YAZMIN POV NAPAPANSIN niyang tahimik si Lee, matapos ang pakikipag usap nito kay Rio tungkol sa nangyari sa Ama nito. Narinig niyang binawian na ito ng buhay. Wala siyang masabi. May bahagi ng puso niya na nakahinga at nalulungkot para sa binata. Hindi man nila nabigyang hustisya ni Kuya Yazir ang mga magulang nila, ang panahon na ang naggawa para sa kanila. Fuji Asihiro is now deád. He passed away while in a deep sleep. Hindi man brutál ang pagkamatay nito ay hindi na importante pa. Mahalaga ay wala na ito, wala ng bantá sa buhay ng anak niya. Kailanman hindi niya pinangarap masangkot ang anak sa kahit anong gawain ng mga Yakuza o Triad man. Mahirap man tanggapin subalit kailangan nilang mag-move on, nangyari na ang mga nangyari at kahit kailan hindi na ito mababago. Pagpapatawad n

