Chapter 1

1395 Words
Ariane's POV Simula nang mamatay ang aking mga magulang, si Tita Amelia na ang tumayong tagapangalaga ko. Pakiramdam ko ay isang Cinderella story ang nangyari sa aking buhay dahil hindi naman niya ako trinato bilang isang kamag-anak. Kasama ng dalawang maldita niyang anak, ginawa nila akong alila sa sarili naming pamamahay. Dahil ulila na akong lubos at walang ibang malalapitan, wala akong nagawa kung hindi ang sundin kung ano ang gusto nila. Ngunit ang lahat ng ito ay nagbago nang makilala ko si Erick – ang lalaking inakala ko'y magtatakas sa akin sa sitwasyong kinalalagyan ko. Hindi ko akalain na siya pala ang magiging dahilan kung bakit ako pumayag sa nais ni Tita Amelia. Dahil kay Erick, pumayag ako na ibenta ang aking katawan sa isang lalaking hindi ko naman kilala. Hindi ko alam na ang desisyon kong ito ang magbibigay ng malaking pagbabago sa aking buhay. *** "I will just send the money in your mother's bank account," saad ng lalaking ngayon ay nakatayo at nagbibihis. "She's not my mother," tugon ko saka mariing kinuyom ang kamay sa bedsheet ng kama. Natigilan siya ngunit hindi nagawang lumingon sa akin, nanatili siyang nakatalikod at maya-maya lang, kinuha niya ang isang tungkod na nagsisilbing gabay niya sa paligid. "Whatever, mis. I hope to see you soon," aniya. Hindi ko man nakikita ang kanyang mukha, sa tinig palang niyang iyon, alam ko nang nakangiti siya, isang bagay na hindi ko maintindihan. Sa pagkakataong ito, tumaas ang aking ulo at tumingin sa kanya. Maya-maya lang, lumingon siya sa akin. Dahil sa liwanag na binibigay ng buwan, doon ko mas nakita nang malinaw ang kanyang mukha. Kulay gray ang mata niya, matangos ang ilong at may kakapalan ang kilay, kung iisipin, hawig niya ang mga artista na napapanood ko sa pelikula. Bakit naghahanap ng babae ang isang gwapong lalaki na tulad niya? ani ko sa sarili. Hindi ko maikakaila ang taglay niyang kakisigan. Maganda ang katawan at mala-Adonis ang mukha. "Thank you for this night, mis." Naputol ang mga bagay na aking iniisip nang muli siyang magsalita. Muli siyang tumalikod at nagsimulang lumakad palayo sa akin. Sa pagbukas ng pinto, hindi ko alam kung namalikmata lang ako dahil may nakita akong isang lalaking nakaitim na naghihintay sa labas ng silid. Malaki ang katawan nito at kung iisipin, mukha siyang body guard. Siguro nga ganito itrato ang mga mayayamang tao. Huminga ako nang malalim nang tuluyang sumara ang pinto. Naiwan akong mag-isa sa madilim na silid na ito. Nagsimulang bumagsak ang aking balikat nang muli kong maalala ang mga nangyari sa pagitan namin ng lalaking iyon. Agad kong iniling ang aking ulo at tumayo, ngunit mariin akong napapikit nang maramdaman ang hapdi ng isang bagay sa pagitan ng aking hita. Noon ko lang napansin ang dugong mantya sa bedsheet ng kama. Wala na, wala na ang bagay na pinakaiingatan ko. Ang masakit, ibinigay ko ito sa isang lalaking hindi ko naman kilala. Kahit mabigat sa damdamin, nagtungo ako sa washroom at doon naligo. Pilit kong nilinis ng sabon ang aking katawan upang mawala ang bahid ng dumi ng kamunduhan. Sa bawat pagdampi ng tubig mula sa shower, sabay sa pagpatak ng luha sa aking mga mata. Unti-unti akong napaupo sa sahig nang mapagtanto kong kahit anong gawin ko, hindi na magbabago ang mga nangyari. Hindi na magbabago ang lahat ng ito. Niyakap ko ang sarili at doon binuhos ang mga luha na kanina pa naipon sa aking mata, saka ko hinayaan ang malamig na tubig mula sa shower na gumapang sa aking katawan. *** "Natanggap ko na 'yong bayad sa 'yo, Ariane." Marahan kong sinara ang pinto ng aming bahay. Kauuwi ko lang ngayon at ito ang bungad sa akin ni Tita Amelia. Dali-dali akong napatingin sa kanya at nanlaki ang mga mata. "Totoo po?" gulat kong saad. Agad kong binaba ang bag sa sofa at nagmamadaling lumakad patungo sa lamesa kung saan nandoon si tita at ang anak niyang panganay na si Lyka. "Congrats, Be. Ganap ka nang pokp*k. Pagpatuloy mo ‘yan, beh." Malakas na tawanan ang narinig ko mula kay Lyka at sa kapatid niyang si Lucia. "Hoy! 'Wag kayong ganyan, isang milyon ang katumbas ng perlas ni Ariane," dagdag pa ng nanay nila saka sumabay sa pagtawa. Mariin kong kinuyom ang aking kamay at pilit na nagbingibingihan sa kanilang sinasabi. Sa ngayon, isa lang ang importante sa akin, ang mailigtas ng buhay ng mahal kong si Erick. "Tita, please. Pwede ko na po bang makuha 'yung pera?" pagmamakaawa ko. "Limang-daang libo lang ang sa 'yo rito, Ariane. Siyempre sa 'kin ang iba." Nanlaki ang aking mga mata sa sinabi ni Tita Amelia. "P-Pero, Tita. Hindi ganito 'yung usapan natin noong una?" Tila tumaas ang balahibo sa buo kong katawan nang tapunan niya ako ng matalas na tingin, dahilan upang mariin akong mapalunok. "Aba! Pasalamat ka nga at bibigyan pa kita. Pero kung ganyan ang asal mo, baka magbago ang isip ko." Sinandal niya ang likod sa backrest ng upuan, saka humalukipkip. "Sabihin mo, ayaw mo ba ng parte mo?" Mariin kong kinuyom ang aking kamay. Nagsimulang mangilid ang luha sa aking mga mata dahil sa kawalan ng pag-asa. Alam kong kahit anong gawin ko, hindi naman ako pakikinggan ni Tita Amelia. "S-Sige po, pumapayag na ko," tugon ko sabay kagat sa ibaba ng aking labi upang pigilan ang pagluha. "Good! Account number mo?" tanong niya habang taas kilay na nakatingin sa cellphone at akma nang magta-transfer ng pera sa account ko. Narinig ko naman ang muling pagtawa ng magkapatid habang masayang kumakain ng prutas at nakatingin sa akin. Ang mga tingin nilang iyon ang lalong nagpapababa sa aking dignidad. Tila hinuhusgahan nila ang buo kong pagkatao. Matapos kong matanggap ang pera na binigay sa akin ni Tita Amelia, wala na akong sinayang na sandali. Agaran akong umalis at tumawag ng taxi. Nagtungo ako sa ospital kung saan naroroon si Erick, ngunit hindi ko akalain na sa aking pagdating, maaabutan ko ang nakatakip niyang mukha. "Sorry, Ms. Ariane. Ginawa namin ang lahat pero hindi na talaga kinaya ng katawan niya," saad ng doktor na nandoon. Halos hindi ko maihakbang ang aking mga paa patungo sa kama na kanyang kinaroroonan. Nanginginig ang aking katawan na animoy binuhusan ng malamig na tubig, ngunit kahit ganoon, pinilit ko pa ring ihakbang ang aking paa patungo sa kanya. Nang tuluyan akong makalapit, dahan-dahan kong binuksan ang puting kumot na nakatakip sa kanyang mukha. "Erick!" Napahagulgol na lang ako nang iyak nang tuluyan kong makita ang mukha niyang wala nang buhay. Mahigpit ko siyang niyakap at wala nang pakialam kung gaano kaingay ang aking paghihinagpis. Bakit? Bakit ganito kalupit sa akin ang tadhana? Kung minsan, hinihiling ko na lang sa Diyos na kunin na lang niya ako nang matapos na ang lahat ng ito. Ayoko na, ayoko nang mabuhay kung wala na rin ang dahilan para naisin kong mabuhay. *** Makalipas ang ilang linggo, ang perang nakuha ko ay ginamit ko lang din sa pagpapalibing kay Erick. Halos walang pumunta sa lamay at libing niya, tanging kilalang kamag-anak lang. Alam kong ayaw nila sa akin at hanggang ngayon, kinamumuhian pa rin nila ako dahil sa nangyari. Ang perang nakuha ko nang gabing iyon ay napunta lamang sa ospital at sa pagpapalibing, halos wala na ring natira sa akin, isang bagay na hindi ko naman pinagsisisihan. Sa ngayon, bumalik lang ako sa aming bahay – sa impyernong bahay kung saan ako nakakulong kasama ang aking tita at mga anak niya. Nagsimula na ring mawala ang mga ngiti sa aking labi dahil sa mga nangyayari. "Ariane, hindi pa ba tapos iyang niluluto mo? Gutom na kami!" sigaw ni tita Amelia. "Matatapos na po," tugon ko pabalik. Nang buksan ko ang takip ng aking niluluto, napatakip ako ng ilong dahil may amoy ito na hindi ko talaga gusto. Ngunit wala akong magawa dahil paborito ito ni tita at mga anak niya. Kumuha ako ng kutsara at sinimulang tikman, ngunit nang oras na lumapat ang sabaw nito sa aking dila, tila nagsimulang bumaliktad ang aking sikmura. Dali-dali akong tumakbo sa banyo at doon dumuwal. "Aba! Napapadalas na yata 'yang pagsusuka mo, Ariane. Buntis ka ba?" Nanlaki ang aking mga mata nang marinig ang sinabing iyon ni tita. Maya-maya lang, maging siya ay nagulat nang maisip ang bagay na kanyang sinabi. "S-Sandali, buntis ka?" Ang salitang iyon ang tanging naiwan sa aking isip na paulit-ulit kong naririnig.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD