“WHAT do you know about Cassandra?” dire-diretsong pumasok si Clay sa opisina ng kaniyang ama at lumapit sa matanda na noo’y may kausap na opisyal. Bagama’t sinubukan siyang pigilin ng assistant nito ay wala itong nagawa. Ang lakas ng kutob niyang may kinalaman ang ama sa nangyayari ngayon sa buhay ni Cassandra. Nag-angat ito ng paningin bago nagpaumanhin sa kausap. “Give us a minute,” anito. Magalang namang nagpaalam ang opisyal at iniwan silang mag-ama. “How well do you know Villamayor?” pauna nito bago sumandal sa swivel chair habang nilalaro sa kamay ang hawak na sign pen. “Don’t beat around the bushes, dad. I don’t have time for this. Just tell me what you know,” naiinis niyang wika, he didn’t even bother to sit down. Bahagya nitong kinagat ang pang-ibabang labi bago ngumisi sa k

