YAZMIN POV NAPAIGIK siya habang tinatahi ang sugat niya sa binti, kahit may anesthesia na ay ramdam pa rin niya ang kirot. Nagpipigil siyang mapadaíng o mapaluha dahil hindi magugustuhan ni Kuya Yazir ang gano'n pagpapakita ng kahinaán. Sa loob ng halos anim taon marami siya natuklasan tungkol sa pagkatao niya, kung sino siya, saan siya nagmula, sino ang totoong magulang niya, pamilya niya at anong buhay ang mayroon siya. Lahat ay detalyadong sinabi ni Kuya Yazir sa kaniya. Namatay ang magulang nila dahil kay Fuji Ashiro ang Ama ni Fuji Taka, ang lalaking napangasawa niya noon. Tumatak na isip at puso niya ang kasamaan ni Fuji Ashiro, kung paano nito winasak at sinira ang pamilya nila. Dahil rito napalayo siya sa totoong buhay niya, sa kapatid niya at ginulo pa nito lalo ang buhay niya

