YAZMIN POV "HAVE you ever been to a graveyard?" seryoso at sarkastikong tanong ni Lee kay Joshua habang naglalaban ng tingin ang mga ito. Mata sa mata ang peg! Napakamot siya sabay tayo upang awatin si Lee subalit mabilis na kinuwelyuhan ni Joshua ang asawa niya. "Huh? Sira ba ulo mo? Sa tingin mo matatakot ako sa'yo, sino ka ba sa inaakala mo ha?! Crew ka lang ba rito?" ngumisi si Joshua. "Baka gusto mo ipatanggal kita rito sa trabaho mo," sumulyap si Joshua sa kaniya habang hawak pa rin ang kwelyo ni Lee. "Akala ko ba mayaman ang asawa mo, Yaz? Hindi naman pala, mukhang ginugutom ka pa yata ng ungas na 'to!" Hiyaw ng binata. "S-Stop it--" wika niya upang awatin ito sa pagsasalita subalit malakas siya napatili nang bumulagta sa sahig si Joshua dahil sa lakas ng suntok ni Lee. Nanlaki a

