkatitig sa mukha ni Dexter. She was stunned.
'Damn it! Naunahan ako.'
Marahan niyang iginalaw ang kanyang labi at nilasap ang bawat galaw ng labi ni Dexter, she bit his lower lip dahilan ng pag awang ng labi nito kasabay ng pagpasok ng kanyang dila sa loob ng bibig ni Dexter.
She heard him moan.
'Dejavu'
Sigaw ng kanyang isip.
Ginalugad ng dila niya ang bawat sulok ng labi ni Dexter, kasabay ng pakiramdam na mas diniin nito ang kanyang katawan sa sarili nitong katawan. She felt his hard and erect shaft. Kasabay ng pag lakbay ng mga palad niya sa likod ni Dexter hanggang sa batok. Humahaplos dumadama.
She heard him moan again.
Kumalas ang kanyang labi sa paghalik at nilapit niya ang bibig sa punong tenga ni Dexter sabay bulong. "Do it better next time man!" Kasabay ng muli niyang pagdila sa punong tenga nito at sinabayan ng konting kagat. "It doesn't find challenging" ani niya saka bumitaw at tuluyan niya itong tinalikuran.
"Hey! Karen." Baling niya sa babaeng tila natulala parin. "Find someone that suits you, he doesn't even know how to kiss a woman properly!"
"What? What did you just say?" Ana ng lalaking si Dexter sa nanlalaking mga mata na tila hindi makapaniwala sa kanyang sinabi.
Malakas na halakhak ang pinakawalan ni Hawk habang sumasakay sa kanyang Ducati, umangkas siya at muling sinulyapan si Dexter. Nginitian niya ito ng nakakaakit na ngiti at kinindatan.
"Hey, Dexter!" Tawag dito ni Hawk. "That kiss is poisonous!" binuntutan nito ng malutong na halakhak ang huling sinabi, sabay buhay nito ng makina ng kanyang motor at umalis sa lugar na iyon.
Iniliko ni Michelle ang kanyang Ducati sa likod ng De Luna condominium kung saan niya iniwan ang sariling Ducati. Ng marating ang kinaroroonan ng motor niya ay agad siyang bumaba at tinapik sa balikat sa Michelle a.k.a Hawk.
"See you at the headquarters!" Aniya kay Hawk.
"Yeah, see you Viper!" Sabay buhay uli ng motor nito paalis sa lugar na iyon.
Muling sinuot ang kanyang leather jacket at inayos ang pagkasukbit ng duffle bag sa kanyang likod, binaliktad niya ang pagsuot ng kanyang sumbrero at akmang isuot ang helmet ng maalala ang halikan nila ni Dexter.
'He's quite good at kissing though.'
Sabay kagat sa kanyang ibabang labi habang napapangiti. Her lips are not a virgin anymore, ni hindi niya matandaan kung sino ang naging first kiss niya.
May mga mission siya na madalas gamitin ang alindog, at madalas hindi maiwasan na masama ang pakikipaghalikan lalo na kung kasama sa mission ang pang aakit.
She knew that she is good, dahil wala pa siyang nahalikan ng hindi umuungol, and Dexter is not an exemption. But the effect of that kiss earlier is new to her, she felt an electrifying heat running through her veins.
Bahagya niyang tinapik ang mukha na ngayon ay biglang uminit.
'What the hell Savannah! Ano ba yang pinag iisip mo?'
Kastigo niya sa sarili.
Mabilis niyang binuhay ang makina ng kanyang motor at sinuot ang kanyang helmet sabay pakaripas ng takbo ng kanyang Ducati papalayo sa lugar na iyon.
Wala pang kalahating oras ay dumating na siya sa headquarters nila na nasa kalagitnaan ng Maynila. Nasa parking lot na siya ng Lopez building at pinaparada ang kanyang ducati sa parking lot ng tumunog ang cellphone niya, alert tone iyon mula sa head ng eagle eye.
"At the headquarters 2200 hrs. (10:P.M)"
Sinipat niya ang kanyang relong pambisig 9:30 P.M na.
Mabilis siyang pumunta sa elevator at pinindot ang 60th-floor ng building kung nasaan ang kanilang headquarters. Tumunog ang elevator, hudyat iyon na narating na niya ang kanilang headquarters.
Agad siyang nag biometric scan, ng ma confirm ang kanyang palm print and fingerprint ay agad bumukas ang pinto.
Pagkapasok ay agad siyang binati ng mga kapwa agent. Their group consists of six members and 3 of them were named after poisonous animals.
"Hi, Viper!" Magkasabay na bati sa kanya nina Crow, Venom, Black Widow at Gila.
"Hello, Good evening!" Ganting bati niya.
Nakahawak siya sa magkabilang sling ng kanyang duffle bag na naka sukbit sa kanyang likod at nagpalinga linga sa paligid kasabay ng pagkunot ng kanyang noo, ng mapansin na wala pa si, Hawk.
'Where is she? Nauna pa yun sa akin kanina ah!'
Tanong ni Savannah sa sarili.
"Are you looking for Hawk?" Natatawang tanong ni Crow sa kanya!
"Yeah! Where is she?" Ganting tanong niya
"She's in the briefing room! May kinakalikot sa laptop niya." Ngumiti ito sabay lagay ng hintuturo sa kanyang baba na tila nag iisip. "I saw her typing on her laptop na parang may sinsekreto ayaw ipakita sa akin eh! May nangyari ba sa mission niyo na exciting?"
'No fvcking way! Baka senave niya ang s*x video ni, Felicity, at ng lalaking si Alfred'
Bulong niya sa sarili.
"Anyway, pina pa report kayong dalawa ni chief." Ani ulit ni Crow sabay tapik sa kanyang balikat.