HINDI makapaniwala si Clay sa mga ipinahayag at ibinunyag ng kaniyang ama. Mula sa nakaraan nito, sa panloloking ginawa nito sa nakilala niyang ina, sa naging relasyon nito sa tunay niyang ina at sa tunay na pagkatao niya. Ngunit ang talagang hindi niya kayang tanggapin ay ang sinasabi nitong si Cassandra ang nawawala niyang kapatid. Huge part of his brain doesn’t want to accept that lalo na at ramdam niya sa sarili niya ang pagmamahal na itinatangi sa dalaga. Kagyat siyang natigilan at napakunot-noo. Hindi kaya lukso ng dugo ang talagang nararamdaman niya para sa dalaga at hindi atraksyon? Ipinilig niya ang ulo. Imposible! The burning sensation, the undeniable racing of her heart everytime she's near is obviously more than a sibling's love. Nagpakawala siya ng hangin sa dibdib pagkuw

