TAKA POV "KONO haigo ni dare ga iru ka shitte imasu ka?" Do you know who is behind this? "Hontō? Daijōbu, tonikaku kare o koroshimasu." Really? It's okay, I'll kim him anyway. Matapos magsalita ang kausap saka niya binaba ang hawak na cellphone sabay napatingala sa madilim na kalangitan na nakakuyom ang mga kamay. Napabuntong hininga siya. Kailangan na nilang makaalis bago pa sila maabutan ng Triad. Nalaman niyang, alam na ni Yazir Zheng na nawawala si Yazmin. Ngumisi siya. As if naman papayag siyang ibalik ang dalaga, babahá muna ng dugó bago pa mangyari iyon. "I've already told my brother to take you and your wife on the ship to Malaysia, that's all I can help... Taka," malumanay na sabi ng Tatay ni Lusia sa kaniya. Isang ordinaryong barko ang dadaong mamaya madaling araw patung

