TAKA POV PAGKABABA PA lang ni Yazmin sa Airport sa Cebu ay sinusundan na niya ito. Hindi niya inaalis ang mata niya sa bawat galaw ng dalaga. Alam niyang pupunta ito ng Mandaue, Cebu para sa gagawin transaksiyon sa pagitan ni Sacha at sa isang kilalang pulitiko sa bansa. Pumasok sa isang condominium building si Yazmin habang siya nasa katabing building lang at tahimik nagmamasid. Kinuha niya ang cellphone sa bulsa at may tinawagan. "Yes, Sir?" sagot sa kabilang linya. "Floor and Unit?" Nang sabihin ng kausap ang unit at palapag kung saan naroon ang dalaga. Ngumisi siya. "Thank you." Ang kailangan na lang niyang gawin ay mag antay ng tamang oras at maging handa. Hindi na siya magpapabaril ng basta basta, mas lalong hindi na siya papayag na mawala sa paningin niya si Yazmin. Humugot

