NAKATULOG at nagising na’t lahat si Alexander ay nananatili pa ring tulog si Cassandra. Dalawang beses na ring pumunta ang ipinadalang mga doktor ni General Mallari sa barraks kung saan naroon si Cassandra para tiningnan ang sugat ng dalaga, maging ng lalaking nakagapos na kasama nila kanina na naroon naman sa kabilang silid. Samantalang ang nurse naman ay makailang ulit din na nagpabalik-balik doon para obserbahan ang mga pasyente. Kung tutuusin, bugbog lang naman at ilang sugat ang natamo ng lalaki habang siya naman ay bukod-tanging pasa sa mukha at ngalay sa batok bunga ng paghampas sa kaniya kanina ang iniinda niya. However, Cassandra took most of the blows and damage. She was badly beaten and was wounded by bullets. Napatiim-bagang siya. Her fragile body suffered a lot at alam niyan

